Kabanata 106
Yumuko si Yusuf kay Muhsin. "Ngayon nakita mo na kung ano ang kinatatakutan ko? Huwag na nga natin pag-usapan 'yung asawa mo, Amira. Sa inyong dalawa na lang 'yun, hindi ko kayang sabihin sa 'yo kung ano ang gagawin mo kasi ikaw ang magdedesisyon. Pero kay Dalia.... Sabi ko sa 'yo, 'di ba! Sabi ko sa 'yo huwag mong asarin 'yung babaeng 'yun ngayon nawala mo na siya. Hinayaan mo siyang umalis, 'yung babaeng nagmamahal sa 'yo ng buong puso..."
Habang nagsasalita 'yung pinsan niya, hawak niya 'yung ulo niya para hindi lumala 'yung sakit ng ulo niya at 'yung sakit ng puso niya. Alam niya na may nagawa siyang masama simula nung sinigawan siya ni Dalia at umalis. 'Yung guilt nasa dibdib niya pero bukod sa utak niya. 'Yung nagawa niya, hindi na niya kayang bawiin. Sa tahimik na panalangin lang niya pwedeng sabihin 'yung nararamdaman niya kay Allah at magmakaawa para sa awa niya para sa mga pinsalang nagawa niya. Hindi niya naramdaman na karapat-dapat siyang maging parte ng buhay ni Dalia. Nasaktan niya ito, pinagtaksilan niya. Siya 'yung traydor, 'yung walang utang na loob na gago.
Binangga niya 'yung lamesa niya, tumayo siya habang kinuha niya 'yung susi ng kotse niya at lumabas ng opisina.
Kinamot ni Muhsin 'yung buhok niya na maiksi tatlong beses sa mabilis na pagsunod-sunod at tinignan niya si Amira na parang kaya niyang ipalamig 'yung gulat. Nagngangalit siya kesa magsalita. "Ginawa mo o hindi? Sagutin mo ako ngayon kasi hindi ko uulitin 'yung sarili ko. 'Yung susunod na mararamdaman mo ay masakit na sampal sa mukha mo, subukan mo ako tignan mo."
"Ginawa ko, so what? Wala kang magagawa tungkol doon. Naniniwala ka talaga na papayagan ko 'yung lokong 'yun na magkaroon ng unang anak sa 'yo? So what kung pinatanggal ko 'yung anak niya? Ano pa 'yung pinakamasama na pwede mong gawin?" Ngumisi siya sa kanya tapos tumawa na parang nagdagdag lang ng apoy sa galit niya.
Sinamaan niya ng tingin tapos sinabi niya, "PAANO MO NAKAKAYA?" Sumigaw siya, halos sinasakal na niya ito.
"Ikaw ang nagsimula! Sino ang nag-utos sa 'yo na pakasalan mo siya nung una? Pagkatapos sinabihan na kita huwag mo siyang gawin, nagpatuloy ka pa rin at ginawa mo! Pinapayuhan kita, itigil mo 'yung kalokohang ito at hayaan mo na bumalik 'yung mga bagay sa dati."
"So totoo 'yung sinabi ng kaibigan mo sa 'kin? Ginawa mo 'yun?" Nagkibit-balikat si Amira, hindi siya nag-aalala kasi alam niya na wala siyang magagawa. "Ginawa ko! Gawin mo 'yung pinakamasama mo, tignan natin..."
Tuloy-tuloy 'yung mainit nilang pag-aaway. Siguradong giyera ito ng mga salita at kung sino ang makakasakit sa isa't isa. Parehas silang nakahawak sa leeg ng isa't isa na parang mababangis na aso na nag-aaway para sa dominasyon. "Okay tapos na 'yun!" Umuugong siya, pinatahimik niya ito. "I-pack mo na 'yung mga gamit mo at umalis ka na sa bahay ko, hiniwalayan na kita." Sa ganun, umalis siya sa bahay.
Nawala sa isip niya at nanlaki 'yung mata niya habang nakatingin siya sa kanya na umaalis doon habang nakatayo siya. Nanginginig 'yung mga binti niya, sumusuko sa kanya. Mabilis siyang umupo sa kama habang napagtanto niya kung ano 'yung nangyari sa kanya. Hiniwalayan siya. Hiniwalayan talaga siya nito. Ginawa talaga niya 'yun sa kanya.
Tumingin siya sa paligid ng kwarto niya, hindi niya kayang gumalaw 'yung mga binti niya pabayaan pa 'yung pag-iimpake. Naramdaman niya 'yung kawalan ng lakas. Sumigaw siya ng malakas, ginulat niya 'yung bata pero wala siyang pakialam. Marami siyang dapat intindihin kesa kay Adila.
Umiyak si Amira na para bang ginigitgit 'yung utak niya mula sa loob. Emotional na sakit na lumabas sa bawat butas ng katawan niya. Umiyak siya na parang huling araw na niya 'yun.
Kinuha niya 'yung bed sheets para 'yung tahimik niyang pag-alog ay hindi maging dahilan para matumba siya. Mula sa mga mata niya lumabas 'yung mas malapot na luha kesa sa mga luha na umiyak na niya dati.
Tumayo siya at nagsimulang maglakad habang iniisip niya 'yung maraming paraan para makapaghiganti kay Karima, hindi niya ito patatahimikin. Kinuha niya si Adila, kasama 'yung susi ng kotse niya at umalis papunta sa apartment ni Karima.
Nakita niya 'yung sarili niya na nakatayo sa harap ng gate, kumakatok ng malakas hangga't kaya niya. Nagmadaling binuksan ng guwardiya kasi nagtataka siya kung sino 'yun. "Umalis ka sa daan ko," umuugong siya, tinutulak niya ito sa gilid. "Kung hinahanap mo si madam, nag-empake na siya at umalis sa bahay isang oras na ang nakaraan." Huminto si Amira, dahan-dahang lumingon para tignan 'yung guwardiya.
"Please, ayoko ng gulo, kasi 'yung taong hinahanap mo ay wala dito, pakiusap pumunta ka na lang sa iba." Inilayo niya 'yung ulo niya para maiwasan 'yung tingin niyang parang patay.
Inilagay niya 'yung mga braso niya sa ulo niya, sinabihan niya si Karima ng malakas habang sumusumpa siya sa kanya. Nagmadali siyang bumalik sa kotse niya at kinuha 'yung telepono niya para tawagan siya pero hindi nagtutuloy 'yung tawag. Isa pang malaking problema para kay Amira.
Tumingin siya sa paligid ng kapitbahayan habang kinakabahan siyang naghintay na lumabas siya. 'Yung puso niya pumilipit at lumubog sa kaba nung lumabas siya sa bahay. Mas kinabahan siya nung binaril niya siya ng masamang tingin. 'Yung paghinga niya nagiging matalas na hingal at sinubukan niyang kontrolin, pero walang gumagana. Masakit. Masakit sa kanya 'yung makita siya ng ganun; wasak at maputla. At ngayon, ipinangako niya na aayusin 'yung mga bagay sa kanila, kahit anong mangyari. Gagawin niya lahat para maayos 'yung mga bagay sa kanya.
Dahan-dahan, 'yung panic at anxiety attack ay lumayo, pero nanginig pa rin siya. Pumikit 'yung mga mata niya at itinuon sa inis na mukha niya, dahan-dahang nagbukas. 'Yung takot lumaki sa kanya habang dahan-dahan siyang huminga. "Dalia..."
"Ano? Ano ang gusto mo sa 'kin? Bakit ka nandito?" Pinutol niya siya bago pa siya makapagsimula. "Dalia, pakiusap makinig ka lang..."