Kabanata 13
“Oy, please ‘wag kang sumuko sa kanya agad. Sigurado akong kausapin mo siya nang maayos, baka mag-consider siya at magbago. Basta't mahal ka talaga niya, siguradong magbabago siya para sa 'yo. Kailangan mo rin siyang pasensyahan. Kapag siya’y apoy, ikaw ay tubig, hindi yung apoy ka rin. Laging mauuwi sa away, lalong lalala ang sitwasyon. At ‘wag mo rin siyang hayaang gawin lahat ng trabaho mag-isa, minsan tulungan mo siya. Magluto at maglinis kayong dalawa. Gawin mong masaya para sa kanya, hindi yung mahirap o nakakabagot,” payo niya. Tumingin siya sa babae nang ilang segundo. Nagtataka siya; paano kaya nagiging matalino at maalam ang isang bata pa?
Alam niya kung gaano kahirap minsan si Amira at alam niyang baka hindi gumana ang payo ni Dalia pero ‘yon na ang pinakamagandang suhestyon na natanggap niya mula kaninuman. “Tama ka nga, Dalia. Talagang nagpapasalamat ako sa magandang payong 'to, salamat.” Lumawak ang ngiti niya habang tumango siya.
Pinayuhan pa siya nito habang naglalakad sila hanggang sa dumating sila sa bahay. Nagpasalamat ulit siya bago siya bumaba ng kotse. Pinanood niya ang paglakad nito palayo hanggang sa mawala ito. Sinandal niya ang ulo niya sa kanyang upuan, pinipigilan ang pagngiti. Kung sana lang nakapag-asawa siya ng isang talagang rumerespeto sa kanya at naiintindihan na siya ang lalaki sa bahay, hindi siya magkakaproblema ng ganito.
Pagkatapos ng isha prayer, umuwi na siya. Nakita niya si Amira na naglalakad nang pabalik-balik sa sala na para bang sasakalin siya. Isinara niya ang pinto at pumasok sa sala. “Muhsin, saan ka galing? Umalis ka kasama ang babaeng ‘yon pagkatapos ng Asr pero ngayon ka lang babalik? Teka, sino ba ang nag-utos sa 'yo na ihatid siya kung alam mong darating ang driver ni daddy para sunduin siya?”
Mahinang tumawa siya at umiling. Ang kapal ng mukha niyang tanungin siya tungkol sa kanyang pinuntahan. “Look Amira, wala ako sa mood makipag-usap sa 'yo ngayon. Nagmamakaawa ako na tantanan mo ako kung gusto mong mapayapang pagtulog ngayong gabi,” tapos niya sa pagsasalita at nagsimulang maglakad papunta sa silid-kainan para kumain ng hapunan. Hinarangan niya ang kanyang daan at inilagay ang kanyang mga kamay sa kanyang baywang. “Ano ba ang gusto mo?” tanong niya nang pagod na pagod. “Dahil ba ako ang umiibig sa 'yo kaya mo ako tinatrato na parang basura sa harap ng babaeng 'yon? Palagi mo akong sinisigawan o nagsasabi ng masasakit na salita sa akin sa harap ng dalagang taga-baryo na 'yon.”
Ngumiti siya ng kaunti habang inilalabas niya ang kanyang mga kamay mula sa kanyang bulsa. “Okay, halika,” bulong niya habang pinalalawak niya ang kanyang mga braso para sa kanya. Sinamaan niya siya ng tingin at umiwas ng tingin. Lumapit siya sa kanya at niyakap siya. “Tama ka, sorry sa ginawa ko kanina. Hindi ko dapat sinigawan sa harap niya. Sorry.”
Tumingin siya sa nakangiting mukha niya, nagso-sorry siya sa kanya. Isang bagay na hindi niya pa nagagawa noon. Bumuntong-hininga siya at ipinatong ang kanyang ulo sa kanyang dibdib. “Pero kailangan mo rin tumigil sa pagiging bastos sa akin at simulan ang pagtanggap ng responsibilidad sa bahay. Hindi ka ba nahihiya na kailangan pang isugo ni mommy ang babaeng 'yon para linisin ang sarili mong bahay?”
Suminghal siya at itinulak siya, “ayan ka na naman. Bakit ba mo gustong gawin sa akin ‘to, Muhsin?” Itinaas niya ang kanyang mga kamay at nagkibit-balikat. “Okay, okay sorry na. Ngayon, matagal ko na gustong itanong, kailan ka titigil sa pag-inom ng mga pildoras na 'yan? Halos isang taon na, gusto ko nang makita ang sarili kong anak.” Mas hinigpitan niya ang yakap sa kanya at pinulupot ang kanyang mga braso sa kanya.
“Pero, babe, napag-usapan na natin 'to noon at nagkasundo tayo na pagkatapos ng dalawang taon…” bulong niya habang ipinapatong ang kanyang ulo sa kanyang dibdib at isinuot ang kanyang mga braso sa kanyang katawan. “Kung 'yon ang gusto mo, handa akong maghintay,” bulong niya pabalik, kahit na hindi naman niya talaga sinasadya 'yon. Dahil isa na namang gulo lang ang magiging resulta kung susubukan niyang makipagtalo. At tama si Dalia, sa tuwing nagiging apoy siya, kailangan niyang matutong maging tubig.
Pagkalipas ng ilang buwan, sa wakas ay naisulat ni Dalia ang kanyang JAMB at naipasa niya ito. Binigyan ni Daddy si Muhsin ng responsibilidad sa pag-admit ni Dalia.
Habang naghihintay siya ng kanyang admission sa Nile University, tuwing Sabado o Linggo pumupunta siya sa bahay nito para tulungan ang kanyang asawa sa mga gawaing bahay. Minsan dumadaan ang driver para sunduin siya kapag maaga nang umuuwi si daddy mula sa trabaho at minsan si Muhsin ang naghahatid sa kanya.
Makalipas ang ilang buwan, inalok siya ng admission; Microbiology. Kahit na hindi 'yon ang kurso na gusto niya, natutuwa pa rin siya sa pagpapatuloy sa kanyang pag-aaral. At isa itong magandang achievement para sa kanya.
Kinabukasan pagkatapos malaman na nakakuha siya ng admission, sinabihan ni daddy si Dalia na maghanda, bibisitahin niya ang kanyang ina bago siya umalis papuntang trabaho kasama ang driver. Naghanda siya at masayang lumabas ng kanyang kwarto. Pumunta siya sa sala at nakita si Muhsin na nakikipag-usap sa nanay ni Amira. Pareho silang napalingon para tingnan siya. Binigyan siya ni mommy ng hindi magandang tingin at umiwas ng tingin.
Binati niya silang dalawa pero si Muhsin lang ang sumagot. “Ako ang maghahatid sa 'yo pauwi, pumunta na sa opisina si daddy,” paliwanag niya habang tumayo siya mula sa sofa. Dahan-dahan siyang tumango at sinundan siya palabas ng bahay.
Kinuha ni mommy ang kanyang telepono mula sa center table habang galit niyang dinayal ang numero ni Amira. “Nasaan ka na ba?” tanong ng kanyang ina sa sandaling sinagot niya ang tawag. “Nasa bahay ako, mommy, anong problema, parang…iba ang boses mo,” napansin niya ang tono ng kanyang ina.
“Gusto kitang makita ngayon din, at huwag mong sayangin ang oras ko.” Pinatay niya ang tawag at ibinagsak ang telepono pabalik sa mesa. Kahit na alam niyang ang pagsasabi ng ilang katotohanan kay Amira ay pag-aaksaya ng oras, hindi siya titigil sa pagsasabi sa kanya ng totoo at kung ano ang maaaring mangyari.