Kabanata 33
“Okay, sorry, nakakain ka na ba?” Tanong niya at umiling siya habang nakatingin sa malayo. “Pupuntahan ko na siya ngayon. Magpahinga ka muna bago may magdala ng hapunan mo. Sasamahan ko ‘yung mga lalaki pagkatapos.” Umalis siya matapos siyang kumbinsihin na siya ang bahala kay Fauzah.
Sinundan niya ang sala papuntang kusina kung saan nakita niya ang karamihan sa mga babae na naghahanda ng hapunan. “Fauzah, sumama ka sa ‘kin.” Inakbayan niya ito bago sila lumabas ng pintuan papuntang likuran. “Anong ginawa sa ‘yo ng asawa ko? Bakit ka bastos sa kanya?” Tanong niya nang mahinahon, hindi naman siya galit. Mabilis siyang tumingin sa kanya at umiling, nanlalaki ang mga mata. “Hamma Muhsin, hindi ko ginawa. Sinabi ba niya na ginawa ko? Ang nangyari, dinala ko ‘yung lunch niya sa kwarto mo at sinabi niya na ayaw niya. Pinakiusapan ako ni Yapendo na magluto ng iba para sa kanya na ginawa ko naman. Noong dinala ko, sinigawan niya ako na wala daw akong utos na lutuin ‘yun. Nagalit ako at umalis agad nang walang pag-aaksaya ng panahon sa kwarto. Saksi ko si Yapendo, saksi ko rin si Sadiya.”
Huminga siya nang malalim, gaya ng akala niya, nagsisinungaling lang si amira para makakuha ng atensyon o makahanap ng gulo. Lagi siyang naghahanap ng konting pagkakataon para pag-awayin siya sa isa sa mga kapamilya niya. “Puwede ka nang umalis ngayon pero siguraduhin mong dalhin mo ‘yung hapunan niya sa kwarto natin.” Pinayagan niya siya bago siya naglakad papuntang poolside kung saan alam niyang naglalagi ang mga lalaki. “Anong ginagawa ng batang ‘to dito?” Tanong niya habang nakatingin sa nakababata niyang kapatid. Tumayo si Zayd mula sa beanbag chair, kinakamot ang ulo. “Umalis ka na dito bago ko basagin ang ulo mo,” pagbabanta niya at bago pa siya makagawa ng kahit anong kilos, tahimik na umalis si zayd sa lugar.
“Nasaan ‘yung lalaking ikakasal?” Tanong niya habang umuupo kung saan nakaupo ang kapatid niya kanina. “Nasa parking lot, kasama ‘yung babaeng pakakasalan niya, obvious naman,” sagot ni Yusuf. Nag-usap sila tungkol sa mga nami-miss nila sa kanilang hometown at sa kanilang mga alaala noong bata pa sila habang naghihintay ng hapunan.
**
Kinaumagahan, nagbihis si muhsin at umalis ng bahay papuntang airport para sunduin ang nanay ni Amira. Nakita niya ito kasama ang taong pinaka hindi niya inaasahang makita, si Dalia. “Magandang Umaga mommy,” bati niya at masaya namang sumagot ito. Isinakay niya ang kanilang mga gamit sa likuran ng kotse bago niya binuksan ang pintuan para kay mommy. Nagpasalamat ito bago sumakay. Tamad na sumakay si Dalia sa harap ng upuan matapos niyang sabihan. Hindi siya komportable, hindi dahil kasama niya sila mommy, kundi dahil sa sakit na nararamdaman niya sa kanyang tiyan sa halos isang linggo na. Tahimik siyang nakaupo doon habang nakikinig sa kanila na nag-uusap tungkol sa kasal at kung ano pa.
Makatatlongpung minuto ang lumipas, nakarating sila sa bahay ng pamilya ni Muhsin, kung saan halos lahat ay naroroon. Mainit silang tinanggap ng kanyang pamilya. Dinala si Mommy sa isang pribadong kwarto habang dinala naman ni nanay ni Muhsin si Dalia kung nasaan sina Fauzah at ang iba pa dahil magkakapantay ang edad nila.
Nang gabing iyon, lumala ang sakit ni Dalia na umagaw ng pansin sa kanya, sa bagay na iniiwasan niya. “Puwede mo bang sabihin sa ‘kin kung anong nangyayari sa ‘yo? Umiiyak ka na ng mga sampung minuto na, o tatawagin ko ang nanay ni amira?” Mahinahon siyang nagsalita habang hinahaplos niya ang kanyang likod. Umiling si Dalia habang nakasimangot. Paulit-ulit ang tanong ni Fauzah at ng mga kapatid niya pero hindi siya makapagbitaw ng kahit isang salita sa kanila.
Mabilis na umalis si Fauzah sa kwarto para tawagin ang nanay ni Muhsin dahil siya lang ang tipo niyang nakakausap ng malaya. “Dalia, anong problema? Masakit ang tiyan mo?” Malumanay na tanong ni Aunty. Dahan-dahan siyang tumango habang tumutulo ang pawis mula sa kanyang noo.
“Sadiya yuhu nyunu Yusuf junta do. Be do les bedo taska. (Sadiya, pumunta ka at tawagin mo si Yusuf para sa ‘kin ngayon. Nasa baba sila naghahanda.)” Mabilis na umalis si Sadiya sa kwarto at ginawa ang iniutos sa kanya. Bumalik siya kaagad kasama si Yusuf. “Yapendo, ko hebimo? O yecci mun ko ta mo na. (Yapendo, anong nangyari sa kanya? Sinabi ba niya sa ‘yo kung anong problema niya?)” Tanong niya habang lumalapit siya sa kanya. “Sa tingin ko, ‘yung regla,” malungkot niyang sinabi.
“Salamu alaikum, anong problema sa kanya? Ayos lang naman siya kaninang umaga noong umalis tayo,” pagputol ng nanay ni Amira. Nakatayo si Amira sa pintuan at sumisilip kung nasaan sila. Kinibit-balikat niya at umalis na suot ang kanyang magarang damit, handa para sa gabi.
“Nararanasan mo ba ang sakit na ‘to tuwing magkakaroon ka ng regla o kapag may regla ka?” Tanong niya sa kanya at mabilis siyang tumango. Ang sakit ay tumutusok sa kanyang pantog at likod mas mahusay pa sa isang bakal na pang-e-etch. Ang kanyang isipan ay sumusuko sa paghihirap, hindi makabuo ng isang pag-iisip. Ang kanyang isipan ay sakit lang ang alam. Ang bawat pag-iisip niya ay nagpapakalito sa kanya dahil ang nag-aalab na sakit ay nilalampasan ang kanyang pantog tulad ng nagniningas na apoy.
“Fauzah, may heating pad ka ba?” Tanong niya pero umiling siya. Tiningnan ulit niya si dalia habang nag-iisip. Tumayo siya mula sa gilid ng kama. “Magtapos na kayong maghanda para sa hapunan at umalis na kayo. Kukuha ako ng gamot at heating pad niya.” Iniiwasan niya ang tingin sa mga may edad na babae, nanay ni muhsin at nanay ni amira. “Mommy, maghanda na kayo at umalis na kayo. Okay na siya in sha Allah.”