Kabanata 73
Nagulat si Amira tapos nalaglag niya yung patpat at umatras. "Sawa na ako sa kabaliwan niyo, pareho kayo. Umabot na sa punto na sinisira niyo pa yung kotse ng manugang niyo. Tingnan mo, sa susunod na may gagawin kayong kalokohan tungkol sa kasal na 'to, isipin niyo na diborsiyada na kayo." Nang matapos na siyang sumigaw, nalaglag na ni mommy yung patpat at binigay na lahat ng armas niya para ipagtanggol ang anak niya.
"Muhsin, kunin mo yung susi ng kotse ko at sunduin mo siya. Aayusin ko yung kotse mo at ayoko ng away." Binigay ni Daddy yung susi sa kamay niya. Tumango si Muhsin at nagpasalamat bago siya dumaan sa tabi ni Amira na nanginginig papunta sa kotse habang si daddy bumalik sa bahay ng hindi man lang tumitingin.
"Mommy, nakita mo yung pinaggagawa mo, galit na galit na sakin si Muhsin ngayon. Nakita mo ba yung itsura niya?" Sinamaan siya ng tingin ng nanay niya at umusog bago siya nagwalk out. Lumingon si Amira at tumingin sa kanya pero hindi siya nilingon nito habang nagd-drive palabas ng bahay.
Pinark niya yung kotse at hinintay niyang lumapit siya bago niya binuksan yung pinto at pumasok. "Akala ko nung una driver ni daddy." Ngumiti siya sa kanya. "Magandang Gabi," bati niya pagkatapos. "Kumusta yung exams?" Tanong niya at sumagot siya. "Mukha kang maputla." Sabi niya. Tumingin siya sa kanya at nagtataka kung paano niya lagi nakikita yung kalungkutan niya.
"Ako? Okay lang ako. Pagod lang." Sagot niya. Umiling siya, "yan lagi mong sinasabi."
"So nagsisinungaling na ako ngayon?"
"Hindi naman, basta, hindi naman yun yung nagpapahirap sayo."
"Eh ano yung nagpapahirap sakin?" Tanong niya at inangat niya yung balikat niya. "Paano ko malalaman? Ayaw mo sabihin sakin kung anong problema. Tungkol ba sa kasal?" Tanong niya sa kanya. Itinuon niya yung mata niya sa kanya ng isang minuto bago niya inalis yung tingin niya. "Okay lang ako, talaga. Basta..." Huminto siya at bumuntong hininga. Hindi magandang ideya na sabihin sa kanya yung nangyayari kasi alam niya na naiinis na siya sa pagpapakasal sa kanya. "Stress lang. Wag ka mag-alala, okay? Ngayon ihatid na kita sa inyo, kailangan mo magpahinga." Tumango siya, hindi dahil kumbinsido siya pero alam niyang hindi siya sasabihin nito.
Inihatid niya siya sa bahay ng tita niya bago siya nag-drive papunta sa bahay ng pinsan niya. Kailangan niyang harapin siya at tanungin kung bakit siya nito pinapalayo ng walang paliwanag.
Bumaba siya sa kotse at pumasok gamit yung ekstrang susi na hawak niya. Nakita niya si Yusuf sa sofa habang sumasagot ng tawag. Umupo siya sa upuan, naghihintay na matapos siya sa tawag.
Mga ilang minuto pagkatapos pumunta si Muhsin sa ref para humanap ng maiinom, tinapos na niya yung tawag. Nag-tap siya sa phone niya ng hindi man lang tumitingin kay Muhsin. "Anong meron sayo?" Tanong ni Muhsin habang nalaglag niya yung bote sa sahig na may tiles. "Anong meron sakin? Anong meron sayo?" Binalik niya yung tanong habang tinaas niya yung ulo niya para tignan si Muhsin.
"Bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag ko o nagrereply sa mga text ko? Naglaho ka lang ng walang paliwanag." Ngumisi si Yusuf at binalik yung tingin niya sa phone niya. "Narinig ko na naayos na yung petsa ng kasal, congratulations." Sabi niya imbis na parang tuwang tuwa talaga siya sa loob. "Hindi yun yung pinunta ko dito, Yusuf. Anong problema mo? May ginawa ba akong masama sayo? Bakit ka ganyan umakto lately?" Nagsisimula ng mainis at maasar si Muhsin.
"Hinihintay ko na itanong mo sakin yung tanong na 'to at sasabihin ko sayo yung sagot. Kinuha mo yung isang bagay na sana magbabago sa buhay ko at magpapasaya sakin. Kinuha mo yung isang bagay na ikinatuwa ko na nakita ko, pero dahil sayo, nawala lahat sa isang iglap lang. Paano ka nakakatulog sa gabi na alam mo yung ginawa mo at nasaktan ka ng maraming tao."
Tumingin si Muhsin sa kanya na naguguluhan. Nababaliw na siguro si Yusuf? Wala siyang maintindihan. Anong ibig niyang sabihin na may kinuha siya sa kanya? "Bakit ka nagsasalita ng ganyan? Anong kinuha ko sayo? Sino yung nasaktan ko? Tingnan mo, diretsohin mo na lang at ayusin natin yung mga bagay-bagay."
"Dapat itanong mo sa babae na pakakasalan mo kung anong ibig kong sabihin." Tumayo siya sa parehong oras na tumayo si Muhsin. "Hindi ko kailangan magtanong kahit kanino tungkol dito kundi sayo. Tigilan mo yung pagiging isip bata at sabihin mo sakin kung anong ibig mong sabihin dito!" Hinawakan niya yung kwelyo ng damit ni Yusuf. "Wag mo na akong tawaging ganun ulit at Umalis ka na lang sa bahay ko." Tinanggal niya yung kamay niya sa damit niya.
"Hindi ko inakala na darating yung araw na mag-aaway tayo kasi hindi naman tayo nag-aaway. Lagi tayong bukas sa isa't isa, walang sekreto, kahit anong mangyari. Tingnan mo... Sabihin mo na lang sakin kung anong ginawa ko, yung ganito lang nakakatrauma. Anong ginawa ko? Sino yung nasaktan ko? Sabihin mo lang sakin? bakit mo ako pinapalayo? Kasi alam ko na wala akong ginawa sayo..."