Kabanata 7
“Ulit, sorry na sorry kung tinawagan kita bigla, emergency kasi. Naalala mo si Dalia, 'di ba? 'Yung babae na namatay 'yung tatay niya isang buwan na ang nakalipas?” Nag-alinlangan si Muhsin bago sumagot, nakalimutan niya talaga 'yung babae. “Oo, Daddy, naalala ko. 'Yung taga Kuje.” Tumango si Daddy habang nakangiti.
“Gusto kong pumunta ka roon at sunduin siya. Pumunta sina Amira at 'yung nanay niya sa Kaduna kasama 'yung driver at may pupuntahan ako ngayon. Sana walang magiging problema.” Nagulat na napatingala si Muhsin nang marinig niya 'yung sinabi ni Daddy. Pupunta siya sa Kaduna nang walang permiso niya. Ano ba tingin sa kanya ni Amira? Dali-dali niyang itinungo 'yung ulo niya para 'di mahalata ni Daddy na may kakaiba.
Ngumiti nang kaunti si Muhsin at umiling, “Walang problema, Daddy, walang magiging problema. Aalis na ako,” mahinahon niyang sabi, nakatungo 'yung ulo niya. Ngumiti si Daddy at tumango. “Sana naalala mo pa 'yung bahay nila.” Tumango nang mahina si Muhsin. “Sige, dapat umalis ka na. Mag-uusap tayo kapag nasa daan ka na roon o kapag pabalik ka na.”
Tumayo siya, pumunta sa kotse niya at tinahak 'yung daan papuntang Kuje local government. Pagkalipas ng tatlumpung minuto, nasa harap na siya ng bahay ni Dalia at naghihintay sa batang pinasok niya para ipaalam 'yung pagdating niya.
Bumalik 'yung bata at sinabi sa kanya 'yung mensahe ni Amina na papasukin siya. Pumasok siya sa bahay at nakita 'yung nanay niya sa labas, may banig na nakalatag na para sa kanya. Binati niya 'yung nanay niya bago siya umupo sa banig. “Kumain ka muna bago kayo umalis,” alok niya pero magalang na tumanggi si Muhsin. Kinailangan niyang uminom ng tubig bago sila tuluyang pinayagan ni Amina na umalis. Dumaan sila sa bahay ng tiyuhin niya para magpaalam bago sila umalis ng Kuje.
Nasa kalagitnaan na sila ng biyahe nang huminto siya sa gas station para magpa-full tank. Napangiwi siya at tumingin sa kanya pero hindi niya napansin. Humingi siya ng paumanhin nang hindi siya tumitingin at lumabas ng kotse para magpa-full tank. Tinakpan niya 'yung ilong niya gamit 'yung hijab niya dahil napuno ng amoy ng gasolina 'yung ilong niya kahit na tinakpan niya 'yung ilong niya at sarado 'yung bintana. Isang bagay na kinamumuhian niya 'yung amoy ng gasolina, palagi siyang nahihilo at nagsusuka.
Bumalik siya kaagad at ipinagpatuloy nila 'yung biyahe. Sumakit na naman 'yung tiyan niya habang tinatakpan niya 'yung bibig niya. Mas namutla siya kaysa sa papel at pinagpapawisan. “Pwede bang huminto ka sa gilid ng kalsada, parang…” Sumuka siya ng mga hindi natunaw na kanin mula sa bibig niya na umuubo at nasasakal. Grabe 'yung pagkontrata ng tiyan niya at pinupwersa 'yung lahat na lumabas.
“Subahanallah,” bulong niya habang nagpapark sa gilid ng kalsada. Bumaba siya ng kotse at lumakad papunta sa gilid niya at binuksan 'yung pinto para sa kanya. “Sorry na sorry nasira ko 'yung kotse mo, hindi ko kasi napigilan, 'yung amoy ng gasolina nakakairita sa akin at nagsusuka ako kapag naaamoy ko 'yun…”
“Okay ka lang ba? Kukuha ako ng tubig,” putol niya at binuksan 'yung trunk ng kotse niya at kumuha ng tatlong bote ng tubig. Inabot niya sa kanya 'yung isa para inumin niya at linisin 'yung hijab niya habang ginamit niya 'yung dalawa para linisin 'yung lugar kung saan siya nagsuka.
Lumuhod siya doon pagkatapos uminom ng tubig at linisin 'yung lugar kung saan siya nagsuka sa hijab niya. Narinig niya 'yung mahinang pag-iyak niya habang tinapos niya 'yung paglilinis ng kalat. Lumingon siya para makita siya na nakayakap sa tuhod niya, nakabaon 'yung ulo sa tuhod niya habang dahan-dahan niyang iniling 'yung ulo niya at umiyak. “Anong problema? Bakit ka umiiyak? Nahihilo ka pa ba? O may sakit ka?” Tanong niya habang lumuluhod sa harap niya.
Itinaas niya nang kaunti 'yung ulo niya at umiling. “Namimiss ko lang 'yung tatay ko…” Nang tumigil 'yung paglabas ng mga salita, tumulo 'yung mga luha. Labis na siyang naguguluhan at ngayon nahiwalay pa siya sa nag-iisang kasiyahan niya, 'yung nanay niya, mas lumala pa 'yung mga bagay-bagay kaysa noon.
Kinamot niya 'yung likod ng ulo niya na iniisip 'yung lahat ng nakakaginhawang salita na magpapagaan sa pakiramdam niya. Naantig talaga siya sa pag-iyak niya. Hindi niya maisip 'yung sakit na pinagdadaanan niya.
“Dalia, 'di ba?” Tanong niya kasi mahirap maalala 'yung pangalan niya pero nagawa niya pa rin. “Hindi ko nga maisip 'yung sakit na pinagdadaanan mo ngayon pero alam kong minsan parang 'di mo na kaya kasi 'yung pagkawala ng isang malapit sa 'yo sa oras na 'di mo inaasahan ay napakahirap. 'Yung mga dasal mo lang ang kailangan niya ngayon at in sha Allah nasa mas mabuti siyang lugar. Tigilan mo na 'yung pag-iyak, okay? Baka sumakit 'yung ulo mo.”
Tumango siya nang mahina at pinunasan 'yung walang tigil na pagluha. Tumayo siya at pumasok sa kotse na utos niya at ipinagpatuloy nila 'yung biyahe papuntang Abuja. Tumingin siya sa kanya paminsan-minsan para siguraduhin na hindi na siya umiiyak.
Lagpas alas-dos na ng hapon nang makarating sila sa Abuja. Huminto siya sa isang restaurant para kumain sila ng tanghalian. “Bumaba ka na, pasok tayo at kumain ng tanghalian, alam kong hindi pa nakakabalik 'yung asawa ni Alhaji,” sabi niya habang binubuksan 'yung pinto para lumabas. “Pero hindi pa tuyo 'yung hijab ko at hindi pa ako nagugutom,” pagprotesta niya. Ngumiti siya at umiling, “Tuyo na 'yun at okay ka lang. Alam ko kasi sumuka ka kanina, kaya tigilan mo na 'yung pagrereklamo, Dalia.” Hindi na siya naghintay ng sagot niya at lumabas ng kotse. Nag-alinlangan siya bago siya bumaba rin.
Pumasok sila sa restaurant nang magkasama at umupo. Hinikayat niya siyang mag-order ng kahit anong gusto niyang kainin pero tumanggi siya. Nag-order siya ng alam niyang okay lang sa kanya. Tiningnan niya siya at mahinang tumawa. “Mag-relax ka lang, ihahatid kita pauwi pagkatapos nating kumain,” sinabi niya sa kanya. Itinaas niya 'yung ulo niya nang sandali at muling itinungo 'yung ulo niya.