Kabanata 129
“Nakakarating na ba ang sulat ng prinsesang ‘to?”
“Sinigurado po ng lingkod na mai-dedeliver ng maayos ng lawin ang sulat, kamahalan. Ang kaso, wala pa pong reply,”
Parang apoy na hindi mapatay, kumalat ang balita tungkol sa paggising ni Emperador Zexerus at ang alyansa ng Great Eastern Deserts sa anim na emperyo. Isang kalokohan na ang subukang tumayo sa harap ng malaking emperyo noong pinamumunuan pa ito ng Sultana pero ngayon at gising na ang Sultan, delikado ang sitwasyon ni Baez.
Dagdag pa rito, masama ang intensyon ng Gaerin kaya kailangan talaga ang alyansa ng Ambrose at Darrin para manatili si Baez sa trono, kaya handa nang isakripisyo ng isang kapatid ang kanyang kapatid.
Walang balak si Baez na ipadala ang kanyang mga sundalo sa Darrin kung sakaling magkaroon ng giyera sa pagitan ng Darrin at Great Eastern Deserts pero pwede niyang gamitin ang mga barbarong sundalo ng kaalyadong bansa para labanan ang atake ng Gaerin. Naghihintay ang isang royal na karwahe na may isang libong sundalo para sa prinsesa na nag-aalalang nakatayo.
Dalawang magkapatid—magkadugo, at isa naman ay hindi.
Ang isa, sinisikap siyang patayin habang hindi naman alam kung ano ang intensyon ng isa.
Kailangang pumili ni Quare at pinili niya si Azarios kaysa kay Baez.
Kung may pagpipilian pa si Prinsesa Quare, hindi sana siya gumawa ng ganung desisyon. Ang pagsama kay Haring Blanc sa Darrin ay nangangahulugang buhay na mas masahol pa sa kamatayan. Hindi tutulong si Baez sa Darrin kapag kailangan nila kaya siya ang magiging kinamumuhian ng kaharian at bilang kawing sa pagitan ng dalawang bansang naglalaban—tutorturan siya ng Hari hanggang sa mamatay siya, at narinig pa niya kung paano ibinibigay ng mga barbaro ang kanilang asawa sa kapwa sundalo—baka nga wala na siyang buong bangkay.
Walang awa talaga si Baez.
“Prinsesa, dumating po ang emperatris na si Leanne para magbigay ng pabangong langis.” Lumitaw ang isang guwardiya sa pintuan ng silid na nagpakunot ng noo ni Quare. Pumasok ang isang magandang asawa ng emperador na may magiliw na ngiti na nagpatungo sa guwardiya at umalis.
“Pagbati sa kamahalan ng prinsesa. Kapag nag-aasawa, natural lang na makaramdam ng pag-aalala pero huwag mag-alala ang kamahalan, dahil mayroon kang mga katangian at kagandahan kasama ang talino para makilala ang tama sa mali, magkakaroon ng ligtas na kinabukasan ang kamahalan.
Si Asawa Leanne ay galing sa mayamang pamilya ng negosyante sa silangan, kahit na hindi siya katulad ng mga bulaklak ng kabataan na pumasok sa harem—sa edad na labing-walo hanggang dalawampung panahon, ang kanyang dalawampu’t pitong panahon ng buhay ay nagturo sa kanya ng taktika ng pagkakaroon ng mahinahong kilos na sinamahan ng walang kaparis na kagandahan at kaakit-akit na karisma.
Hindi siya masyadong maingay para makuha ang atensyon ng emperador pero hindi rin naman siya simple para mapag-iwanan ng lahat kaya sa kasalukuyan ay mayroon siyang payapa at kilalang posisyon sa loob ng mga pribadong silid ng Emperador.
“Ano po ang pinunta ng asawa rito sa prinsesang ito ngayon?”
“Hindi po sa kagustuhan ko, gusto lang po kayong makita ng kamahalan. Hindi po ba ang kamahalan ang nagpadala ng sulat kay Heneral Azarios?”
Nang sabihin ang mga salitang iyon, naramdaman ni Prinsesa Quare na hindi regular ang tibok ng kanyang puso na parang tinamaan ng kidlat.
“Huwag mag-alala ang prinsesa, kakampi po ang asawa sa inyo—ito ang sulat na natanggap ko bilang kapalit para tulungan ang kamahalan na makatakas pero kailangan munang patunayan ng prinsesa ang kanyang katapatan sa amo.”
“K-Kanyang amo?” Nagulat ang lingkod dahil hindi niya napigilang tingnan ang asawa na para bang nakakita ng multo.
“Ang General lady po.”
Hinawakan ni Quare ang scroll gamit ang nanginginig na mga daliri na hindi napigilang matakot sa kung ano ang mangyayari pero agad itong hinigpitan na para bang ang huling pag-asa na makatakas sa sakuna.
“Kailangan ko nang umalis ngayon.” Hindi nagtagal, tinawag ng Emperador ang prinsesa.
Mga magagandang babae na naghihintay ang naglakad sa likuran ng prinsesa na natatakpan ng isang kumikinang na telang kulay oker. Ang mga babaeng naghihintay ay karaniwang mga anak na hindi lehitimo ng mga maharlikang pamilya na naglilingkod sa prinsesa at ipinadala sa kanya sa emperyo na pinakasalan niya.
Iyon ang pinakamahalaga at tapat na lingkod at minsan ay ibinibigay ng pangunahing asawa sa kanyang hari upang lalo pang mapasaya ang kanyang asawa. Kaya sa ganung mga magagandang babae kapag naglakad ang prinsesa sa karwaheng pang-emperyo, mayroong libu-libong karaniwang tao na dumating para manood at susunod sa entourage hanggang sa ang prinsesa ay manalangin sa templo at makuha ang mga pagpapala ng diyosa, pagkatapos noon ay maaari lamang siyang samahan ng kanyang asawa at ng kanyang mga sundalo sa ibang emperyo kasama ang kanyang agarang pamilya.
Iyon ay magbabahagi si Prinsesa Quare ng isang royal na karwahe kay Emperador Baez at pagkatapos niyang tumawid sa mga hangganan ng Ambrose, babalik ang Emperador sakay ng kabayo na nagbabahagi ng pagkain at barya pabalik sa palasyong pang-emperyo.
Mas pinapaboran ang babae ng palasyong pang-emperyo, mas marami ang ipamamahagi ng emperador sa mga karaniwang tao.
“Kapatid na emperyo, lagi kong iingatan ang iyong kalagayan.”
Hindi masyadong nagsalita ang nobya pero tumango at umupo sa loob ng karwahe kasama ang kanyang kapatid na nagsabi ng mga bagay na gusto niyang makamit niya habang nasa Darrin siya.
“Huwag mag-alala ang kapatid na emperyo, laging magdadala ng kaluwalhatian sa Ambrose ang prinsesang ito.”
Kaluwalhatian sa Ambrose at sa kanyang pangalan.
Agad na nakarating si Prinsesa Quare sa templo kung saan dinala ng mga babae ang prinsesa para sa mga ritwal bago isinagawa ang huling seremonya ng kasal at ganoon na lang ang kapalaran ng Darrin at Ambrose ay natatakan.