Kabanata 90
1 Buwan ang Lumipas
"Pumunta ka sa Prinsipeng 'to kung may problema ka, puno ng nakatagong mga bagay ang Ambrose at kung hindi komportable ang kamahalan niya, hindi tatanggi ang prinsipe na 'to sa prinsesa." Kung may nakarinig na hindi taga-loob ng palasyo sa mga salitang 'yon, hindi naman masyadong kakatwa dahil halos inosente ang dating, pero tumigil si Lilith sa paggalaw nang tumingin sa kanya si Prinsipe Baez, ang mga mata niyang kulay asul ay puno ng awa bago siya tumalikod at umalis na bumuntong-hininga.
Para sa kanya, ang mga salitang sinabi ay kalapastanganan.
Para bang... para bang hinihiling niya na maging kanya... maging babae niya kung itatakwil siya ng kapatid niya—si Koronang Prinsipe, na ngayon ay si Haring Alexander.
Dahan-dahang tumakbo ang oras, parang buhangin sa loob ng orasan na gawa sa kahoy at kristal, at para bang tulog pa rin ang diyosa, dahil mas lalong lumalala ang mga masasamang pangitain—nawawala ang mga nakikipaglaban para sa hustisya habang nagtatagumpay naman ang mga nakakalimot sa lahat ng emosyon ng tao.
Regular na dumadalaw si Prinsipe Baez kay Prinsesa Semeara (na si Lilith nagpapanggap) at nagdadala ng mga simpleng regalo, hindi magarbong tingnan pero napakalalim ng kahulugan kaya hindi matanggihan ng prinsesa. Ginagawa niya ang mga bagay na 'yon sa paraang halos nararamdaman ng mga lingkod na naaawa si Prinsipe Baez kay Prinsesa Semeara (na si Lilith nagpapanggap).
Naaawa?
Ang kamahalan niyang si Semeara ang pinakamarangal na babae sa Gaerin pagkatapos ng emperatris at ang dakilang ina ng emperador na si Daphne, kaya sa buong buhay nila ay inggit lang ang mararamdaman ng mga tao, pero bakit niya tinitingnan siyang parang napakalungkot na tao?
Dahil ba alam niyang iiwan siya ni Haring Alexander? 'Yun ang palihim na iniisip ng buong imperyal na palasyo pero walang nagsasalita.
Isang buwan pa lang ang nakalipas nang takluban ng madilim na grey na ulap ang imperyo ng Gaerin at ang ulan ay nagwisik ng tubig sa lupain na nagdulot ng saya sa karaniwang tao, pero para sa mga babae sa imperyal na palasyo, hindi lang paghihigpit ang dala ng ulan kung saan hindi sila makagalaw palabas para mapangalagaan ang kanilang kagandahan, pero alam din na mahina ang katawan ni Prinsesa Semeara at madalas siyang magkasakit tuwing tag-ulan.
'Yun ang unang beses na dinalaw siya ni Prinsipe Baez na may dalang mga gamot na para hindi siya magkasakit, hindi niya alam na hindi ito ang tunay na Prinsesa Semeara kundi si Lilith na nakipaglaban kasama si Heneral Casagon sa Great Eastern deserts at nakakita ng mas maraming kalupitan pero nanatiling buhay...kaya ano itong kaunting ulan?
Si Lilith ay nalubog sa mga iniisip tungkol sa kanyang ama—si Prinsipe Vzeus, nagpadala siya ng liham noong isang linggo pero walang sagot na bumalik sa kanya, ang pagkabalisa at masakit na pakiramdam ay tumindi pa nang hindi rin niya natagpuan ang kanyang ina sa bahay ng lolo niya sa ina. Kung ganun, nasaan ang kanyang ama, ina, at higit sa lahat, nasaan si Yialos, ang kanyang kapatid?
"Prinsesa." Ang mahinang boses ay nagpaluwag kay Lilith sa mahigpit na pagkakahawak niya sa kanyang sundang at hindi napigilan ni Lilith na tumango para paalisin ang kanyang mga katulong nang sabay-sabay maliban sa kanyang tapat na katulong na si Meza.
"Artilia...anong nangyari?" Si Koronang Prinsesa Artilia ay pumayat ng husto, ang maitim na bilog sa ilalim ng kanyang mga mata ay patunay na hindi siya kumain ng sapat at hirap siyang matulog, huminga siya ng malalim at umupo sa tabi ni Lilith sa ilang sandali na tahimik bago binuksan ang kanyang bibig.
"Pagkatapos maparusahan ni Haring Alexander si Prinsipe Zorah, marami akong kaharap na gustong mawala ako at nagpaplano laban sa akin.
Si Punong Ministro Artim, sinubukan ng aking ama na makipagkita kay Reyna Jeasen para masiguro na si Prinsipe Zorah ay mananatili sa akin.
Pero si Aeon lang ang naging takbuhan ko, pinrotektahan niya ako sa lahat ng oras kahit pagkatapos niyang maparusahan at tawaging brutal na pangalan na nagmarka sa kanya bilang isang killer.
Hinarangan ni Duke Aeon ang pagpupulong ng aking ama kay Reyna Jeasen sa loob ng isang buwan, pero ngayon ipapadala si Aeon sa hangganan para bantayan laban sa mga rebelde sa timog.....kinamumuhian ako ng aking ama kaya gagawin niya ang lahat para sirain ang buhay ko. Kailangan kong umuwi, Lilith. Hindi mo pwedeng pahirapan si Aeon ng matagal.....kailangan kong lumaban para sa sarili ko at siguro para sa aking ina at kapatid....kailangan kong maging matapang."
Hindi pa naranasan ni Lilith ang ganitong kawalan ng pag-asa na bumubuhos sa kanya, ang lahat ng kanyang pinakamamahal na tao ay nawawala nang paisa-isa at hindi man lang siya makalabas ng palasyo para makita kung ano ang nangyayari sa labas, una, ang kanyang mga magulang ang nawala, pagkatapos ang kanyang kapatid at ngayon pati ang kanyang nag-iisang kaibigan na si Artilia.
Kahit si Aeon na mukhang bastos at arogante ay hindi naman laban kay Lilith, pero hiwalay din sila.
"Artilia—"
"Hindi na kailangan pang sabihin, ipinanganak sa ilalim ng malas na bituin at nagdala ng kasawian sa aking ina."
"Hindi ikaw ang minamalas kundi ang diyosa na walang hustisya at kabaitan na natitira para sa atin."
Si Lilith pagkatapos mag-isip ng malinaw ay matagal nang nagpasya na kahit ano pang mangyari, hindi niya hahayaang bumalik si Artilia sa impyernong 'yon.
"Narinig ko na paulit-ulit ka nang binabalaan ni Prinsipe Baez." Tumingin si Koronang Prinsesa Artilia sa maliit na usbong ng bulaklak na nakalagay sa gintong paso at ngumiti.
"Mula nang ikasal ako, iniisip ko na mas mabuti pang namatay na lang ako. Walang pagmamahal sa mundo para sa akin, kasawian lang.....ganyan ang buhay Lilith kaya dapat mong planuhin ang sarili mo. Narinig ko na ang intensyon ni Prinsipe Baez, nakita ko mismo. Alam kong wala kang nararamdaman para sa kanya pero sasabihin ko na kung darating ang oras na wala ka nang matatakbuhan at nakalahad pa rin ang kanyang kamay sa iyo.....kailangan mong mabuhay. Makipag-isa ka sa kanya at maging babae niya kahit gaano kahirap, palaging may pagkakataon na umakyat sa mga ranggo at magkaroon ng mas magandang kinabukasan. Kung hindi ka niya mabibigyan ng pagmamahal sa hinaharap, puntiryahin mo ang kanyang kapangyarihan pero dapat kang magkaroon ng magandang buhay."
Sa araw na 'yon, walang ideya si Artilia kung gaano niya kamahal na babayaran ang mga salitang sinabi, hindi lang natutulog nang mahimbing ang diyosa kundi ang kasamaan ang gumagabay sa kanila patungo sa pinaka-corrupted.