Kabanata 117
“Lord, meron tayong –“
“Shhh..”
Kinawayan ni Azarios ang serbidor na tumahimik kasi tulog na tulog na si Lilith nang sumikat ang buwan sa madilim na kalangitan. Tatlo lang ang kasama nilang serbidor at isang lalaking nakasakay sa kabayo. Dalawa ang personal na katulong ni Lilith – sina Liliy at Daisy – habang ang pangatlo ay isang lalaki na magaling sa pakikipaglaban.
Malalim ang alaala ni Azarios sa baryong ito, na sinunog ng apoy dekada na ang nakalipas ni Heneral Bezus. Kahit ang kubo niya na ginagamit nilang taguan ay nasira din sa insidenteng iyon, bumalik siya dito matapos maging commander general at nagpatayo ng bahay na gawa sa kahoy na may malalawak na bakuran. Apat na katutubong katulong ang nag-aalaga sa lugar na ito at walang ideya na ang amo nila ay hindi isang mayaman na negosyante kundi ang halimaw ng Ambrose.
Bumukas ang pintuang kahoy para imbitahin ang master na may asawang natutulog sa kanyang bisig, sanay na ang mga katulong at serbidor sa Lotus mansion sa ganitong tanawin kaya hindi sila nagulat, pero ang iba ay nakanganga bago sila sinamaan ng tingin ng katiwala.
“Master, inihanda ko po ang inyong silid at pinaghanda ko ang mga serbidor ng pagkain, may gusto pa po ba kayong iba, master?”
“Oo, maghanda ka ng paliguan para sa akin.”
Kahit ang mga handa ay gawa sa mga sangkap na meron dito at hindi maikumpara sa karangyaan ng Lotus mansion, medyo masaya si Azarios nang makita niyang natutulog na ang kanyang munting tulip, hindi na nag-aalala kung hinuhubaran siya, o siguro komportable lang siya sa piling niya kaya walang masyadong iniisip at dahil pagod na pagod ay hindi na niya binuksan ang kanyang mga mata.
Nag-relax siya sa hot spring na nasa loob ng silid na gawa sa kawayan, na walang bubong para makita ang ganda ng buwan, sinubukan ng lalaki na pigilan ang kanyang ngiti nang inilagay ni Lilith ang kanyang ulo sa kanyang dibdib at ang kanyang buhok ay tumutusok sa kanyang baba. Tumingin siya pababa at nakita niya ang kanyang itim na buhok na nalalaglag kaya ginawa niya itong bun para hindi mabasa ang kanyang magandang buhok.
Si Lilith ay parang isang maliit na kuting na nagpapakita ng kanyang mga ngipin para magmukhang agresibo pero nakakakilig pa rin, kaya hinugasan ng lalaki na heneral ang kanyang buhok bago umasa na itatago ng diyosa ang kapayapaang nararamdaman niya magpakailanman.
___________________________________________________________
Dumating ang umaga, parang libu-libong taon, pero hindi na gaanong maingay tulad ng mga koridor ng imperial palace ng Gaerin o katulad ng tawanan sa Lotus Mansion… pero may kapayapaan at katahimikan na maririnig mo ang mga ibon na kumakanta at ang payapang daloy ng tubig.
“Husband, pinulot ko ‘tong mga aprikot para sa ‘yo.”
“Husband, babalatan ko ang mga ubas para sa ‘yo.”
“Tingnan mo, lord, pinulot ko ‘to para sa ‘yo.” Pagkatapos ng ikalimang beses, tumakbo si Lilith papasok ng silid kung saan nagsusulat si Azarios ng libro, binaba ng heneral ang kanyang pluma at tumingin sa namumulang mukha na parang engkantada habang ang babae ay tumatalon sa kanyang mga tuhod bago umupo sa harap niya, nagbago ang kanyang espiritu.
“Gusto na bang magkaroon ng anak ang maliit na emperatris?” May mahabang katahimikan bago nag-ayos ng sarili si Lilith at nagreklamo.
“Walang hiya! Anong k-kabaliwan ang sinasabi ng aking asawang lord? Anong kinalaman ng pagbibigay ko sa ‘yo ng snow lotus flowers d-dito!”
“Mukhang ganun nga sa ‘yo, pero sa akin, ang iyong kaibig-ibig at kaakit-akit na itsura ay nagpapaisip kung sakaling magkaroon ng anak na katulad mo, halos magkakaroon ng nosebleed ang heneral na ito tuwing ngingiti ang batang iyon sa akin o minsan pwede pa akong maging tanga sa sobrang saya. Kaya nagpasya ako, magkakaroon muna tayo ng anak na lalaki.”
“Ano ba talaga ang ibig sabihin nun?” Nagpout si Lilith nang sinabi ni Azarios ang mga hindi maintindihan na bagay.
“Silly baby, kapag nagkaroon ako ng anak na lalaki, pwede ko siyang bugbugin kapag nagkamali siya at sa pagpapalaki sa kanya, matututunan ko kung ano ang maging ama, at kapag nagkaroon na tayo ng anak na babae, hindi ko na uulitin ang mga pagkakamali ko sa aking munting heneral, hindi ko na uulitin ang mga pagkakamali ko sa aking prinsesa.”
“Hindi kita bibigyan ng aking anak para lang matuto ka! Hindi man lang malalaman ng aking kawawang anak kung anong sama ng ama ang kanyang makukuha!”
“Ibig sabihin nun gusto mo ng anak sa heneral na ito?”
“Oo! teka… H-hindi! Hindi ko sinasabi na –“
“Sige, makikinig ang asawa, hindi kita papatulugin sa mga susunod na gabi.” Nang matapos magsalita si Azarios, nagalit si Lilith at umalis na may pamumula sa kanyang mga pisngi nang hindi tinanggihan ang imbitasyon.
Naglalakad nang mahinay sa mga maliit na bulaklak na walang mabangong amoy sa palasyo, sa unang pagkakataon sa kanyang buhay, talagang kontento si Lilith, iniisip kung ano kaya kung isa lang silang simpleng magkasintahan.
Nag-alinlangan ang mga mata niya bago niya inilabas ang isang magandang pouch mula sa kanyang mga damit… ito ang perpektong pagkakataon para ibigay ito sa kanyang asawa.