KABANATA 16
"So, anong nangyari sa inyo?" tanong ni Harley habang naglalakad silang pabalik sa sala kung saan pwede na silang maupo galing sa kakatayo at kakatalk. Umupo si Hope sa sofa at bumuntong hininga habang nag-inat ng kamay sa taas ng ulo, nilalabas ang tensyon sa balikat niya habang si Penelope ay nakaupo sa iisang upuan, nakatingin kay Harley na nakaupo sa malaking sofa katulad ni Hope.
Sinuri ng mata niya ang mukha nito nang hindi agad sumagot sa tanong niya, nag-ungol lang ng ilang beses sa pag-inat na parang walang katapusan.
"Well." Nagsimula siya sa wakas nang tumigil sa pag-inat at tumingin kay Harley na nagtaas ng kilay sa pagka-curious, naghihintay na marinig ito. "Nang umalis ka, sinimulan niya akong pasalamatan sa pag-intindi sa kanya at lahat ng 'yun. Nagpasalamat siya na pinili ko siya kesa sa 'yo." Sa sandaling sinabi niya 'yon, napahigpit ang pagkuyom ni Harley sa panga niya habang bahagyang nagngangalit ang ngipin niya. "Sinabi niyang nagso-sorry siya nang husto at mahal na mahal niya raw ako mula sa kaibuturan ng puso niya. Na walang ibig sabihin sa kanya ang ibang babae."
"Sigurado akong sinasabi niya 'yan sa lahat ng babaeng kaya niyang sunggaban." Umikot ang mata ni Penelope habang tumango si Harley sa sinabi ni Penelope, kahit na sinusubukang hindi ipakita na laban siya kay Ronan sa lahat ng oras.
"Anyway." Kinunot ni Hope ang kilay sa kapatid niya bago nagpatuloy. "Nangako siya na hindi na niya uulitin at espesyal daw ako sa kanya. Sinabi niya ang lahat ng mababait at matatamis na salita na matagal ko nang gustong marinig mula sa kanya at no'ng sinabi niya 'yun, naramdaman ko..... Naramdaman ko na parang walang laman." Sumimangot siya at pinag-krus ang mga daliri sa kandungan niya. "Hindi sila naramdaman na puno tulad ng dapat nilang maramdaman, parang walang laman talaga at hindi ko alam kung anong sasabihin o paano magre-react. Mahal ko si Ronan, mahal ko talaga, ibig sabihin, gagawin ko ang lahat para sa kanya at marami pang iba para lang sa kanya. Naging alpha ako para ma-impress siya at maging matatag na reyna sa paningin niya pero hindi man lang niya ako binati o pinuntahan man lang pagkatapos ng handaan. Sa halip, nagpasya siyang magsaya sa huling gabi niya ng kalayaan. Masakit talaga isipin na sinabi niyang espesyal ako samantalang number two lang naman ako." Kinagat niya ang labi niya, na nagiging sanhi ng pagsimangot ni Penelope nang makita niya ang mga mata ni Hope na nagbabasa mula sa mga luha na pinipigilan niya. "Pinag-isip ako kung espesyal ba talaga ako."
"Syempre naman, Hope." Inabot ni Harley at hinaplos ang ulo niya nang bahagya habang inabot niya ang mga mata niya at pinunasan ang mga luha bago pa man tumulo. "Kasalanan 'yon ni Ronan dahil hindi niya nakikita kung gaano ka ka-unique." Paglalambing niya, habang bumuntong hininga siya nang may pag-aalinlangan at tumingin kay Penelope na nakakunot ang noo.
"Malakas ka, maganda ka at may tiyan kang gawa sa bakal. Bihira mong hayaan na makuha ka ng emosyon at talagang naiinggit ako do'n sa 'yo." Ngumiti si Penelope habang ikiniling niya ang ulo sa gilid nang kaunti. "Karapat-dapat ka sa mas mahusay pa, Hope, isang taong kilala ka nang lubos at mahal ka pa rin sa lahat ng bagay tungkol sa 'yo, kahit na gumawa ka ng mga tangang desisyon. Mahal ka pa rin niya nang todo." Tumawa si Penelope habang nanigas si Harley sa kung gaano ka-obvious ang dating niya. Obvious na siya ang pinag-uusapan.
"Nakakalungkot na walang taong kilala ako nang lubos at mamahalin ako nang todo sa romantikong paraan." Bumuntong hininga si Hope habang lumubog siya sa upuan, na nagiging sanhi ng paghampas ni Penelope sa noo niya sa pagka-frustrate sa kung paano hindi man lang nakuha ni Hope kung gaano ka-obvious ang sagot.
Pero ganoon talaga si Hope, palagi siyang nagpapanggap na walang alam kapag gusto niya.
"Kilala ka ni Harley nang lubos, nananatili pa rin siya sa tabi mo kahit na may mga tanga kang desisyon." Kailangan lang sabihin ni Penelope 'yon, dahil alam niyang iiwasan ni Hope ang sagot kung hindi siya didiretso sa punto. "Siya ang perpektong ka-"
"Oo pero magkaibigan lang kami ni Harley." Deadpan ni Hope habang sinilip niya si Penelope na tiningnan lang siya ng mata. "Bukod pa ro'n, sinabi ni Harley na may babae siyang hinihintay at darating na raw siya agad. Malamang, mahal na mahal ni Harley 'yung babae kung naghintay siya nang ganito katagal hanggang sa bumalik siya." Ngumiti si Hope habang tumingin kay Harley na mahinang ngumiti pabalik sa kanya bago umiwas ng tingin.
"Oh, magiging interesante 'to. So, sino 'yung babaeng sinasabi mo?" Tanong ni Penelope habang pinag-krus niya ang mga binti niya at itinaas ang kilay kay Harley na kinunot ang kilay niya. "Sabihin mo sa amin ang tungkol sa kanya, Harley, nang detalyado please at kung anong pack siya galing kung kailangan pa niyang bumiyahe para lang makarating dito."
"Bakit... Kailangan mo pa lahat 'yan?" Tumawa si Harley nang nerbyoso habang tumingin sa kanya si Hope sa pagka-curious, nagtataka rin kung ano ang hitsura niya kung ninakaw niya ang puso ni Harley.
"Come on Harley, hindi naman namin siya aagawin sa 'yo, gusto lang naming malaman kung sino siya." Tumawa si Penelope, pinipigilan ang tawa habang nakatitig siya kay Harley na may nakakunot ang kilay.
"Sagutin mo lang 'to, galing ba siya sa pack na 'to?" Tanong ni Hope habang nakatingin siya sa kanya habang tumingin siya sa kanya na nakakunot ang noo. "Come on. Bilang alpha, gusto kong makilala ang lahat. Lalo na ang soon-to-be mate ng beta ko, 'di ba?" Tumawa siya habang sinuntok niya ang balikat ni Harley na halos hindi naman nagulat.
"Galing siya sa pack na 'to." Umikot ang mata ni Harley bago tinakpan ang bibig ni Hope bago pa man siya magtanong ng iba pa. "Kaya, Hope, tulad ng pinag-uusapan natin kanina, hindi tungkol sa akin kundi tungkol sa 'yo." Bumuntong hininga siya nang inalis ni Hope ang kamay niya mula sa bibig niya at sinimangutan siya. "Ano na 'yung naging conclusion niyo ni Ronan? Ipinaliwanag mo lang 'yung mga bagay na sinabi niya at kung paano ka nakaramdam ng pagtataksil sa kanila. Hindi mo talaga sinabi kung ano 'yung desisyon mo."
"Well." Kinlaro ni Hope ang lalamunan niya at pinag-krus ang mga braso niya sa dibdib niya habang bumuntong hininga siya. "Nagpasya kami na mas mabuti kung maghihiwalay kami at magdi-diborsyo."
Parehong nagulat na tumingin sina Penelope at Harley, na bumuntong hininga nang may pag-aalinlangan at tumingin palayo na may kunot sa labi, dahil alam niyang ayaw niyang sabihin 'yon pero kailangan pa rin niyang gawin. Hindi naman 'yon bagay na itatago niya nang matagal dahil magiging halata 'yon kapag naghiwalay na sila. Siguradong malalaman ng buong pack dahil siya ang bagong alpha.
Malalaman 'yon ng lahat.