KABANATA 56
Nung sumisilip na 'yung sikat ng araw mula sa kurtina papasok sa madilim na kwarto na hinihigaan ni Jason, hindi niya mapigilan na maramdaman 'yung tensyon para sa buong araw kahit nagsisimula pa lang.
Si Melanie nagising ng isang oras bago sumikat ang araw para maihanda 'yung mga gamit niya at mag-empake para sa alis niya kasama ang tatay ni Kelvin na pupunta ngayon para lang i-check 'yung mga bagay-bagay at saka, isama si Melanie.
Si Jason naman nagsimula nang pagsisihan 'yung ideya na lumipat sa mansyon na magiging sanhi lang ng hindi pagkakaunawaan nila ni Emili. Hindi niya na makita si Emili bilang batang babae na lagi niyang iniisip. Ang nakikita na lang niya ngayon ay isang dalagang maganda na may mala-anghel na pagkabata sa kanya.
Tinagilid niya 'yung unan niya at bumuntong-hininga, pinapanood 'yung hininga niya na nagiging nakikita sa harap niya bilang puting usok.
Grabe kalamig ng umaga kasi malapit na 'yung taglamig. Taglamig na darating sa loob ng limang linggo kung hindi man pitong linggo. At least 'yun 'yung sinabi ng weather man nung nakaraang linggo. Pero hindi 'yun problema sa kanila, matagal na silang naghanda para doon.
Nagtalukbong siya sa makapal na fur blanket at bumuntong-hininga ulit habang hinahatak 'yung kumot sa ulo niya, nakatingin sa kadiliman sa ilalim ng kumot habang bigla niyang naisip 'yung kaarawan ni Emili. 'Yung araw na nakita niya siya bilang isang babae.
Gulo pa rin 'yung isip niya, hindi niya alam kung dahil lang ba lalaki siya o baka bulag lang siya sa nararamdaman niya para sa kanya.
'Hindi. Hindi 'yun...' Sabi niya sa sarili niya habang nagkukulong sa sarili at niyakap 'yung tuhod niya sa dibdib niya, kahit medyo hindi komportable, pinilit pa rin niya. Narinig 'yung mga yabag ni Melanie na bumabalik sa kwarto at naglalakad kasabay ng tunog ng mga drawer at closet na bumubukas at nagsasara.
"Matutulog ka lang ba buong umaga?" Tanong ni Melanie habang sumulyap siya kay Jason na nakatalukbong pa rin sa kumot. "Anyway... Nagdesisyon ako na hindi na kunin lahat ng pag-aari ng bahay, sa halip ibibigay ko na lang kung ano meron." Sabi niya habang nagkiskis ng dila niya. "Sa halip ibabahagi ko 'yung kita sa upa sa'yo. Maliban na lang kung gusto mong tumira dito, kailangan mo itong bilhin dahil alam mo naman na pareho nating binenta 'yung dati kong bahay para sa ating dalawa." Paliwanag niya habang kinukuha 'yung fur coat niya sa hanger at isinuot ito, sinusubukang iwasan 'yung lamig. "Nakikinig ka ba?"
"Nakikinig." Sabi niya sa ilalim ng kumot, nagpapakalunod pa rin sa init kaysa sa nakakatusok na lamig na nasa labas lang. "Wala akong pakialam sa kahit alinman." Sabi niya habang bumuntong-hininga at sumilip sa kumot. Inilibot niya 'yung mga mata niya sa kwarto hanggang sa mapunta 'yun kay Melanie na nakaupo na ngayon sa gilid ng king-sized bed at isinusuot 'yung fur boots niya. "Ayaw ko rin bilhin. Grabe kamahal." Inikot niya 'yung mga mata niya habang sumandal siya sa unan niya at tumingin sa kisame sa halip.
"Kaya nga sabi ko 'kung gusto mo'." Sinamaan niya ng tingin pero hindi naman siya nakatingin at inikot 'yung mga mata niya bago tumayo at sumulyap sa kanya. "Na-empake ko na 'yung kailangan ko. Ibenta mo na lang 'yung iba o ewan." Bumuntong-hininga siya, isinuksok 'yung mga kamay niya sa coat niya habang 'yung lamig ay nakakapaso sa balat niya. "Aalis na ako. Mabuti pang lumabas ka na at mag-file ng mga papel tapos lumipat ka na. Sina Mr. at Mrs. Willow ay magkakaanak na at gusto nang lumipat sa luma nilang bahay dahil sobrang liit. Kaya inalok ko sa kanila 'to at lilipat sila bukas." Paliwanag niya at tumango siya habang umupo siya, inilantad 'yung kalahati niyang hubad sa matinding lamig.
"So... Uh... Good life?" Tanong niya na may maliit na kibit ng mga balikat niya habang itinaas niya 'yung kilay niya. Bumuntong-hininga siya, dahan-dahang umiling.
"Hindi ko napansin na socially awkward ka, Jason." Pinagdikit niya 'yung labi niya at naglakad papunta sa pinto. "Paalam Jason, duda ako na ito 'yung huli nating pagkikita pero hindi magiging madali o late. Marami pang darating na panahon." Kumaway siya na walang gaanong ngiti bago mawala sa koridor.
Bumuntong-hininga si Jason habang tumingin siya sa dibdib niya, hindi alam kung ano talaga 'yung dapat niyang gawin.
"Ah oo." Biglang nagpakita si Melanie sa pintuan. "Good luck kay Emili." Sabi niya, na wala ring ngiti.
Hindi niya ito sinusuportahan dahil hindi niya lang gusto 'yung ideya na 'yung isang bata na katulad ni Emili ay pwede mang-agaw ng lalaki sa kanya. Siyempre sa kay Emili, ang agwat ng edad nila ay mga pito. Pero hindi nagugustuhan ni Melanie na natalo siya sa isang bata na hindi pa nga ipinanganak noong pitong taong gulang pa siya.
Malaki 'yung pag-asa niya kay Jason na maging alpha ng grupo kahit na palagi siyang nag-aatubili. Pero alam niya na malapit nang magretiro si Valentine at maghahanap na ng susunod na alpha. 'Yung ambisyon niya para kay Jason ay magtatapos na nakaupo siya sa puwesto na 'yun kung hindi lang nagpakita si Kelvin.
Pero alam niya na hindi sapat na malakas si Kelvin para maging isang alpha. Mas isa siyang outsider kaysa sa parte siya ng grupo. 'Yun 'yung pagkakaiba. Baka maging beta si Kelvin dahil sa kanyang malawak na kaalaman at kasanayan pero 'yung tungkulin ng alpha ay hindi sa kanya nababagay. Hindi katulad ni Jason, si Kelvin ay walang taglay na 'dugo ng alpha'.
'Yung dugo ng alpha ay hindi literal na nangangahulugang pagkakaroon ng dugo ng isang alpha, sa katunayan, hindi.
Ang pagkakaroon ng dugo ng alpha ay nangangahulugan lang na ang nagtataglay ay ipinanganak na may ganung aroma at tadhana na maging alpha. Ang pagsasayang kay Jason sa posisyon ng beta ay nakakasakit lang panoorin. Malinaw na araw na karapat-dapat si Jason na maging alpha.