Kabanata 97
“Okay….” Napangiwi siya nang konti tapos umupo mula sa lupa at bumuntong-hininga ng nanginginig. “Pumunta ako dito para lang subukan na patigilin ka. Ang tanging paraan na pwede kong gawin ay ang kumbinsihin ka na pareho tayo ng nararamdaman. Pero… pagkatapos mo akong halikan… sa tingin ko, lumabas na yung totoo kong nararamdaman para sa’yo. Naramdaman ko… ibang klase ng…. pakiramdam at… gusto ko pa. Ikaw lang. Kaya… kung hindi ibig sabihin na gusto kita… hindi ko alam kung ano…. ibig sabihin n’on.”
“Paano kung l*st lang ang nararamdaman mo para sa’kin?” tanong niya habang nakatitig sa kanya nang may malungkot na tingin. “Ibig kong sabihin… sinabi mo na naramdaman mo lang ‘yon pagkatapos mo akong halikan…. ‘Di ba?”
“Harley…” bumuntong-hininga siya tapos tumayo at naglakad papalapit sa kanya, nakatayo sa harap niya. “… Siguro nga, pero… hindi ko talaga nararamdaman na gan’on. Ayoko mawala ka, gusto kitang kasama palagi at iba’t-ibang bagay ang nararamdaman ko kapag naghahalikan tayo… mas marami pa sa naramdaman ko kay Ace… Hindi ba’t sapat nang patunay na… nahuhulog na ako sa’yo?”
Napatingin si Harley sa mga mata niyang nagmamakaawa, nagmamakaawang maintindihan niya yung punto na sinusubukan niyang sabihin.
Dahan-dahan siyang kumagat sa labi niya habang tumitingin sa lupa habang nakatitig sa kanya nang may pag-asa. Umaasa na tatanggapin niya ‘yon.
Kinuyom niya ang damit niya habang inilipat ang tingin sa sahig, nararamdaman na napupuno ng kaba ang buong katawan niya habang kinuyom niya ang panga niya.
*Please Harley… pumayag ka na.* Isip niya habang ipinipikit niya ang mga mata niya.
“Hindi ko alam.” Sabi ni Harley, nagulat na napamulat siya nang sabay na tumingin sa kanya. “Ayoko… mawala ka dahil sa isang palpak na sitwasyon ng pag-ibig. Kaya nga hindi ako nagsabi ng kahit ano sa simula.”
“Hindi naman kailangang pumalpak… ‘di ba?” tanong ni Hope habang pinagsasama at pinaghihiwalay ang mga daliri niya. “Harley… please, huwag mong gawin ‘to… mahal na mahal kita.” Pagmamakaawa niya habang nakatitig sa kanya nang may pag-asa.
Naiwas siya ng tingin sandali habang tumayo siya mula sa lupa na may malakas na dibdib.
Lumapit siya sa kanya, ang tuhod at binti niya parang noodles habang nagsisimula nang magpawis ang mga palad niya at nagmadali ang puso niya, hindi mapigilang tumakbo, na para bang sasabog sa dibdib niya anumang sandali.
Mabilis niyang hinawakan ang gilid ng panga niya at hinarap siya sa kanya. Walang kahit isang segundo na masasayang, tumaas siya sa mga daliri niya, agad na idinikit ang mga labi niya sa kanya tapos ipinulupot niya ang mga kamay niya sa leeg niya at hinila siya sa kanya, ikinulong siya sa mga kamay niya.
Sa pagkakataong ito, hindi niya siya tinulak, sa halip ay sumandal siya, nilaliman ang halik habang ipinasok niya ang dila niya, na nakapagpalabas sa kanya ng mahinang ungol.
“H-Harley?” isang boses, kahit na parang malabo sa isip nila. “H-Hope?” sabi ulit ng boses. “Hindi ba… magkaibigan kayo?”
Hindi lang boses ‘yon.
Si Ana ‘yon.
Agad na naghiwalay sina Hope at Harley sa isa’t isa na nagulat. Pareho nilang ibinaling ang tingin nila kay Ana na nasa pinto, nakatitig sa kanilang dalawa na hindi makapaniwala.
Dahan-dahang tumulo ang mga luha niya habang inilipat niya ang tingin niya kay Harley na inilipat naman ang tingin niya sa lupa sa halip na mahiya.
“Akala ko…” natigil si Ana habang kinurap niya ng mabilis ang mga mata niya, sinusubukan na patuyuin ang mga lumalabas niyang luha. Bumuntong-hininga siya ng nanginginig habang sinusubukan niyang kalmahin ang sarili niya, pero nabibigo siya.
Sobrang hirap.
Tumikhim si Hope habang humarap siya sa pinto na may ngiting kinakabahan habang pinagsasama niya ang mga daliri niya, nabigo na hindi tumingin kay Ana na nakatayo na nakatitig sa kanila.
“Sorry na kailangan mo pang malaman sa ganitong paraan.” Bumuntong-hininga si Hope habang hinahaplos niya ang buhok niya. Hindi naman talaga siya nakakaramdam ng awa kay Ana, sa halip, natutuwa siya na nakarating si Ana sa eksena nang hindi na kailangang sabihin sa kanya kinabukasan. Sa gan’ong paraan, iisipin na lang ni Ana ang ibang tao maliban kay Harley. ‘Yon lang talaga ang gusto niya sa lahat ng panahon.
Gusto lang ni Hope na kay Harley, dahil palagi nitong nakukuha ang atensyon niya at gusto niya ‘yon.
Ang mawala si Harley ay katulad lang ng pagkatapyas sa isang malaking parte ng buhay niya. Kung tutuusin, palaging nariyan si Harley. Saan man.
Bilang best friend niya, kapatid niya, isang mentor, isang tagasuporta, isang hamon at ang saya niya. Lahat kay Hope si Harley at natanto niya ‘yon nang sandaling tinalikuran siya nito at itinuro ang lahat ng atensyon sa kay Ana.
Nagseselos siya kay Ana. Ayaw niyang ibigay ni Harley sa ibang babae ang atensyon niya.
Palagi niyang gustong magkaroon ng katipan si Harley.
Pero hindi kailangang iba pa ang katipan kundi siya.
Natuklasan niya na ayaw niya itong pakawalan. Na mag-aalaga ito sa ibang tao. Na maiinlove ito sa ibang tao.
Palagi nang gustong makasama ni Hope si Harley nang hindi namamalayan. Palagi niyang ginugugol ang buong araw na walang tigil na nakikipag-usap sa kanya tungkol sa mga kalokohan. Hindi naman kailangang seryosong pag-uusap. Kahit ano pwede. Kahit isang pag-uusap tungkol sa kung bakit puti ang gatas ay sapat na paksa upang pag-usapan. Hangga’t nakakapag-usap siya sa kanya, kahit kaunti, sasaya siya.
Bago naging anino niya si Harley, hindi gaanong gumugugol ng oras si Hope kasama si Harley dahil palaging nakayakap sa kanya ang kapatid nito, ayaw itong pakawalan. Sobra siyang protektado kay Harley at gusto niya ‘yon. Sa kasamaang palad, pagkatapos na pumanaw siya, nawala niya ang malaking bahagi ng buhay niya. Hindi siya gaanong nagtatanong tungkol dito dahil ayaw niya. Kaya ang pagkawala kay Harley, para sa kanya ay kapareho ng pagkamatay ng kanyang kapatid.
Sa kabila ng pagtatapat ni Harley sa una at pag-amin sa kanyang nararamdaman para kay Hope, si Hope siguro ang unang nahulog kay Harley… dahil simula nang dumikit siya sa kanya, palagi niyang gustong manatili siya sa kanyang tabi.