KABANATA 49
Napabuntong-hininga na naman si Kelvin, pang-isang daan na ata, di niya mapigilang maramdaman na nanginginig yung katawan niya dahil sa mga salitang binanggit niya. Yung takot at yung pakiramdam na nag-iisa siya.
Parang siya lang talaga yung dapat umako ng responsibilidad, at natatakot siya....
"Hindi naman natin kailangan sabihin agad." sabi ni Emili habang nakatingin pa rin sa kanya na nagdadalawang isip. "Pwede naman mamaya na lang."
"Yung mga tao sa klinika baka mas mabilis pang ikalat yung balita kesa sa masabi mo." Hinimas niya yung buhok niya, saglit siyang luminga-linga bago ibinaba yung tingin niya kay Emili. "Lumulutang yung tsismis na parang hangin."
"Sinabi ko na sa kanila na wag sabihin kahit kanino." Kinibit-balikat niya habang nakatingin sa basag na sobre. "Sinabi ko sa kanila na surprise gift sa parents ko kaya ayokong masira."
"At naniwala ka sa kanila?" tanong niya na tumatawa pa habang tumango naman si Emili. "Grabe naman yung tiwala mo sa kanila para sabihin yun." Nag-pout siya at tumingin sa sahig na nag-iisip. "So ano nang gagawin natin hanggang sa matapos yun?" tanong niya habang nakatingin ulit kay Emili.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya, biglang kinilabutan habang nakatingin sa mata ni Kelvin na saglit na lumilinga-linga, pero hindi man lang gumagalaw yung ulo niya. Parang sinasabi sa kanya 'di ba halata naman yung tanong mo?'.
"Yung tungkol kay Jason." sabi niya, ibinaba niya yung tingin niya kay Emili. "Anong gagawin natin tungkol dun?"
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ulit niya, kunot-noo siyang nakatingin sa mga mata ni Kelvin. Kuminat si Kelvin ng ilang beses at tinaas yung kilay niya, napansin niya na medyo naiirita na si Emili.
"Ano pa bang ibig kong sabihin, Emili?" Umikot yung mata niya. "Anong gagawin natin tungkol sa kanya?" Dinikit niya yung labi niya nung tumingin si Emili sa ibang direksyon. "Sige na nga, sasabihin ko na sayo kung ano yung dapat mong gawin. Tigilan mo na yung pag-iisip sa kanya. Tigilan mo na yung pagmamalasakit. Ngayon, sa akin ka lang magpokus, wala nang iba." sabi niya at medyo nagulat si Emili. "Dapat mapa-ibig mo ako. Kung hindi, aatras ako."
"Tinatakot mo ba ako?" tumatawa si Emili habang nakatingin sa kanya na nakataas yung kilay. "Para kang nagba-blackmail."
"Wala akong pakialam kung paano mo intindihin pero ipapangako ko sayo to, kung hindi mo ako ituturing na fiancé mo o boyfriend mo o asawa mo o kung ano man, hindi ko matatagalan to." Sumimangot siya nung napabuntong-hininga si Emili, tumingin ulit sa ibang direksyon. "Kung di mo kaya, wag na lang natin ituloy to-"
"Hindi... Hindi ko kaya." Napabuntong-hininga siya at itinaas yung kamay niya, pero mahinang ibinaba rin sa gilid niya. "Matatagalan bago maka-move on sa kanya-"
"Wala akong pakialam kung gaano katagal basta makapag-move on ka." Kinuyom niya yung kamao niya habang nakatingin kay Emili. "Mas mabuti pang maparamdam mo sa akin yung nararamdaman ko sayo kung hindi, hindi ito gagana tulad ng sabi ko."
Kinagat niya yung labi niya at kinakabahan niyang hinimas yung buhok niya.
Hindi naman talaga sila gaanong may sexual feelings sa isa't isa dahil nagtayo sila ng pader para hindi sila maabot ng isa't isa. Hindi naman sila nagtatangka na umakyat sa pader, hindi na sila nag-abala simula nung mating ceremony. Sapat na yung pag-reject para patunayan na hindi na sila bagay ulit.
"Okay..." tumango si Emili habang nakatingin kay Kelvin. "Kaya nating pag-ayos. Mahirap lang kung hindi tayo magtatangka... Di ba?" tanong niya habang nagkibit-balikat at tumango naman si Kelvin ng bahagya, pero walang gaanong emosyon.
"Okay." Tumango ulit siya habang tumingin sa sahig sandali, na nag-iimbita ng katahimikan sa pagitan nila na nagtagal lang ng ilang segundo bago siya tumingin ulit kay Emili, ngayon, seryoso na yung tingin niya. "Hahalikan mo ako."
"A-Anong?" Napakurap si Emili at biglang nag-init yung pisngi niya sa request. Biglaan at hindi niya ine-expect, kaya mahirap pang i-proseso sa isip niya at inulit-ulit pa niya, nagtataka kung mali yung narinig niya. Pero hindi naman. "H-Hahalikan mo ako?"
"Oo." Tumango siya habang pinagmamasdan yung kaba ni Emili.
"Ngayon na?" tanong niya, pabulong na lang at tumango ulit si Kelvin. "Dito mismo?" Tumango ulit siya, mukhang seryoso na talaga na hindi na nagbibiro.
Luminga-linga muna si Emili, sinusubukang bilangin kung ilang tao yung nakapalibot sa kanila. Buti na lang at walang gaanong tao na nakasaksi.
Umubo siya at lumapit kay Kelvin, nararamdaman niya na nangungunot yung sikmura niya dahil sa kaba na tumatakbo sa katawan niya.
Unang beses nilang mag-hahalikan, hindi pa alam kung nagkahalikan na sila noon. Kahit na nag-kiss man, hindi naman totoong kiss, simpleng kiss lang na walang iniisip.
Tumayo lang si Kelvin sa pwesto niya, hindi gumagalaw habang kinagat ni Emili yung labi niya. Halos dumikit na yung noo niya sa labi ni Kelvin dahil sa lapit nila. Kinuyom niya yung panga niya at nag-ipon ng sapat na lakas ng loob at nagdesisyon na gawin na.
Tumayo siya sa toes niya at ipinikit yung mata niya habang itinaas yung baba niya para kay Kelvin. Lumapit pa siya hanggang sa magdikit yung labi nila, pinilit niyang isara yung lalamunan niya sa sandaling nagdikit sila. Medyo idinikit niya yung labi niya kay Kelvin sandali bago umatras, pero pinigilan siya ni Kelvin na hinawakan yung pisngi niya, hinawakan niya yung likod ng ulo niya, at ibinalik yung labi niya sa labi ni Kelvin. Napahinga siya sa loob dahil sa hindi niya inaasahang galaw pero pinikit niya yung mata niya habang pinalalim ni Kelvin yung halik, idinikit yung labi niya sa kanya ng sobrang lakas.
Sa kabila ng biglaang 'balik' na galaw niya, hindi naman nagtagal yung halik, sa halip, umatras siya at tumingin kay Emili na may kalungkutan sa mukha niya. Tinaas ni Emili yung kilay niya na nagtatanong habang inilipat ni Kelvin yung kamay niya mula sa likod ng ulo niya papunta sa pisngi niya, bahagyang hinawakan.
"Hindi ito gagana..." bumulong siya habang pinakawalan niya si Emili. "Wala akong naramdaman..."