Kabanata 26 Paghingi ng Tawad
Nagpahinga si Marcus at dahan-dahang tiniklop ang mga binti niya, "Hindi ko kailangang magtiis ng kahit sino dito sa siyudad na 'to." Nakita niya yung mga mukha ng mga taong nandoon na sumasama yung itsura, biglang umayos ng upo si Marcus at nagsabi ng madiin, "Ayaw niyong lumuhod? Okay lang 'yan."
"Mag-sorry ka sa kanya." Si Laura naman yung nag-refer this time.
Nagulat ng konti si Laura, pero nung naisip niyang tinutulungan siya ni Marcus, di niya napigilang ngumiti.
"Okay." Tumango si Laura at mas lalo pang pinahirap yung sitwasyon, "Yung ninety-degree bow ah, tapos sabihin mo 'Pasensya na, at kalimutan na natin ang nakaraan."'
"Laura!" Nagalit si Bob, "Nanay mo siya!"
"Wala akong pakialam kung sino siya." Biglang sumimangot si Marcus at lumamig yung boses niya, "Gusto ko lang maalala mo na si Laura ay fiancee ko. Kung sinaktan mo siya, sinaktan mo na rin ako!" Malakas at malinaw yung mga salita niya, at sandali, lahat sila natigilan dahil sa kanya.
"A-ako, ako..." Nauutal si Gng. Taylor. Para sa kanya, yung paghingi ng tawad kay Laura ay kasing insulto ng pagluhod kay Marcus!
Sa isang sulok na di napapansin, lihim siyang tumingin ng masama kay Laura, na ang ibig sabihin ay dapat na si Laura na ang gumawa ng paraan para matapos yung dilemma. Pero nakaupo lang si Laura ng walang emosyon na parang hindi niya nakita.
"Nay." Nakita ni Lily na lumalamig yung atmosphere, kinurot niya yung braso ni Gng. Taylor dahil natatakot siya. Bulong niya, "Tara na. Pwede naman natin hintayin pag-uwi natin para mag-usap."
Pinitik ni Gng. Taylor yung mga ngipin niya, alam niyang walang lusot, kaya kinailangan niyang tiisin yung kahihiyan. Mabilis siyang yumuko at sinabing, "Pasensya na po." Hindi na naghintay pa ng kahit anong reaksyon mula sa taong nasa kabilang mesa, hindi niya kayang tiisin yung kahihiyan. Mabilis na hinawakan ni Gng. Taylor yung kamay ni Lily at tumalikod para umalis.
"Marcus, bigla naming naalala na mayroon pa kaming dapat tapusin, kaya kailangan na naming umalis." Tumayo si Bob sa parehong lugar at tiningnan si Laura na relaks at kalmado. Sa huli, sumunod siya kay Gng. Taylor at umalis.
Nakita ni Laura na lihim siyang tiningnan ng masama ni Gng. Taylor sa sandaling tumalikod siya. Wala namang pakialam si Laura sa mga taong umalis. Ngumiti siya kay Marcus. "Salamat sa nangyari." Kahit na, kahit wala yung tulong niya, kaya naman niyang solusyunan yung problemang 'to mag-isa.
Mahinahong sinabi ni Marcus, "Walang anuman."
...
Umupo si Gng. Taylor sa sulok ng kotse ng ilang minuto na tahimik. Inisip niya ng matagal, pero sa huli sumilip siya, hawak yung likod ng upuan ng drayber, at sinabing nag-aalangan, "Bob, hindi naman maaapektuhan yung kooperasyon ng dalawang pamilya, 'di ba?"
Nag-alinlangan ng sandali si Bob at sinabing, "Hindi naman."
"Buti naman." Bumuntong-hininga si Gng. Taylor. Pagkatapos niyang mapanatag yung isip niya, hindi niya napigilang magsalita pa, "Bob. sa susunod na makikipagtrabaho ka kay Marcus, kailangan mong tandaan na ipagtanggol mo yung pamilya natin para hindi siya magtanim ng galit sa atin..."
"Nay, wag kang mag-alala, gagawin ko 'yan." Sinulyapan ni Bob yung malungkot na mukha ni Gng. Taylor sa rearview mirror at hindi niya napigilang sabihin pa, "Nay, huwag masyadong padalos-dalos sa susunod. Kailangan mong mag-isip ng mabuti bago ka kumilos."
Yumuko si Gng. Taylor, hindi alam kung ano yung iniisip niya, at sinabing, "Oo, alam ko."