Kabanata 43 Tawag sa Telepono
"Hindi ko ginawa!" sagot ni Nora. Nanlaki yung mga mata niyang pula habang nagmumura pa rin, "Wala kang hiya. Nagsisinungaling ka! Wala akong ginawa, hayop ka! ..." habang nagmumura siya, tumulo yung mga luha niya, "Bitawan mo ako. Kung hindi, magsusumbong ako mamaya kay teacher, at mapa-paalis ka..."
Umiyak si Laura at dahan-dahang binitawan siya. Pero, hindi siya natakot na isusumbong siya ni Nora, natakot siya na baka tumulo yung luha ni Nora sa kamay niya at madumihan yung kamay niya.
"Gaano ka na ba katanda, nagsusumbong ka pa. Ayaw mo pang umamin, ano?" Dahan-dahang tumayo si Laura at bumalik sa upuan niya, "Maaamin mo rin sa sarili mo yan, sooner or later."
Hinawakan ni Nora yung leeg niya, na may marka ng pula, at hindi nagsalita, nakatingin kay Laura na may luha at galit sa mga mata niya.
Nakita na tapos na yung gulo, may lumabas para mamagitan, "Malapit na mag-klase, at hindi maganda yung amoy ng klase. Linisin muna natin yung kalat."
"Kaya nga dapat gawin ni Laura yan..." may bumulong na hindi natutuwa. Pero pagkatapos makita yung ginawa ni Laura kanina, walang naglakas loob na magsalita.
Nilinis yung classroom ng sabay-sabay hanggang mawala yung baho, at saka lang sila naghanda para sa klase. Hindi nagtagal pagkatapos magsimula yung klase, biglang dumating yung instruktor at kumatok sa pinto ng classroom.
"Laura, sumama ka sa akin sa office."
Nagkagulo sa classroom, na agad tumahimik. Tumayo si Laura ng kalmado sa gitna ng maraming mata. Biglang hinawakan yung kamay niya at tumingin siya pababa para makita si Lucy na lumulunok at nagbibigay ng lakas ng loob sa kanya.
"Laura, hindi ka dapat matakot. Pinagkakatiwalaan kita. Hihilingin ko sa nanay ko na tulungan ka. Hindi sila maglalakas-loob na gumawa ng masama sa'yo."
Ngumiti si Laura at dahan-dahang hinila yung kamay niya, "Huwag kang mag-alala, okay lang ako."
...
Yung office.
Tumayo si Laura ng kalmado sa mesa. Sumulyap sa kanya yung instruktor at itinaas yung salamin sa ilong niya. Nahanap niya yung numero ng telepono ni Gng. Taylor at dinial ito.
"Ikaw ba ang nanay ni Laura? Pinaghihinalaan siya na nakipag-away sa school. Kailan po kayo pwedeng pumunta sa school at mag-usap?"
Nagulat muna si Gng. Taylor nung natanggap niya yung tawag. Pagkatapos marinig yung dahilan, ngumiti siya ng hindi niya namamalayan na may paghamak. Ayaw niyang asikasuhin si Laura, kaya natural na tumanggi siya na hindi nag-iisip. "Laura? Sobra nang wild yung batang 'to. Hindi ko siya kayang kontrolin. Kung may problema kayo, pwede niyo tawagan yung tatay niya."
"Gng. Taylor, alam mo naman, busy na busy yung asawa mo. Hindi siya makahanap ng oras..."
"Wala akong magawa tungkol diyan." Binaba agad ni Gng. Taylor yung telepono. Pagkatapos ng pag-uusap, hindi niya mapigilan na makaramdam ng pasasalamat na hindi niya totoong anak si Laura. Ilang taon ng buhay kaya yung mawawala sa kanya kung may anak siya na katulad nito?
Inilagay ng instruktor yung kamay niya sa mesa, nanahimik, at tumingin kay Laura.
"Laura, ito... Narinig mo na."
Nanatiling kalmado si Laura, "Opo."
"Kung ayaw pumunta ng magulang mo sa school, yung bagay na ito, paano mo nakikita kung paano lulutasin?"
"Ako..."