Kabanata 330 Lihim na Inaasahan
“Bago ‘to, ang mga grado niya, pasado lang, walang ka-buhay-buhay, at minsan, bagsak pa nga.” Itinuro ng titser ang isang time node at maingat na in-analyze ‘yon. “Pero, pagkatapos nito, biglang umangat ng bongga ang mga grado niya at nagkaroon ng malaking pagbabago…”
Tumango-tango ang ibang titser.
“By the way, sa oras na ‘to…” Nagulat ang isa sa mga titser, “Hindi ba ‘yong araw na lumipat siya ng ibang eskwelahan?”
“Nung nasa probinsya pa ako, hindi maganda mga grado ko, pero biglang naging excellent ako pagkalipat ko ng eskwelahan…”
Nagkatinginan ang ilang titser.
“Sabi niyo, nangopya kaya si Laura?”
“Sa tingin ko, posibleng-posible.”
“Hindi ko rin alam. Wala pa tayong masasabi ngayon, kaya hintayin na lang natin ‘yong araw ng kompetisyon para makita kung may laman talaga siya.”
Pagkatapos nun, nagkaiba-iba ng opinyon ang mga tao at kanya-kanya nang umalis.
…
“Paki-tawag ang lahat ng estudyante na nakakuha ng direct places na pumunta sa Imperial Capital University para sa training recently para maghanda sa darating na kompetisyon.”
Iinform ng Imperial Capital University ang lahat ng eskwelahan na sasali sa balitang ‘to.
Pagkatapos matanggap ang balita, hinanap agad ng direktor ng patnubay si Laura.
“Lin, anim na tao ang sasali sa final competition. Sa tingin ko, mas maganda kung sasali ka sa training—para masanay ka sa mga makakasama mo.” Sabi niya.
Nag-isip si Laura, “Sige. Sasali ako sa training.”
Binaba niya ‘yong telepono, kumuha ng isa pa, at nag-text kay Sheng.
“Lolo Sheng, sorry po, pupunta po ako sa Imperial Capital para sumali sa competition sa susunod na araw. ‘Yong kaibigan niyo na may sakit, hindi na kailangang pumunta dito sa malapit. Pag-usapan na lang natin ‘yong gamutan sa ibang araw.”
Hindi pa nagtatagal pagkatapos ma-send, tumawag si Papa Sheng.
Sagot ni Laura: “Hello?”
“Apo, kailan ka pupunta sa Imperial Capital?” May halong pag-asa ang boses ni Lolo Sheng.
Sinilip ni Laura ang kalendaryo. “Bukas po.”
“Agad-agad?” Nagulat si Papa Sheng, tapos ngumiti, “Bilis ah, bilis ah!”
Nagtanong si Laura, “Bakit po?”
Hindi sumagot si Lolo Sheng, naglakad at binaba ‘yong telepono.
Pagkatapos ibaba ‘yong telepono, pinindot ni Papa Sheng ang WeChat interface ni Mu Feng: “Naligtas ka na! Pupunta na sa ‘yo ‘yong doktor, pwede mo siyang i-add sa WeChat at kamustahin!”
Sinabi niya at itinulak ‘yong business card ni Laura sa WeChat.
Nung natanggap ni Mu Feng ‘yong balita, nagulat siya: “Pupunta sa Imperial Capital ‘yong magic doktor?”
Proud na proud si Papa Sheng. “Oo, pupunta siya sa Imperial Capital para sumali sa CCTV competition!”
Mas nagulat si Mu Feng. ‘Yong mga taong kayang sumali sa CCTV competitions at nakakuha ng direct places, hindi dapat minamaliit.
Pagkatapos mag-isip, nagtanong siya, “Pwede ba akong sumundo sa eroplano para sa doktor bukas?”
“Sige, sige!” Masayang-masaya si Lolo Sheng. “Matagal ko nang gustong ipakilala siya sa ‘yo. Hindi mo alam kung gaano kalupit ‘yong batang ‘yon, magaling sa medisina at calligraphy. ‘Yong sulat niya, tut tut…”
Bihira marinig ni Mu Feng na pinupuri ni Papa Sheng ang isang tao nang ganito. Nagkaroon siya ng curiosity sa puso niya. Hinanap niya ng maayos si Laura sa WeChat at nag-send ng kaibigan application. Bumalik siya sa chat interface.
“Lolo Sheng, may gusto po ba kayong pasalubong? Dalhan ko siya pag-sundo ko sa eroplano.”
Papa Sheng: “Anong gusto niya? Bili ka lang ng snacks at meryenda, bili ka lang!”
Snacks at meryenda lang, madali lang bang makuha ang loob niya? Iba ‘to sa mga magic doctors na nakilala niya dati na humihingi ng 100,000 milyong yuan…
Sa puso ni Mu Feng, hindi niya namamalayan na tumaas ‘yong pag-asa niya.
Pwede kayang gumaling talaga ‘yong katawan niya sa magic doktor na ‘to?