134
“Magandang umaga,” sabi ni Alex, tapos inakbayan niya si Juliet at hinapit palapit sa kanya… Sinandal niya yung ulo niya sa balikat niya at bumuntong-hininga ng malalim. “Kailan ka pa bumangon?” tanong niya; nagising siya na walang katabi at nagmadaling bumangon para hanapin siya, pero bago pa man siya lumabas ng kwarto. Nakita niya na bukas yung pinto ng balkonahe at nandoon siya nakatayo na tahimik… hindi man lang niya napansin na nandun siya hanggang sa hinawakan siya nito at nagtataka si Alex kung ano yung iniisip niya… “Mga ilang minuto na ang nakakalipas, ayoko sana gumising sayo; late ka ng nakauwi kagabi galing sa trabaho; dapat magpahinga ka pa. Maaga pa naman. Gigisingin kita mamaya,” sabi ni Juliet at humarap kay Alex… nakatitig siya sa kanya na parang may gustong itanong, pero nag-iisip kung itatanong ba niya o hindi. “May problema ba?” tanong ni Alex at alam ni Juliet na nagsisinungaling siya kung sasabihin niyang okay lang siya… malayo siya sa pagiging okay at yung sulat na iniwan ng Nanay niya ay mabigat sa isip niya kahit ayaw niyang isipin, lumilitaw pa rin ito sa kanyang isip. Alam niya na hindi siya mapapakali hanggang sa magawa niya yung hiling ng kanyang Nanay. “Nagsulat yung Nanay ko ng address sa sulat na iniwan niya para sa akin,” sabi ni Juliet, hindi na kaya pang itago yung pag-aalala niya…
“Sulat?” tanong ni Alex, at tumango siya… “Wala na siyang sinabi pang ibang impormasyon pero hiniling niya na puntahan ko doon kung gusto ko ng sagot sa tanong ko,” bumuntong hininga ng malalim si Juliet dahil alam niya kung anong eksaktong tanong yung tinutukoy ng kanyang Nanay. Isang tanong na tinanong niya dati at hindi na niya tinanong ulit pagkatapos ng isang beses na iyon…
“Ayoko isipin o alalahanin, pero kahit anong gawin kong itulak sa likod ng isip ko, hindi nawawala yung iniisip ko. Sa totoo lang, curious ako pero natatakot ako sa kung ano yung malalaman ko,” paliwanag ni Juliet, at tumango si Alex. Wala siyang ideya na itinago niya ang lahat ng ito sa sarili niya… alam niya na ayaw niyang sabihin sa kanya dahil ayaw niyang maging pabigat, pero gusto ni Alex na malaman niya na hindi ito pabigat para sa kanya at pwede siyang magtiwala sa kanya kahit anong oras niya kailangan at gusto…
“Paano kung pumunta tayo doon para tingnan…” suhestyon ni Alex, napuno ng pag-aalinlangan at nerbiyos yung mga mata ni Juliet… “Pwede naman maging okay na maging curious ka, Julie, natural lang na ganun… Sasamahan kita, hindi ka na dapat mag-alala at kung parang sobra na sayo, ipaalam mo agad sa akin, pwede tayong umalis kung hindi ka komportable,” sabi ni Alex at tumango si Juliet… masaya siya na may kasama siya na pwede niyang pagkatiwalaan at makausap kapag ganito yung nararamdaman niya…
“Sa tingin ko nasa dulo ng block,” sabi ni Juliet nang lumiko ulit sila pero hindi pa rin nila mahanap yung address na hinahanap nila… Nag-u-turn si Alex at sinunod yung mga sinabi ni Juliet at pagkatapos magmaneho ng ilang minuto, sa wakas nakarating sila sa block na tinutukoy niya…
..
“Sigurado ka bang gusto mong gawin to?” tanong ni Alex nang dumating sila at tumango si Juliet… gusto niya ng closure at gusto niyang isara ang kabanatang ito ng kanyang buhay para makapunta na siya sa susunod na kabanata kasama si Alex… bumaba sila ni Alex sa kotse at hinawakan niya ang kamay nito habang naglalakad sila papunta sa pintuan ng maliit na bahay… Mukhang sobrang luma yung bahay at parang matagal na itong nakatayo… Itinaas ni Alex ang kamay niya at pinindot yung napakalumang doorbell ng bahay. Naghintay silang dalawa at naghintay pa at lumipas na ang mahigit isang minuto pero wala pa silang nakukuhang sagot… Akmang pipindutin ulit ni Alex yung doorbell pero napahinto siya nang buksan yung lumang pintong kahoy ng bahay para lumabas ang isang matandang babae. Nakasimangot ang mukha niya at mukhang naistorbo sila sa katahimikan niya… “Anong gusto mo?” sabi ng matandang babae na naiinis at nagkatinginan yung magkasintahan bago kinuha ni Juliet sa kanyang bag at nilabas ang isang larawan ng kanyang Nanay noong bata pa ito… “Pasensya na po sa pag-istorbo, ma’am, pero nagtataka lang po kami kung pwede kaming magtanong kung okay lang po sa inyo,” sabi ni Juliet na magalang hangga’t maaari, umaasa na hindi na siya pagsasabihan pa ng matanda. Lumipat yung tingin ng babae mula kay Juliet papunta kay Alex bago siya sumagot, “Ayoko… Wala akong ideya kung sino kayong dalawa pero gusto niyo akong tanungin? Sa tingin ko oras na para umalis kayo.” Sabi ng babae at akmang babalik na sa loob ng bahay niya at isasara ang pintuan sa harap ng mga hindi inaasahang bisita na nagpakita sa harap ng bahay niya na humihingi na sagutin niya yung ilang tanong… Nagulat siya pero bago pa siya makaalis itinaas ni Juliet yung larawan ng kanyang Nanay para makita ng matandang babae at agad na tumingin ang babae sa larawan, nanlaki ang mga mata niya na parang nakakita siya ng multo o kung ano, at hindi nakaligtas sa mga mata ni Alex at Juliet ang reaksyong ito. Alam nila na kilala talaga ng babae ang kanyang Nanay sa larawan kahit na tangkain niyang itanggi… “Kilala niyo po ba kung sino siya?” tanong ni Juliet at lumipat yung tingin ng matandang babae mula sa larawan papunta kay Juliet. “Sino ka at bakit mo ako tinatanong tungkol sa kanya?” tanong ng matandang babae.. “Siya po yung Nanay ko,” sagot ni Juliet at pinanood kung paano nagulat ulit ang babae sa kanyang rebelasyon…