169
“Ano sa tingin mo?” tanong ni Gina habang nakatayo siya sa harap ni Juliet, na napahinga nang malalim at tumayo… habang si Vance naman, parang proud na proud sa obra maestrang ginawa niya. May maliwanag na ngiti sa mukha niya habang nakatitig siya sa nakabibighaning bride-to-be… perfect siya…
Ang wedding dress, sobrang nakabibighani kay Gina… “Ang ganda mo,” sabi ni Juliet, na namamangha sa kagandahan ni Gina at biglang namula ang mukha ni Gina… isang maliwanag na ngiti ang lumitaw sa mukha niya habang tinulungan nina Juliet at dalawa sa mga babae sa bridal place si Gina sa pagsuot ng damit para makaharap siya at matignan ang sarili sa salamin… “Alam ko na agad nang makita ko ang damit na ‘to na bagay na bagay ‘to sa’yo, Gina. At tama ako, perfect ka dito,” sabi ni Vance na tuwang tuwa…
“Wow,” sabi ni Gina na mahina ang boses habang tinitignan niya ang sarili sa salamin… agad siyang nainlove sa damit niya… parang gawa ‘to para sa kanya, mula sa magandang lacy intricate sa taas ng damit hanggang sa hindi masyadong malaki… gusto niya ‘to at gusto na niya ang kasal niya… “Ang ganda mo talaga, ma’am, ang swerte ng groom mo,” sabi ng isa sa mga babae, at napatawa nang malakas si Gina sa papuri… humarap siya kay Juliet, na tumango sa kanya. Ganito pala ang pakiramdam ng may kaibigan… Na-isip ni Gina na may gusto siyang itanong kay Juliet pero hindi siya sigurado kung tatanggapin ni Juliet… “Kukunin ko ‘tong damit,” sabi ni Gina kay Vance na pumalakpak sa tuwa… “Syempre naman, ito ang tamang pagpipilian mo, pero kung hindi ka sigurado, meron pa kaming ilang gowns na pwede mong sukatin, pero sa tingin ko ito na ‘yung isa,” sabi ni Vance at akmang mag-uutos na sa kanyang mga assistant na ihanda na ang mga damit na sinasabi niya nang pigilan siya ni Gina. Nainlove na siya sa suot niyang damit at ayaw na niyang sumukat pa ng iba. Sa reaksyon pa lang nila, mas lalo siyang naging sigurado na maganda siya sa damit…
“Hindi, gusto ko ‘tong damit, Vance. Gustong-gusto ko ‘to,” sabi niya, at nakita niya ang natutuwang mukha ni Vance… agad na nagsimula sa trabaho ang kanyang assistant at tinignan kung may kailangang ayusin sa damit… tinanong nila si Gina kung komportable ba ‘to… Kung masyadong maluwag, at sinagot niya ang lahat ng kanilang tanong, habang si Juliet nakaupo lang doon at nakikinig nang may ngiti sa kanyang mukha… “Salamat,” sabi ni Gina nang umalis si Vance kasama ang kanyang mga assistant, at silang dalawa na lang ang natira sa kuwarto. “Wala kang dapat ipagpasalamat. Masaya ‘to. Sigurado ka bang ayaw mong sukatin ‘yung natitirang damit? Hindi mo alam. Baka mas magustuhan mo sila,” sabi ni Juliet, at umiling si Gina. Agad siyang na-attract sa damit nang suot niya ito at ayaw na niyang mag-alinlangan sa kanyang desisyon. Nakikita na niya ang sarili niya na naglalakad sa aisle patungo sa lalaking mahal niya sa kanyang wedding dress. Kahanga-hanga na isipin ang ganun sa pamamagitan ng pagtitig sa kanyang repleksyon sa salamin…
“Hindi, sa tingin ko hindi na, at hindi ko rin naman pwedeng sabihin kay Vance na itago ‘yung mga ‘yun bilang backup dresses ko kung sakaling may mangyari sa damit na ‘to, pero sana naman wala, kawawa naman,” sabi ni Gina, at nagdulot ito para magtawanan ang dalawa… nawala na ang tawa nila, at napuno ng katahimikan ang kuwarto, kaya naman nabigyan si Gina ng perpektong pagkakataon para tanungin si Juliet. Pinaglaruan niya ang kanyang mga daliri habang nagtanong, “So iniisip ko kung… alam mo naman… eh… um… kung gusto mo bang maging bridesmaid…” Sa wakas, tinanong na ni Gina ang tanong na pinag-isipan niya buong gabi kung dapat ba niyang itanong o hindi. Nagdesisyon siyang huwag na dahil kakasimula pa lang naman ng pagkakaibigan nila ni Juliet, pero nang nagulat si Juliet sa hitsura niya, uminit ang kanyang puso, at gusto niya na sana itong maging bridesmaid niya. Lagi iniisip ni Gina na wala siyang bridesmaid kung sakaling magpakasal siya dahil wala siyang kaibigan, pero nang nakilala niya si Juliet, gusto niya na…
“Oh,” sabi ni Juliet na mahina ang boses. Nagulat siya sa tanong ni Gina, pero may parte sa kanya na natuwa dito… “Oo naman,” pumayag si Juliet at naiisip niya kung gaano kayang magugulat si Alex kapag sinabi niya rito… Hindi nag-aksaya ng kahit isang segundo si Gina at umalis na para hanapin si Vance para makapaghanda na sila ng damit. Juliet…
Isang ngiti ang lumitaw sa mukha ni Juliet nang bumalik siya para umupo. Bumalik na sina Vance at Gina sa kuwarto makalipas ang ilang sandali, at kasama ni Vance ang ilang damit na pwedeng sukatin ni Juliet… “Pinili ko na ang ilang damit, at darating na rin ang mga assistant ko na may dadalhin pang iba para sukatin mo… ano sa tingin mo… alin ang gusto mo… pinili ko ‘to lalo na para sa’yo… paano ‘to?” Kinuha ni Vance ang isa sa mga damit at akmang iaabot kay Juliet nang ang kanyang telepono, na nasa kanyang bag, ay nagsimulang mag-vibrate… Hindi muna ito pinansin ni Juliet at akmang titingnan ang damit nang biglang lumakas ulit ang pag-vibrate ng kanyang telepono, na nakakuha ng atensyon ng lahat… “Sagutin mo na ‘yan baka importante… kami na ni Vance ang pipili ng mga isusukat mo,” sabi ni Gina, at tumango si Juliet. Kinuha niya ang kanyang telepono mula sa bag at naglakad sa sulok ng kuwarto para sagutin ang tawag… Hindi kilalang numero ‘to at nagtataka si Juliet kung sino ito habang pinindot niya ang answer button
“Hello,” sabi ni Juliet pero walang narinig sa kabilang linya. “Hello, sino ‘to?” Sabi niya ulit at naghintay kung may sasagot pero walang nagsalita at bago pa man niya itanong ulit kung sino ‘yun, natapos na ang tawag… Nakatingin si Juliet sa hindi kilalang numero, nagtataka kung sino ‘yun, pero hindi niya masyadong inisip, kahit na may kakaibang pakiramdam siya tungkol sa tawag… Itinaboy niya ‘yun at humarap kay Gina, na kumakaway sa kanya para ipaalam na handa na ang damit na susukatin niya… ngumiti si juliet sa kanya at tumango, ang kanyang mga mata ay lumipat sa kanyang telepono ng isa pang beses bago niya ito nilagay sa kanyang bulsa… sino kaya ‘yun?