42
Pauwi na si Juliet galing sa trabaho, at dala niya 'yung kanyang payong... nakita niya 'yung forecast ng panahon at nakita niyang may seventy percent na tsansa na uulan, kaya kinuha niya 'yung paboritong payong ni Nanay at agad niya itong binuksan nang makita niyang malapit nang umulan... Naglakad na siya papunta sa bahay nila at dumaan siya sa daan kung saan 'yung park... 'Yung bago niyang paboritong lugar, tapos may nakita siyang tao... nang lumapit siya...
Nakaupo siya sa gitna ng ulan at hindi gumagalaw... Agad niya siyang nakilala, "Alex" sabi niya at dali-daling naglakad papunta sa kinaroroonan niya para masilungan niya siya gamit 'yung payong niya... Bakit siya nakaupo sa ulan at hindi tumatayo?
Dahan-dahang inangat ni Alex 'yung ulo niya nang hindi na niya maramdaman 'yung ulan, at nakita niya 'yung payong... "Bakit ka nakaupo sa ulan... nagpapalamig ka ba?" Narinig niya 'yung pamilyar at nakaka-relax na boses at nakita niya 'yung mukha niya... Nandito siya... Kaagad na lumabas 'yung ngiti sa mukha niya, at nag-buntong hininga si Juliet. "Tumayo ka na," sabi niya at hinawakan 'yung braso niya...
Pero nanatili pa ring nakaupo si Alex, hindi niya inaalis 'yung tingin niya kay Juliet... nandito na naman siya, at 'yung presensya niya ang pinaka-nakakagaan ng pakiramdam... nagpainit 'yun sa malamig niyang puso, at gusto niya siyang yakapin para uminit siya... "Alex!" sabi ni Juliet, para siyang libro sa kanya, pero 'yung libro nasa ibang lenggwahe na sinusubukan niyang i-translate, pero kaunti lang 'yung nakukuha niyang translation, hindi lahat... 'Yun 'yung eksaktong nararamdaman niya tungkol sa kanya...
Tumayo na rin siya nang makita niyang tumatama 'yung tubig-ulan sa balikat niya. Ayaw niyang mabasa o sipunin siya dahil sa kanya... "Basang-basa ka," sabi niya sa kanya, puno ng pag-aalala 'yung mata niya... "Dapat naghanap ka ng mapagtataguan hanggang sa tumigil 'yung ulan," sabi niya sa kanya at sinubukan niyang siguruhin na natatakpan ng payong 'yung katawan niya. Mas kailangan niya 'yun kaysa sa kanya... "Eto, sa 'yo na 'yung payong ko, kaya ko namang tumakbo pauwi" sabi ni Juliet at hinudyatan niya si Alex na kunin 'yung payong sa kanya, kasi sigurado siyang may nakaparada siyang kotse malapit doon... Pero nag-taxi si Alex pagkatapos maglibot-libot...
"Pwede mo namang isauli 'yan sa 'kin mamaya," sabi niya, pero hindi pa rin kinuha ni Alex 'yung payong sa kanya... "Hindi ko dala 'yung kotse ko, pwede nating paghatian hanggang sa makapunta ka sa bahay," sabi ni Alex, at natulala lang si Juliet sa kanya...
Mahirap makakuha ng taxi dito... kailangan niyang maglakad papunta sa bus stop at maghintay... Ngayon pang umuulan, mas matagal siyang maghihintay... Baka sipunin pa siya... nakikita niya 'yung tubig na tumutulo sa buhok niya at kung gaano kabasa 'yung damit niya... Siguro pwede siyang magpatuyo sa bahay niya at maghintay hanggang sa tumigil 'yung ulan, tapos pwede na siyang umalis...
"Sa bahay na lang tayo," suhestiyon niya... "malapit lang naman, at hindi ka makakakuha ng taxi dito... pwede kang magpatuyo sa bahay ko. tapos umalis ka na," mabilis niyang dagdag, at tinanggap ni Alex 'yung alok niya... Kinuha niya 'yung payong mula sa kamay niya kasi hindi niya kayang makita na nababasa 'yung balikat niya kasi ayaw niyang mabasa siya...
Naglakad na silang dalawa, at panay 'yung sulyap ni Juliet sa kanya... Nababasa pa rin 'yung damit niya dahil sa pagitan nilang dalawa... "Pwede ka namang lumapit para hindi ka mabasa," sabi niya sa mahinang boses... Lumingon si Alex para tingnan siya at ngumiti ng kaunti... tapos lumapit siya sa kanya... at pareho silang nagpatuloy sa paglalakad papunta sa bahay niya ng tahimik...
Nakarating na sila sa bahay niya, at hawak ni Alex 'yung payong sa ibabaw ng ulo niya habang binubuksan niya 'yung pinto... lumingon siya para tingnan siya at hinudyatan niya siyang pumasok sa bahay niya... Isinara ni Alex 'yung payong at inabot sa kanya... pumasok siya sa bahay niya, at natamaan ng mata niya 'yung couch kung saan siya nakatulog nung nakaraang gabi...
"Bakit hindi mo 'ko ginising kaninang umaga noong aalis ka na, nag-alala ako nang magising ako at hindi kita nakita," sabi ni Juliet habang hinuhubad niya 'yung sapatos niya... "Tulog na tulog ka kasi, at ayaw kong manggulo... Late na rin ako sa trabaho," paliwanag niya, at tumango siya. "Pwedeng ilagay mo 'to sa kusina, babalik ako agad na may dalang tuwalya." Inabot niya 'yung payong pabalik sa kanya, at pumunta si Alex sa kusina niya...
Nilagay niya 'yun at tumayo doon na naghihintay na bumalik siya na may dalang tuwalya... bakit bumibilis 'yung tibok ng puso niya... lumunok siya at huminga ng malalim... Umuulan pa rin sa labas, pero nababawasan na... Aalis na siya pagkatapos niyang dalhan ng tuwalya, desisyon niya...
Pumasok siya sa kusina pagkalipas ng isang minuto at iniabot sa kanya 'yung mga tuwalya... "Salamat," sabi ni Alex at ginamit niya 'yun para tuyuin 'yung buhok at damit niya... Tumayo doon si Juleit na pinagmamasdan siya... pinanood niya kung paano tumulo 'yung isang patak ng tubig mula sa buhok niya at bahagyang bumuka 'yung labi niya...
Namumula 'yung mukha niya habang nakatitig sa kanya... Sobrang bilis ng tibok ng puso niya... siya lang 'yung pumupuno at sumasakop sa isip niya...
Lumunok ulit si Alex nang mapatingin siya sa labi niya.. Gusto niyang lumapit sa kanya at halikan siya hanggang sa mawalan siya ng hininga at ungol niya 'yung pangalan niya dahil sa pagnanasa...... sobrang nakaka-overwhelm 'yung mga iniisip na 'yun, at alam niyang kailangan na niyang umalis bago pa niya magawa 'yung mga nakaka-overwhelm na iniisip na 'yun...
"Aalis na 'ko. Halos tumigil na 'yung ulan..." sabi ni Alex pagkatapos niyang matapos, at nilagay niya 'yung mga tuwalya sa mga cabinet sa kusina... basa pa rin 'yung damit at buhok pero mas okay na ngayon...
"Okay," sabi ni Juliet sa mahinang boses, at tumango siya... Lumakad siya palampas sa kanya pero natigilan siya nang maramdaman niya 'yung kamay niya sa braso niya... Sobrang bilis ng tibok ng puso ni Juliet at sinundan niya 'yung puso niya at sinabi niya sa mahinang boses...
"Huwag ka munang umalis..." Umalingawngaw 'yung boses niya sa tenga niya.