Anim
“Kaya ko na mag-isa mula rito, hindi mo na kailangang sumunod,” sabi ni Juliet at umiling si Alex. “Sabi nila kailangan mo ng maraming pahinga. Ihahatid na lang kita sa bahay mo.” Giit niya, kaya napabuntong-hininga siya. Bakit ba ang kulit ng lalaking 'to? Nakakairita na sa nerbiyos niya. Sinulyapan niya ito at parang hindi naman titigil sa pagmamaneho…
“Sige na nga, ihatid mo na lang ako sa park, tapos maglalakad na lang ako pauwi.”
Hindi sigurado si Julie kung okay lang na malaman niya kung saan siya nakatira. Hindi naman kasi mukhang mananakit. Dinala pa nga siya sa ospital no'ng nawalan siya ng malay. Sobrang nagulat siya nang iminulat niya ang mga mata niya at nakita niya itong nakatitig sa kanya…
“Malapit na rin naman sa inyo. Hindi ba mas okay kung ihatid na kita…”
“Fine…bahala ka!” Pumayag na rin si Julie nang marealize niya kung gaano siya kakulit… sinabi niya ang address niya at tahimik silang nagbiyahe, pasulyap-sulyap sa kanya…
“Alex nga pala,” sabi niya bigla at tumango siya. “Alam ko ang pangalan mo, at sa pagkakaalam ko hindi mo pa sinasabi sa 'kin ang pangalan mo,” dagdag niya at tumango ulit siya at ngumiti ng konti, hindi sigurado kung ano ang sasabihin sa kanya.
“Hindi mo pa sinasabi kung anong ginagawa mo sa park.” 'Yun ang kinukuwestiyon niya. Bakit pa siya bumalik doon? Hindi niya pa siya nakikita dati… hindi naman kasi mukhang taga-roon…
“Oh…kasi nagtataka lang ako,” itinaas niya ang kilay sa pagtatanong.
“Nagtataka? Tungkol sa?”
“Kung okay ka lang,” sagot ni Alex nang totoo at katahimikan ang namayani sa kanila pagkatapos. “Bakit ka naman magtataka tungkol do'n?” bulong ni Julie sa mahinang boses at lumingon sa bintana. Lumalabo na ang mga mata niya sa luha. Anong trip niya? Bakit paulit-ulit niyang tinatanong kung okay lang siya? At bakit bigla siyang naging vulnerable sa tuwing tinatanong niya 'yon…
“Kaya mo naman nakikita na okay lang ako,” binuking siya ng boses niya at nag-alala si Alex… alam niyang hindi siya okay kahit itanggi niya pa…
“Hindi ka pa kumakain ng tanghalian, eh. Pa'no kung kumain na lang tayo?” suhestiyon niya na sinusubukang pagaanin ang mood sa loob ng kotse at marahil ilihis ang atensyon niya…
Totoo 'yon, gutom na si Julie. Wala pa nga siyang nalulon sa loob ng mahigit dalawampu't apat na oras at sigurado siya na kapag umuwi siya, hindi siya…
Lumingon siya sa kanya at dahan-dahang tumango. “May alam akong lugar,” sabi niya sa mahinang boses. Ayaw niyang kumain sa malapit at sumugal na makasalubong ang isa sa mga tsismosa sa lugar. Ayaw na rin niyang bumalik sa bahay at ang totoo mas gusto niyang makasama ang kakaibang mabait na estranghero… Alex…
Tumango si Alex at pinaikot ang kotse. Bumalik ang katahimikan sa pagitan nila. Nakatingin si Julie sa bintana at pasulyap-sulyap si Alex sa kanya…
Nang dumating sila sa lugar, kakaiba na hindi nagkukumpulan ang mga tao at pumili si Julie ng mesa sa gilid ng restaurant na tahimik at mas pribado. Natutunan ni Alex sa pakikipag-usap sa kanya na mas gusto niyang mag-isa… Nang dumating ang pagkain nila, pinanood niya ito na nakatitig lang at hindi kumakain…
“Gusto mo pa ba ng iba?” tanong niya nang lumipas ang ilang minuto at hindi pa rin niya hinahawakan ang pagkain niya.
“Hindi na. May naaalala lang ako,” sagot niya at uminom ng kaunti sa inumin niya…
“Bakit ka ba mabait sa 'kin?” nasabi niya bigla at nagulat ng konti si Alex sa tanong niya. Hindi niya kasi narealize na mabait siya…
“Oh. Mabait? Hindi ko rin alam, eh… kahit sino naman gagawa ng gano'n,” napabuntong-hininga si Julie dahil may ideya siya na gan'on ang magiging sagot niya…
“Pwedeng umalis ka na pagkatapos mo akong dalhin sa ospital tapos magkasama tayong kumakain ng tanghalian? Hindi ka ba naiilang kasi ako oo”
Naiilang din si Alex. Naiilang siya na paulit-ulit siyang nag-aalala sa kanya. Dapat umalis na siya sa ospital pero hindi niya kayang iwanan mag-isa nang sinabi ng nars na kailangan nito ng maraming pahinga at sa isang saglit inisip niya Na dalhin siya sa bahay niya para ma-check siya ng doktor, pero alam niyang matatakot siya kapag nagkamalay siya.
“Hindi kita kayang iwanan mag-isa pagkatapos mong mawalan ng malay no'n. Pa'no kung mawalan ka ulit ng malay?”
Halos irapan na siya ni Julie, pero alam niyang mapapamukha siyang walang utang na loob. Dahan-dahan niyang kinuha ang burger niya at kinagatan at hindi na napigilan ni Alex ang ngumiti. Mukhang okay na siya ngayon, kumagat din siya sa pagkain niya. Pareho silang kumain nang tahimik, curious na nakatingin si Julie sa kanya. Ano ba ang gusto niya sa kanya? Baka naman may gusto siya sa kanya? Nagdududa siya, mas mukha siyang mabuting samaritan sa kanya, na nag-aalala sa babaeng umiiyak na nakilala niya nang nagkataon. Pero mukhang nag-aalala siya…
Magsasabay na sana siyang magbayad pero inunahan siya nito at binayaran ang tanghalian nila. Nag-takeout pa siya para sa kanya na mas nakapagpalito sa kanya…
Sobrang bait niya…
“Ibigay mo sa 'kin ang account mo, ako na ang magbabayad ng pagkain ko… hindi mo na kailangang bayaran pa ako,” sabi niya nang palabas na sila ng restaurant, pero kaunting ngiti lang ang lumitaw sa mukha ni Alex…
“Ibigay mo sa 'kin ang numero mo sa telepono, at ipapadala ko sa 'yo,” iniabot niya sa kanya ang telepono niya at itinipa niya ang numero niya at lumawak ang ngiti niya…
“Nasa 'kin na ang numero mo,” bulong niya, natuwa na gumaan ang mood niya.
Nagbiyahe sila pauwi sa bahay niya nang tahimik at nang sa wakas dumating sila sa bahay niya sinabi ni Julie sa kanya “Salamat” at tumango siya. Inisip niya na nagpapasalamat siya sa pagdadala sa kanya sa ospital pero may iba pang ipinagpapasalamat si Julie.
Nalimutan niya ang kalungkutan niya sandali… nagpapasalamat siya doon…