Kabanata 10
Pag-angat ko ng tingin, nakita ko 'yung girl na kilala sa kasabihang, "Ganda sa labas, bulok sa loob."
Sinubukan kong alalahanin na pigilan 'yung galit at inis ko nang binigyan niya ako ng halong tingin ng pagkagulat at pagkadiri. Nakakuyom 'yung kamao ko at tinago ko sa likod ko para hindi niya makita at tumingin ako sa sahig para iwasan 'yung eye contact sa kanya para mas mabilis na mapigilan 'yung kagustuhan na ihampas 'yung ulo niya sa pinakamalapit na dingding.
Nang nagdesisyon akong sumilip sa direksyon niya pagkatapos mapansin na natahimik siya, nakita ko siyang nakatitig sa kamay ni Adam na magkahawak pa rin kahit na 'yung akin ay parang walang buhay at mahigpit 'yung pagkakahawak niya. Napagtanto niya na nandun si Adam, may physical contact sa akin. Sa tingin ko hindi 'yon nagustuhan ng loka-loka.
Nag-flash ulit 'yung expression niya ng pagkagulat pero this time may pagka-malandi na.
"Oh. Hi, Adam," malambing niyang sabi.
Sinubukan kong hindi masuka. Seryoso, sinubukan ko. Ang keyword ay ‘sinubukan' doon.
"Hey, Sonia," sagot ni Adam na walang emosyon.
May nakasalamuha na siguro sila sa school, naisip ko. Hindi na ako magugulat doon, bagong lalaki na kasing gwapo ni Adam? Kumalat 'yung balita na parang apoy sa school at si Sonia ay puro tsismis.
Hold up, tinawag ko bang gwapo si Adam? Hell no. Ang dude ay isang ogre. Isa siyang mabalbon, pangit, mabahong ogre na kumakain ng sarili niyang kulangot. Yep. That did the trick. Sigurado ako nawalan na ako ng gana.
Parang hindi niya nakuha 'yung hint kasi lumapit pa siya at nagpaburara sa kanya, literally. This time, hindi ko na mapigilan at talaga namang nasuka ako. Sumulyap ako sa likod ko at ininat 'yung kamay ko para takpan 'yung mata ni Monic sa nakakakilabot na tanawin.
'Yung boyfriend niya parang pinipigilan 'yung tawa niya gayunpaman, napahagalpak siya sa sahig habang si Monic ay mukhang naguguluhan at nasusuklam. Sigurado akong trauma na siya at 'yung expression ko ay dapat 10x worse pa sa kanya.
Sa gitna ng lahat ng 'yon, may boses na tumawag. "Sandy, ikaw ba 'yan?"
Isang tao lang tumatawag sa akin ng Sandy, 'yun lang ang naisip ko habang bumaba 'yung takot at 'yung buong katawan ko ay umigting.
Ano bang ginagawa ng dude dito?
Hinigit ko 'yung ulo ko nang mabilis kaya nakakapagtaka na hindi ako na-whiplash. Hold on-mhm, definitely whiplash. Ouch.
Lumingon ako para makita 'yung pamilyar na asul na mata; 'yung kulay asul na nagpapaalala sa'yo ng karagatan mismo. 'Yung makapal na maitim na buhok na pwedeng pagkamalang itim ay maikli at nakagelled sa taas ng ulo niya at kahit na ilang buwan na, kilala ko pa rin 'yung mukha na 'yon kahit saan.
Pero hindi 'yon nakatulong na bawasan 'yung takot na bumaba. "Dominic?" Hindi ko naisip na nasabi ko 'yon hanggang magsalita si Adam, "Kilala mo 'yung lalaki?"
Tumango ako, gumagalaw 'yung ulo ko nang bahagya pero nakatuon 'yung mata ko sa lalaki na minsan kong tinawag na best friend at kapatid.
"Oo, Sand, ako 'to," nagsalita siya nang sobrang hinay na parang babagsak ako anumang segundo, na pwedeng totoo naman. Nanghina 'yung tuhod ko at nagbabadyang tumulo 'yung luha habang hindi ko namamalayang lumapit ako nang pasimpleng lumapit sa kanya. Mula sa dulo ng paningin ko, nakita ko si Adam na gumalaw para saluhin ako kung sakaling matumba ako anumang minuto pero nag-shoot out ng kamay si Monic para pigilan siya at umiling siya.
Nag-shoot out 'yung kamay ko at binalot 'yung sarili nila sa bewang niya, sobrang pamilyar 'yung kilos na nagawa ko 'yon nang walang iniisip. Mahigpit kong hinawakan 'yung likod ng shirt niya gamit 'yung mga daliri ko, 'yung tela parang mapupunit kung mas mahigpit kong hahawakan.
Tumawa siya nang mahina, "I miss you too, little squirrel." Tumawa ako nang walang tunog sa lumang palayaw.
Nakarating siya sa konklusyon na dahil kumakain ako tulad ng squirrel, nagugustuhan, at gusto ko pa rin, Sandy the Squirrel mula sa Spongebob Squarepants at 'yung palayaw ko na nanggaling sa Cas'sand'ra ay tunay na tadhana; nakagawa siya ng napaka-isip-bata na palayaw.
"I miss you so much, Big Donkey." Naramdaman ko 'yung dibdib niya na nanginginig sa ilalim ng ulo ko at ngumiti ako. Payback's a bitch. Nakuha namin 'yung mga palayaw na 'to nung mga bata pa kami at nung napagtanto namin kung gaano ka-nakakahiya 'yung tunog, naging internal joke 'yon sa amin para mapahiya 'yung isa sa tinatawag na palayaw.
Si Bryant laging nanonood sa amin nang may pagkamangha na parang kami ay sirkus na libangan at hinahayaan kaming magtalo hanggang sa uminit at kapag itinataas ko na 'yung kamao ko para suntukin siya, doon lang niya kami titigilan.
Isang ubo ang sumingit sa amin at namula 'yung leeg ko habang humiwalay kami mula sa yakap at hinarap namin 'yung mga kasama namin.
Nagulat si Sonia pero nakabawi sa sarili niya bago nag-strut papunta kay Dominic at nagsimulang lumandi sa kanya. Oh sweet baby Jesus, 'yung mga mata ko! 'Yung poor virgin eyes ko!
Iniwas ko 'yung mata ko mula sa kanila para makita 'yung mga mata ni Adam na lumalaki at honestly mukhang pwede nang lumabas mula sa socket nila at nagsimula siyang mautal. "N-nag-blush ka!" Nagsalita siya at sumigaw 'yung huling salita na parang nakita niya lang 'yung tooth fairy na lumitaw sa harap niya.
Napatawa ako, sinusubukang itago 'yung namumula kong pisngi gamit 'yung buhok ko. Walang paraan na maitatanggi ko 'yung katotohanan na nakikita pa rin 'yung pamumula at nakaupo nang proud sa pisngi ko.
Nagulat si Monic katulad ko sa paglitaw ng aming lumang kaibigan. Bilang pamilya, kami ay isang mahigpit na grupo ng mga tao at alam naming lahat kung sino si Dominic, hell, lumaki kami na magkakasama.
'Yung boyfriend niya, na seryoso kailangan kong malaman ang pangalan, nakatayo doon na nakakunot ang noo kay Dominic para sa isang kadahilanan.
Hindi ako pwedeng mag-alala ngayon dahil nag-strut si Maddison sa kanyang killer heels, sumasama sa amin.
Cue internal groan. Hindi ba sapat na 'yung mga bitches sa sinumpang mundo na 'to?!
Tumango siya kay Dom, kinikilala 'yung pag-iral niya at lumipat kay Adam. Wala akong ideya kung paano magre-react si Dom kapag nalaman niya kung paano nagbago si Maddison pagkatapos harapin 'yung pagkamatay ni Bryant pero wala akong paraan para malaman.
"Hi Adam," binati niya siya nang matamis, kumikindat ng pilikmata at iniikot 'yung buhok niya habang kinakagat 'yung labi niya nang ‘seductively'. Ew.
Tinignan niya ako nang masama at lumipat kay Monic. "At bakit ka nandito?" Sabi niya na may pagkasuya. Lumapit ako kay Monic, sinusubukang takpan siya mula sa paningin ni Maddy hangga't maaari, lahat ng pagiging nerdy ay nakalimutan na habang itinataas ko 'yung baba ko nang bahagya para makita 'yung titig niya.