Kabanata 114
Pinanood ko yung mga bata na nagpapalitan sa pag-slide dun sa mini slide sa park at pinanood ko rin yung isang bata na nakakapit sa monkey bars. Biglang nag-flashback sa utak ko yung araw na nahulog ako sa monkey bar nung susubukan ko sanang tumawid. Napadapa ako at yung ilong ko, grabe yung sakit, muntik na nga akong himatayin sa dami ng dugo na lumabas sa sugat. Akala ni Little Cassandra, natanggal niya yung maliit niyang ilong na parang butones nun at nag-panic. Naalala ko na tumakbo ako kay Bryant na mas nag-panic pa sa akin nung nakita niya yung dugo sa ilong ko.
Pinagalitan niya ako habang nagmamadali siyang dinala ako sa clinic, buhat-buhat ako. Umiyak ako at sinabihan siyang tumahimik kasi masakit yung ilong ko.
Napangiti ako sa katangahan; walang koneksyon yung tenga ko na nakikinig sa sermon niya at yung sugat sa ilong ko.
Hinila ko yung hood ng jacket ko pataas nung may hangin na humampas sa akin at pinapanginig ako. Yung masasayang tili ng mga bata na nag-slide at naghahabulan ay patuloy na pumupuno sa ere. Pero, yung tunog ng sigaw at tili nila ay humina. Nahagip ng mata ko yung pamilyar na mukha na naglalakad palayo kasama yung tatlong bata sa tabi niya.
Mga kaparehong bata na nakita ko nung isang araw. Naramdaman ko yung ginhawa na dumaloy sa sistema ko nung narealize ko na yung tsansa na baka na-child―traffick yung mga bata ay mababa. Natutuwa ako na medyo safe yung mga bata.
Yung isa, nakakabit pa rin sa balikat nung lalaki, yung maliliit niyang kamay ay nakapulupot sa ulo nung lalaki. Yung dalawa pa ay nakahawak sa kamay niya at minsan pa, yung maliit na babae yung itinuro yung park. Rinig ko yung mahinang pagmamakaawa niya sa kanya na papaglaruin sila. "Please Cole, saglit lang tayo. Promise babalik agad ako sayo pag sinabi mong tapos na yung oras natin." Rinig ko yung tawa ni ‘Cole' na may pagod at binigyan niya ng pahintulot.
Bumilis yung tibok ng puso ko nung narealize kong papunta sila sa direksyon ko. Maya-maya pa, nagkarera na yung puso ko sa dibdib ko. Nagkunwari akong nagkamot ng ulo at dahan-dahang hinila yung hoodie ko pababa para matakpan yung mukha ko.
Ang cute-cute ng mga bata.
Naramdaman ko na lumalambot yung mga features ko sa paningin sa kanila. Isang maliit na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko habang pinapanood ko kung paano tumakbo yung dalawang bata para sumali sa iba sa playground sa harap ko. Yung pinakabata ay binaba sa lupa at pagkadapo ng paa niya sa lupa, tumakbo siya pagkatapos nung dalawa.
Nahanap ko yung sarili ko na nag-iisip ulit, nawawala sa mga iniisip ko. Tinawag nila siyang Cole at hindi dad. Inisip ko na Cole yung pangalan niya.
Hindi rin nila siya tinawag na tito, kahit na posible na pinakiusapan niya sila na wag siyang tawaging tito. Hindi ko iniisip na hindi niya sila at hindi sila biologically related sa kanya kahit na yung pinakabata ay pwedeng related pero walang paraan para masigurado ng 100%.
Pwede silang mga pamangkin niya.
Nadurog yung puso ko sa isiping yun. Minsan pa, inisip ko yung posibilidad na baka nakasakit ako sa mga batang yun sa pamamagitan ng pagsakit sa isang tao na pwedeng tatay nila.
Naranasan ko na yung pagkawala at isipin na baka nakapagdulot ako ng parehong sakit na nararamdaman ng mga batang yun na pwedeng nawalan ng tatay sa murang edad ay hindi ko kayang tanggapin.
Tumulo yung luha sa mata ko sa isiping yun at may namuong bukol sa lalamunan ko. Kasalanan yung dumaloy sa sistema ko sa isang nanosecond at pinaparamdam sa akin na para bang nauubusan ako ng hangin. Kasalanan sa kung ano yung ginawa ko sa mga mahihirap na batang ito at kasalanan na yung realization ay dumating ng sobrang late.
Baka nasira ko yung buhay ng tatlong mahihirap na bata at hindi man lang ako nag-alinlangan sa araw-araw kong routine.
‘Nawala na ba talaga yung pagkatao ko?' Na isip ko na may labis na takot nung narealize kong nakatitig ako sa berdeng mga talahib sa harap ng sapatos ko, distrctado.