Kabanata 166
Nakilala ko na 'yung nanay nung lalaking 'yun. Matanda na siya at nag-ampon ng tatlong anghel. Ang galing niya kasi naghihirap siyang mag-provide para sa tatlong bata. 'Yung mga anak niya, 'yung lalaking 'yun at 'yung kapatid niya, tinutulungan siya palagi.
Sa pagkakataong 'to, nanahimik si Adam, hinayaan niya akong magpatuloy sa pagkukwento ko.
"Sumali 'yung dalawang 'yun sa kompetisyon para matulungan 'yung nanay nila na mag-provide para sa mga inampon nilang kapatid. Nakaka-relate ako sa pagiging desperado nila, sumali sa kompetisyon para sa isang dahilan lang, para tulungan 'yung taong mahal mo. Nung nalaman ko 'yung dahilan nila, naintindihan ko 'yung galit niya kasi, kahit hindi ko ginawa ng sadya, sinira ko 'yung buhay ng kapatid niya. Hindi lang sila sumali para sa kasiyahan lang, Adam, lumalaban sila para sa mga taong mahal nila; katulad ko."
Na-overwhelm ako sa katapusan ng pagkukwento ng lahat ng alam ko at ang gusto ko na lang gawin ay matulog.
"Hindi ako pwedeng umalis pagkatapos kong iparanas sa pamilya 'yun lahat ng nangyari. Hindi ko pwedeng hayaan na naghirap siya nang ganun para lang sa wala. Kailangan ko silang tulungan." Tiningnan ko si Adam nang diretso sa mata, gusto kong maintindihan niya na kailangan kong gawin 'to para sa sarili ko.
Inabot ni Adam 'yung kamay ko at hinawakan niya. Tiningnan ko 'yung magkahawak naming kamay, nagtataka kung gaano ka-pamilyar 'yung pakiramdam bago ako tumingin ulit sa mga mata niya. Hinigpitan niya nang konti 'yung pagkakahawak sa kamay ko.
"Hindi ako makapaniwala na naniwala ako na kaya mong pumatay kay nanay." Mahinang sabi ni Adam, bumaba 'yung tingin niya na parang nahihiya, bago siya tumingin ulit sa mga mata ko. "Iba ka talaga, Cassandra Johnson."
Naramdaman ko na nag-uumpisa nang ngumiti 'yung labi ko at naramdaman ko na may mga luha na nagbabadyang tumulo sa mata ko.
Nagpapasalamat ako na may kahit isang tao man lang sa mundo na sumusuporta sa akin. Para sabihin sa akin na hindi naman ako tuluyang nawawala sa sarili ko dahil gusto kong tulungan 'yung pamilya ni Cole.
"Salamat," bumulong ako kay Adam at tumango siya minsan, binitawan niya 'yung kamay ko.
Iniwas ko 'yung tingin ko sa kalangitan, hinihinga 'yung hangin ng gabi.
Nung tinanggal ko 'yung tingin ko sa kalangitan, nakatingin pa rin sa akin si Adam, may pagkamangha at pagtataka pa rin sa mga mata niya.
Naramdaman ko na lumaki pa 'yung puso ko nang konti, iniisip na baka - siguro - nandoon pa rin 'yung Adam ko sa isang lugar at makikita ko ulit siya balang araw.
Noong gabing 'yun, natulog ako nang payapa hangga't kaya ko sa lahat ng masakit na pasa na meron ako galing sa laban. Tahimik din 'yung isip ko hangga't kaya.
Malinaw 'yung mga iniisip ko kung ano 'yung gusto ko - kailangan ko - gawin at wala akong problema kung galit sa akin si Adam o iniisip niya nang masama 'yung tungkol sa akin ulit.
Lalaban ako palabas sa kompetisyon na 'to at mananalo ako para sa lahat ng taong mahal at inaalagaan ko. Kasi 'yun lang naman 'yung buhay.
Kailangan mo lang lumaban sa buhay. Palagi kang may choice.
Pwede kang magpatalo at mamatay,
O pwede kang lumaban. At pinili ko 'yung huli. Kasi para sa akin?
Ang mabuhay - ay lumaban.