Kabanata 36
Nakikinig ako nang nag-aalinlangan na parang estudyante na pinagsasabihan ng kanyang titser.
"...paggamit ng matutulis na bagay." Tinapos niya, humarap para makita ang mga mata ko at napamura siya nang nakita niya ang ekspresyon ko na malamang tulala at wala sa sarili.
"Nakikinig ka ba kahit isa man lang sa sinabi ko, Pix?" Ungot niya at inikot ko ang mga mata ko sa kanya.
"Pix, seryoso 'to! Kailangan mong malaman ang mga dapat at hindi dapat gawin sa ring na 'yan! Kailangan mong mag-focus."
Bumuntong-hininga ako at binigyan siya ng nahihiyang tingin bago hiniling sa kanya na ulitin ulit, this time nakikinig talaga sa pagdadaldal niya.
"Okay, basically, ang kailangan mo lang gawin ay i-pin ang kalaban mo ng 8 segundo o kaya i-knock out siya. Pareho na 'yon."
Tumango ako, buong kilos ko biglang naging seryoso sa isang kurap.
"Walang isa man sa inyo ang pwedeng magdala ng kahit anong matulis na bagay sa arena na 'yon kaya okay ka lang basta mag-focus ka. Tandaan mo, Pix, focus." Inulit niya at nginitian ko siya ng tapat.
"Hoy, okay lang ako. Alam mo namang hindi ko sila hahayaang makapagbigay ng kahit isang suntok sa akin. Huwag ka masyadong mag-alala, magkakaroon ka ng wrinkles at hindi magtatagal, magkakaroon ka na ng sakit sa likod." Ngumiti ako nang nakakaloko at ngumiti siya.
"Kailangan pa ng mas malala sa sakit sa likod para pabagsakin ang lalaking 'to," Pagmamayabang niya, hinahabol ang dibdib niya nang nakakatawa at inilalabas ang kanyang mga braso.
Inikot ko ang mga mata ko, "Sige na nga, Lev. Kailan ka lalaban?" Tinalikuran ko siya nang nakita ko siyang magtatanggal ng kanyang shirt at inabala ko ang sarili ko sa pagkuha ng aking bote ng tubig at pag-inom ng kaunti.
Dinilaan ko ang aking mga labi, pinabasa ang mga ito kaunti bago uminom ulit at isinara ang takip.
Hindi naman sa iniisip kong may pangit siyang katawan, parang imposible naman 'yon kapag street fighter ka, pero hindi lang talaga ako komportable na tumingin sa hubad na katawan ng isang lalaki kung hindi naman kailangan.
Alam kong nakikita ko ang mga lalaki na nagpapakita ng kanilang katawan palagi habang nakikipaglaban sa kanila at binubugbog sila pero 'yon ay dahil wala akong ibang pagpipilian. Hindi naman ako pwedeng magbigay sa kanila ng shirt at utusan silang magtakip, sino ba ako para utusan sila.
Baka ako pa ang pagtawanan kaya ang kaya ko lang gawin ay tiisin at isuot ang aking malaking shorts pero ngayon, hindi ako magsisimulang tumingin kay Lev. Mali 'yon, sa lahat ng kahulugan ng salita.
"Pagkatapos mo, sa tingin mo makakapanood ka?" Umaasa ang tono ng boses niya at siguradong wala akong puso kung sasabihin ko sa kanya na hindi ako manonood kaya tumango na lang ako, pumayag na naroon para magbigay ng moral na suporta.
Naririnig ko ang kanyang ngiti kahit hindi tumitingin at ngumiti ang mga labi ko habang sinusubukang pigilan ito.
Humarap ako ulit pagkatapos ilagay ang bote ko pabalik sa aking bag. Isang katok sa pinto ang nagdala ng atensyon naming dalawa at isang babaeng mukhang bored na may butas sa labi ang sumilip.
"Ikaw na sa loob ng 5 minuto. Sumunod ka sa akin," Impormasyon niya sa isang boses na monotone at tinawag kaming lumabas.
Dinala ko ang aking bag at sumunod, naglalakad sa likod niya na parang nawawalang tuta.
Dahil walang paraan na makapagdala ako ng iba bilang plus one, dinala ko si Levy at maghihintay siya sa gilid ng ring, nakakakuha ng VIP view.
Iniwan kami ng babae sa ibaba ng isang hanay ng mga hagdan na hahantong sa ring na, base sa mga laban na napanood ko, kailangan kong akyatin. May isang lalaki sa tabi ng hanay ng mga hagdan, nakatayo sa parehong posisyon gaya ng lalaking nagpapasok sa amin sa likod ng gusali.
This time lang, may buhok siya sa itaas ng kanyang ulo, nakaporma pataas na parang likod ng porcupines. Sorry, kailangan ko lang talaga.
Inilagay ko ang aking duffel bag sa dibdib ni Levy at nagsimulang mag-warm up sa pamamagitan ng pag-crack ng aking mga buko-buko, pagtataas ng aking mga hita at pag-ikot ng aking leeg. Sa itaas ko, naririnig ko ang mga sigaw at palakpakan ng mga tao. Ang lalaki, pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan, sa wakas kinilala ang aking presensya sa pamamagitan ng pagtango sa akin at itinuro na umakyat ako ng hagdan pagkatapos nang tumunog ang mga speaker, isang boses na nagpapakilala sa akin.
Tumango ako sa kanya nang maikli bago tumakbo pataas ng hagdan, agad na nalubog sa ingay ng mga tao at isang pamilyar na pagmamadali ng adrenaline ang pumasok sa aking sistema kaagad, pinipilit ang aking mga pandama na mag-focus sa lahat ng nakikita at nararamdaman ko.
Kahit na ang mga sigaw at hiyaw ay nagbabanta na bingihin ako, nagpapasalamat ako sa malakas na ingay na nagbigay sa akin ng pakiramdam ng pamilyaridad. Kahit papaano ay pwede kong kunwari na isa na namang laban sa Underground Place. Huminto ako nang makita ko sa wakas ang mga lubid na nakabalangkas sa ring. Pinalabas ang lahat ng mga iniisip sa aking ulo, pinilit ko ang sarili kong mag-isip nang malinaw at ang aking katawan ay lumipat sa Pixie mode.
Sa aking mukha na malinaw na walang anumang ekspresyon at isang nagbabantay na tingin na sumasaklaw sa aking mga tampok, pumasok ako sa mga lubid at pumasok sa arena. Isang spotlight ang sumalubong sa akin na nagbubulag sa akin saglit.
Ang mga paru-paro na nagbabanta na sumabog sa aking tiyan ay tinapakan nang pinaalalahanan ko ang aking konsensya minsan pa na ako ay si Pixie; isang walang takot na street fighter.
Okay ka lang. Na-isip ko sa sarili ko, humihinga ng malalim, inihahanda ang sarili ko. Tumingin ako pabalik, nakita ang mga mata ni Levy at ngumiti siya sa akin, ang kanyang mga mata ay hinihimok akong panatilihin ang aking ulo na nakataas.
Tumango ako sa kanya, humaharap pabalik nang tinawag ang aking kalaban, mental kong inihanda ang aking sarili. Handa na ako.
Tapusin na natin 'to, pwede ba?