Kabanata 169
"Parang 'yung langit nung una mo akong yayain," sabi ko kay Adam habang gumagalaw ako palapit sa kanya para mas ma-enjoy 'yung view ng langit.
"Sana maalala ko kung anong itsura," bulong ni Adam na may buntong-hininga habang nakatingala pa rin kami sa kalangitan.
"'Wag ka mag-alala, mas magical 'yung pangalawang beses mo ginawa 'yun," biro ko na kinatawa ni Adam.
Tumingala ako sa langit, pinagmamasdan kung paano kumikislap 'yung isang star. Hinayaan kong balik-balikan 'yung panahon na nahulog ako kay Adam ulit.
"Adam, akala ko pupuntahan natin 'yung papa mo at 'yung mga bata?" luminga-linga ako, naguguluhan.
Itong mokong na 'to, sinundo ako gabi na kasi gusto ni Jerry na magkasama kaming kumain at baka naligaw kami nitong mokong na 'to papunta sa restaurant.
Tahimik lang si Adam habang hawak niya 'yung kamay ko at nagpatuloy sa paglakad.
"Naligaw tayo, 'di ba?" inikot ko 'yung mata ko.
Tumingin sa akin si Adam mula sa balikat niya, itinaas niya 'yung kilay niya. Napatawa siya sa walang ekspresyong mukha ko.
"Hindi tayo naliligaw, Case. Malapit na tayo," sagot sa akin ni Adam na mahinahon.
Pinark namin 'yung kotse kanina at naglalakad na lang kami ngayon. Naglalakad kami sa parang nature reserve park.
Kahit sigurado ako na naliligaw kami, 'yung tiyak na mga hakbang ni Adam ang nagpapaisip sa akin na ako lang 'yung naliligaw dito. Mga 10 minuto na kaming naglalakad sa daan na 'to at nagpapasalamat ako na hindi ako nagsuot ng takong.
Pero, naka-dress lang ako na manipis at hindi ako nag-isip na magdala ng jacket kasi akala ko nasa loob lang kami buong gabi.
Tigil na nga sa pag-aakala.
May malamig na hangin na dumampi sa amin at agad akong kinabahan. Pinigilan ko 'yung sarili ko na lumapit kay Adam at gamitin siya bilang proteksyon ko sa hangin.
Personal space, Case, may personal space ang mga tao.
Nagiging close ulit kami ni Adam simula nung hindi na ako lumalaban at 'yung nararamdaman ko tuwing nakikita ko 'yung dating Adam ay hindi maipaliwanag.
Kahit gaano pa kami ka-close ngayon, alam ko 'yung limitasyon ko. Hindi siya akin na kakapitan. Kaibigan ko siya at wala nang iba.
Kaibigan ko na may extra-friendly feelings ako sa kanya. Kaibigan ko na gusto kong yakapin.
At halikan.
Huwag!
Ginamit ko 'yung kamay ko na hindi hawak ni Adam para yakapin 'yung sarili ko at hinimas ko 'yung braso ko para uminit.
Hindi ako sigurado kung nangangatog ako sa lamig o sa iniisip ko.
Parang napansin ni Adam 'yung lamig at huminto siya sa paglalakad sandali para hubarin 'yung denim jacket niya at isampay sa balikat ko.
Magsasalita na sana ako nang nilagay niya 'yung daliri niya sa labi ko at pinatahimik ako.
'Yung pakiramdam nung magaspang niyang daliri sa labi ko ay nagulat ako at muntik na akong napatalon. Buti na lang nakapagpigil ako bago ako nagmukhang tanga sa harap ni Adam.
"Salamat," bulong ko kay Adam habang mahigpit kong hinawakan 'yung jacket para protektahan 'yung sarili ko sa lamig.
Humakbang ako ng ilang beses, handa nang magpatuloy sa paglalakad namin nang hinila ako ni Adam sa tabi niya at naglakad ulit.
"Um, Adam?" nag-aalangan kong tanong, sumusulyap sa mukha niya mula sa pilikmata ko habang tumitingin siya sa akin.
Umungot siya bilang sagot, iniiwas 'yung tingin niya at nakatingin sa dinadaanan niya.
"Ano 'to?" tinuro ko 'yung braso niya.
Tumingin 'yung mata ni Adam para makita 'yung tinuturo ko at kumunot 'yung labi niya sa palagay ko ay pagkaaliw.
"Pinaiinit ka," sabi niya.
Tumahimik ako pagkatapos nun, walang masabi.
Pumupukaw talaga ako, kaya may point siya.
Pagkatapos ng ilang minuto na paglalakad, nakarating kami sa isang malaking lawa na may maliit na pavilion malapit dito.
'Yung pavilion may fairy lights na nakasabit sa paligid. Nagbigay liwanag 'yung mga ilaw sa pavilion at nagbigay ito ng magical feel sa lugar.
Sa pavilion ay may mesa para sa dalawa, 'yung mesa ay natatakpan ng puting mantel. Sa ibabaw nito ay may dalawang nakatakip na pinggan, dalawang baso ng wine, isang bote ng wine sa ice filled bucket at mga kandila.
"Isara mo 'yung bibig mo bago ka kumain ng langaw, Case," ang nagbibirong boses ni Adam ay nagpabalik sa akin mula sa trance na kinatatayuan ko at agad kong isinara 'yung bibig ko.
"Ano 'to?" lumingon ako kay Adam, naguguluhan. Sa magandang paraan, siyempre.
"Ipaliwanag ko mamaya, pero tingnan muna natin ng malapitan," ngumiti si Adam sa akin, "Tara?"
Hinawakan ko 'yung nakalahad niyang kamay at hinayaan ko siyang gabayan ako palapit sa pavilion.
Sa isa sa mga upuan ay may maliit na bulaklak na kinuha ni Adam at iniabot sa akin.
Kinuha ko 'yun pagkatapos mag-alinlangan sandali, hindi sigurado kung anong laro 'yung nilalaro niya.
Oo, may nararamdaman ako sa kanya at oo, malamang matutunaw ako ngayon kung aaminin niya na may nararamdaman din siya para sa akin pero ayaw kong umasa baka venue survey lang 'to o kung ano man.
(A/N: Posible 'yun, okay!)"Adam, ano 'to?" tanong ko sa kanya, hindi sigurado kung ano 'yung iisipin.