Kabanata 142
Napahigpit ako ng ngipin ko, tinitigan ko yung phone ko ng galit habang dinadial yung number ni Preston. Kailangan niyang katukin yung walang kwentang utak ni Adam. Gets ko na hindi niya ako maalala at hindi niya ako kilala tulad ng dati bago yung aksidente pero hindi dahilan 'yun. Grabe yung mga paratang niya sa akin. Gusto kong iuntog yung ulo ko sa pader para mas lumala pa yung bukol sa ulo ko.
\Pagkatapos kong maupo sa couch, hawak-hawak yung ice cream ko, tinawagan ko si Adam para sabihin sa kanya yung nalaman ko.
"Hello?" Boses niya parang garalgal tapos nag-clear siya ng lalamunan, inulit niya yung pagbati niya.
"Adam, si Kiara nagtatrabaho para kay Dom." Direkta kong sinabi, ayokong paliguy-liguy pa. Natakot ako kung gaano kalapit ng mga tao ni Dom sa pamilya ni Adam. Magkasama yung mga bata at si Kiara tapos hinayaan ko lang 'yun.
"Case, ang galing mo magbiro. Si Kiara mabait na tao at hindi niya gagawin 'yun sa hayup na 'yun." Naguguluhan at hindi naniniwala yung boses ni Adam.
"Kailangan mo akong pagkatiwalaan, nakita ko siya kasama yung isa sa mga lalaki ni Dom sa park. Kasama niya sila," bulong ko sa kanya, inilayo ko yung tub ng ice cream sa ulo ko para sumubo ulit, sinusubukang palamigin yung nagniningas kong puso. Nakakabwisit 'tong lalaking 'to gusto ko siyang yugyugin hanggang sa mahulog yung ulo niya.
"Case, alam kong nasaktan ka pero hindi ko inakala na aabot ka sa ganito. Alam kong hindi kita masyadong maalala, pero alam ko na hindi ako mai-in love sa taong gagawin ang lahat para sirain yung relasyon ng iba para makuha yung gusto niya. Dismayado ako sayo, Case." Nag-rant siya at doon ako napamura sa inis at binabaan ko siya ng telepono. Kung hindi siya magtitiwala sa akin, sayang lang yung laway ko kakumbinse sa kanya. Tawagan ko na lang si Preston o si Jerry.
Alam ko na nawalan siya ng alaala at lahat ng 'yun pero hindi 'yun nagbibigay sa kanya ng karapatan na pagdudahan yung mga motibo ko. Nangangati yung kamay ko na isigaw sa kanya lahat ng klaseng mura pero nagpasya ako na sayang yung laway ko sa walang kwentang bagay.
Hinintay ko na sagutin ni Preston yung tawag pero diretso sa voicemail niya. Muntik ko ng binato yung phone ko sa dingding sa sobrang inis. Sinubukan ko agad yung number ni Jerry. Kung hindi 'to gumana, pupunta ako sa kanila. Hindi ko hahayaang malapit yung bitch na 'yun sa mga Jones kahit kailan.
Dinial ko yung number ni Jerry. Pagkatapos kong sabihin yung mabilis kong dasal sa Diyos, may sumagot na sa telepono. Agad kong sinabi yung pasasalamat ko bago binati yung taong nasa kabilang linya.
"Hello?" Excited kong tanong.
"Casey?" Boses ni Pio yung narinig ko at napabuntong hininga ako sa ginhawa.
"Oo, ako 'to si Casey, Pio. Nasaan si Papa mo o si Preston, sweetheart? Pwede mo ba silang ibigay yung telepono?" Malumanay kong tanong, sinusubukang hindi siya takutin.
"Si Pres-ton nandito," halos tumawa ako kung paano siya nadulas sa mga salita niya habang sinusubukang bigkasin yung pangalan ni Preston pero bumalik ako sa focus.
"Pwedeng ibigay mo sa kanya yung telepono, Pio? Kailangan ko siyang makausap," kinumbinse ko siya, umaasa na nasa 'good boy' moments siya at makikinig siya sa akin.
Hindi pa nakakasagot si Pio, narinig ko yung boses ni Preston na sumisigaw.
"Pio? Sino sa telepono?" Narinig ko si Pio na sumagot sa kanya, binabanggit yung pangalan ko bago nag-shuffle yung telepono at ipinasa.
"Case? Anong meron?" Tanong ni Preston sa akin at parang nakahinga ako ng maluwag.
"Salamat naman, sinubukan kong tawagan lahat. Bakit hindi mo sinagot yung telepono mo? Hindi, hindi importante 'yun ngayon. Si Kiara nagtatrabaho kay Dom, huwag mo siyang palapitin sa mga bata at huwag mo siyang pagkatiwalaan!" Nagmamadali kong sinabi.
"Whoa, whoa. Sigurado ka ba dito? Dahil yung taong hindi ka masyadong kilala baka isipin na nagaakusa ka dahil nagseselos ka," Biro ni Preston na hindi sigurado at napahagulgol ako.
"Alam mo 'yun," nagmumura ako sa ilalim ng aking hininga at sinimulang ipaliwanag kung paano ko nalaman. "Nakita ko siya na nakikipag-usap sa isa sa mga lalaki ni Dom sa park at agad ko siyang hinarap. Kasama niya si Dom, sigurado ako."
"Nasabi mo na ba kay Adam 'to? Ibig kong sabihin siya yung pinakamalapit sa kanya." Seryosong tanong sa akin ni Preston sa pagkakataong ito at agad kong nalaman na naniniwala siya sa akin.
"Sinubukan ko na. Siya yung unang taong tinawagan ko noong nalaman ko pero mukhang yung amnesia niya hindi lang nakakaapekto sa kanyang mga alaala, nakakaapekto din sa kanyang pagtitiwala sa mga tao. Akala niya nagseselos ako at sinusubukang sirain sila dahil sa mga sinasabi ko. Na, sabihin na natin, nakakatawa! Mukhang ngayon, 'nandidismaya siya sa akin'. Ibig kong sabihin, oo, nawala yung mga alaala mo, pero hindi ako nagsinungaling sa kanya simula ng nagtapat ako sa kanya tungkol sa pag-alis ko sa kanya, hindi ba dapat bigyan niya ako ng kahit kaunting kredito?" Nag-rant ako kay Preston habang sinusubukan kong patayin yung apoy na nagliliyab sa sistema ko sa pamamagitan ng pag-uusap.
"Kalma ka lang, Case. Pupuntahan ko siya, okay? Titiyakin kong maiintindihan niya na hindi ka ganun na babae. Siguro kailangan niyo lang ng muling pagpapakilala sa isa't isa. Ibig kong sabihin, tignan natin yung mas magandang parte, si Kiara wala na sa eksena ngayon at pwede niyo ng buuin ulit yung relasyon na meron kayo. Yay para sa Cadam!"
Sa pagbanggit ng 'Cadam' inilayo ko yung telepono ko sa aking tainga at sinuri ko kung sino yung tinatawagan ko para matiyak na hindi ako nakikipag-usap kay Penelope. Siya siguro yung nag-iisang nagbigay sa akin ng 'ship' talk.
Nang pinindot ko ulit yung telepono sa aking tainga, narinig ko si Cali na nagtanong kay Preston, "Anong problema kay Kiara?"
Agad sumagot si Preston, "Masama si Kiara. Tandaan niyo mga bata, Kiara - masama, masama, masama. Okay?" Halos natawa ako kung paano niya sinasabi sa mga bata na lumayo kay Kiara.
"Ibig sabihin ba nito magiging girlfriend ulit ni Adam si Casey?" Narinig ko si Cali na bumulong sa background at napanganga ako sa gulat. Akala ko palagi niyang iniisip na kami pa rin ni Adam.
"Posible, maliit na bata," Masayang sabi ni Preston habang nakabalik sa telepono kasama ako.
"Titiyakin kong hindi siya makakalapit sa mga bata at susubukan kong kausapin si Adam. Sasabihin ko sa kanya na tawagan ka pagkatapos kong katukin yung utak niya," Paniniguro sa akin ni Preston. Napaupo ako sa couch, itinuloy ko yung pagkain ko sa frozen sweet.
"Salamat, Pres. Tatawagan kita minsan." Nagpasalamat ako sa kanya.
"Sige. Mag-iingat ka, Case. Alam kong hindi ka titigil sa kompetisyon na 'yun anuman ang sabihin ko pero mag-iingat ka lang, okay? Alagaan mo sarili mo." Ngumiti ako sa kung paano siya nag-aalala sa akin. Pakiramdam ko hindi niya kailangang mag-alala pero ayaw kong lumaki ang ulo ko at isipin na hindi ako matatalo. Kailangan ko pa ring magsanay at pag-aralan yung mga galaw ko.
"Okay, Pres. Ikaw din mag-ingat ka. Sabihin mo kay Adam na kung balak niyang makipagkita pa kay Kiara pagkatapos malaman ang lahat ng ito, ako mismo ang magkakapon sa kanya," Dark kong sinabi, habang isinusubo ulit yung kutsara ng ice cream sa bibig ko habang ipinapasa yung banta.
"Okay, ngayon para kang psycho ex-girlfriend," Bumulong si Preston, na nagpatawa sa akin.
"Nakita mo? Sabi ko sa'yo! May malaking pagkakaiba sa pagiging psycho ex-girlfriend at sa pagsasabi lang ng mga katotohanan!" Sigaw ko bago kinailangan nang umalis ni Preston at nag-hang up kami.
Naiinis pa rin ako kung paano hindi nagtitiwala sa akin si Adam. Kalahati ng isip ko na magmaneho papunta sa bahay niya para lang sampalin siya dahil nagdududa siya sa mga motibo ko.
Paano niya iisipin na kumikilos lang ako dahil sa selos?
Syempre hindi ko itatanggi na hindi ako medyo masaya na yung girlfriend niya naging masamang tao. Pero kaunting kasiyahan lang yun. Okay, siguro malaking kasiyahan pero hindi ko aaminin 'yun kaninuman kundi sa sarili ko lang.
Isinara ko yung tub ng ice cream na kalahati na yung laman at itinago ito sa freezer ko bago nag-inat. Naramdaman kong nag-cramping yung mga gilid ko at agad na tumigil, pinipindot yung spot na may cramping para pilitin itong mag-relax.
"Aw, aw, aw," Bulong ko bago bumuntong hininga noong naramdaman kong nag-relax na ito. Tiningnan ko yung orasan na nakasabit sa dingding at nagpasya na oras na para mag-ensayo. Hindi pa ako nakakapagsanay ng matagal pero salamat naman, may mga oras tulad kanina na pinananatili akong alerto. Kahit papaano maiisip ko yung laban na 'yun bilang sparring na nakakatulong sa akin na mag-ensayo.
Pumunta ako sa aking kwarto para magpalit ng damit pang-ensayo at nagpunta sa gym room para simulan yung punching bag.