Kabanata 197
Kumatok ako sa doorbell at naghintay ng ilang minuto para sagutin ni Dom at papasukin ako.
Gusto ko sanang luminga para tignan kung may nanonood sa akin habang naghihintay ako pero ayoko manghula ng mga taong nanonood kung meron man. Ayokong bigyan pa sila ng dahilan para maghinala na may tinatago ako.
Kasi meron nga, at hindi naman nila dapat malaman 'yon.
Sabado ng hapon at sobrang nakakasilaw kaysa gusto ko. Tinatamaan ng araw ang likod ko at nag-uumpisa nang hindi komportable, kaya kumatok ako sa pinto para madaliin si Dom.
"Darating na! Kalma lang!" mura ni Dom mula sa likod ng pinto habang gumagalaw 'yung pinto at bumukas. Umalis sa gilid si Dom nang makita niyang ako at pinapasok ako. "Andito ka na pala."
"Nalaman mo na ba kung paano natin 'to magagamit?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa drawer kung saan nakatago 'yung file na may lahat ng ebidensya na nakalap namin sa nakaraang taon.
"May ideya ako kung ano ang gagawin dito," bulong ko habang binubuksan ko 'yung drawer at kinuha 'yung pangatlo mula sa ilalim na file sa tumpok.
Tumingin sa akin si Dom, tahimik na hinihikayat akong magpaliwanag kung ano 'yung sinabi ko.
"Pinakilala ako ni Papa sa kaibigan niyang high school kahapon sa hapunan, isa siyang Heneral. Iniisip ko na pwede natin siyang hingan ng tulong. Dahil Heneral siya, siguradong may koneksyon siya na pwede ilagay sa magandang gamit 'yung mga ebidensyang 'to," ibinahagi ko sa kanya 'yung ideya ko. Hindi ako nakatulog kagabi, sinusubukang isipin kung ano 'yung nakaka-bother sa akin tungkol sa nangyayari sa grupo no'ng dumating sa akin 'yung ideya.
Parang tanga ako dahil hindi ko agad naisip 'yon pero mas mabuti nang huli kaysa wala, 'di ba?
Sinara ko 'yung file at tumingin kay Dom. "Kukunin ko 'yung file at mag-aayos ng oras para makipagkita sa kanya at ibibigay ko mismo sa kanya."
Tumango si Dom, nakatingin sa file bago tumingin sa akin. "Mag-ingat ka," sabi niya.
Ngumiti ako sa kanya, hinahaplos 'yung balikat niya. "Malapit na. Matatapos na rin lahat 'to."
"Buti naman," sinabi niya 'yon na may halong biro. Pero alam ko na seryoso siya. At tama siya, oras na para tapusin na natin 'tong gulo. Matagal na tayong nakakulong, nakayuko, tumatakbo kapag sinabihan na tumakbo at kumukuha kapag sinabihan na kumuha. Oras na para lumaya tayo.
Dumating 'yung bagong mensahe sa telepono ko at kinuha ko 'yon sa bulsa ko para makita kung sino 'yon.
Napatingin ako kay Dom, "Si Casey. Gusto niya akong sunduin sa bahay ng kaibigan niya. Kailangan ko nang umalis."
Tumango si Dom, hinatid ako palabas ng bahay. Lumakad ako papunta sa kotse ko at binuksan 'yung pinto papuntang driver's seat. Nagwave ako kay Dom bago ako umupo sa kotse at pinaandar 'yung makina.
Itinago ko 'yung file ng ebidensya sa dashboard ng kotse para sa kaligtasan. Kinabit ko 'yung seatbelt ko at inilipat 'yung gear, inalis 'yung park at nagmaneho, sinundan 'yung direksyon na binigay ng GPS ng kotse para makapunta sa address na binigay ni Casey.
Naghihintay na si Casey sa akin sa labas, sa may gate. Kumunot 'yung noo ko habang lumalapit siya sa nagpapabagal na kotse.
Nang huminto 'yung kotse, binuksan niya 'yung pinto at sumakay sa passenger seat, walang salitang kinabit 'yung seatbelt niya na may pag-click at nagkrus 'yung braso niya sa dibdib niya nang may pagmamataas.
Umalis ako sa bahay, paminsan-minsan ay sumusulyap sa kanya para siguraduhin na hindi siya sasabog anumang oras. Nagiging pula 'yung mukha niya at kung posible lang, lalabas 'yung usok sa tenga niya ngayon.
Pagkatapos ng ilang minuto na parang oras ng katahimikan, sa wakas hindi ko na napigilan 'yung tanong ko sa sarili ko at tinanggap 'yung elepante sa kotse na sumasakal sa akin.
"Okay, anong nangyari?"
No'n pa man ay tila sumabog na si Casey. At ang ibig kong sabihin ay sumabog.
Binigay niya 'yung pinakamalakas, pinaka-frustrate at masakit na sigaw na narinig ko sa kanya.
Napa-talon ako, hindi inaasahan 'yung biglang pag-atake sa aking mga tenga, na naging dahilan para gumewang ng konti 'yung kotse bago ituwid 'yung manibela. Nagmura ako nang malakas, "Shit, Case! Huwag mong gawin 'yan!"
Dahil do'n, nagsimula siyang umiyak, nagulat ako.
Anong nangyayari?
May bipolar disorder ba 'yung kapatid ko na hindi ko alam?
Sinuri ko 'yung side mirror ko para sa mga kotse na nasa likod ko bago i-on 'yung blinker ko para tumabi.
Huminto ako sa gilid ng kalsada para ganap na ituon 'yung atensyon ko sa kapatid kong babae na naghihisterya sa tabi ko.
"Nai, "hikbi" "sana" "hikbi" "sobra" "hikbi" "galit."
Pinunasan niya 'yung mga mata niya ng agresibo, mabilis na tumataas at bumababa 'yung dibdib niya na para bang tumatakbo siya ng marathon. Umiiyak siya nang sobrang lakas at sobrang naguguluhan kaya nagsimula siyang mag-hiccups kasama 'yung mga hikbi niya.
Kinuha ko sa ilalim ng pinto ng kotse ko 'yung bottled water na palagi kong iniingatan doon bago ko 'yon inalok sa kanya.
"Okay ka na ba?" tanong ko sa kanya nang hindi na gaanong mababaw at mabilis 'yung paghinga niya kagaya ng ilang minuto na nakalipas.
Tumango siya nang walang imik.
Sinuri ko ulit 'yung sideview mirror ko at nakita 'yung flash ng asul at pula. Highway patrol. 'Yon 'yung senyales ko para magpatuloy sa pagmamaneho. Hindi ako dapat huminto dito.
Inilipat ko ulit 'yung gear stick, tinapakan 'yung gas. Umusad ulit 'yung kotse habang patuloy na pinupunasan ni Casey 'yung luha niya nang kasing bilis ng pag-alis nito sa kanyang mga mata.
"Okay ka na ba?" tanong ko sa kanya nang medyo huminahon na siya.
Umiling siya, 'yung labi niya ay bahagyang naka-usli na kagaya ng palagi niyang ginagawa kapag hindi siya masaya.
"Anong nangyari?" tanong ko ulit, umaasa na hindi magti-trigger 'yung isa pang alon ng emosyonal na pagsabog.
Huminga siya nang malalim sa ilong niya bago bumuga nang dahan-dahan sa bibig niya at sa wakas nagsimula na siyang magsalita nang maayos.
"May mga babae doon sa bahay na galingan natin," nagsimula siya.
Tumango ako nang dahan-dahan, pinapaalam sa kanya na nakikinig ako habang nananatili 'yung mga mata ko sa daan para siguruhin na hindi kami mamamatay sa daan.
"Sila 'yung mga sikat na babae sa klase ko. Hindi talaga ako nakakasama sa kanila, hindi talaga nag-click, tingin ko," humihikbi siya, kumuha ng tissue at sinipsip 'yung ilong niya bago siya nagpatuloy.
"Inimbitahan nila 'yung mga kaibigan ko para sa isang maliit na babaeng pagtitipon o ano man at kinaladkad ako ng mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung bakit sila ganon, siguro pakiramdam nila sumama ako nang hindi iniimbitahan o ano, hindi ko alam," nagdadabog siya.
"Case..." tumigil ako, pinaalalahanan siyang bumalik sa paksa.
Bumuntong-hininga siya, "Tama. Anuman, kinorner nila ako at sinabi nila sa akin na hindi ako magkakasya. Na 'tinanggap' lang ako dahil kapatid kita at wala ako kung wala ka."
Gumawa ako ng mukha doon, "Ano?"
May isang bagay na alam ko na sigurado, si Casey ang pinakamatamis, pinakamabait na babae na nakilala ko sa buong buhay ko. Ibig kong sabihin, natutuwa 'yung babae sa pagtulong sa iba kahit wala siyang nakukuha kapalit. Literal na pinapasaya 'yung babae sa pagtulong sa mga tao. Magiging magaling pa rin siyang tao na mayroon o wala ako. Alam ko na mas magaling siyang tao kaysa sa akin.
"Case..." nagsimula akong magsalita, pero pinutol niya ako na may pag-iling ng kanyang ulo.
"Alam ko kung ano 'yung sasabihin mo at alam kong tama ka pero sa ilang dahilan hindi ko kayang alisin 'yon, Bry. Parang kailangan kong patunayan 'yung sarili ko. Kailangan kong pumunta sa party na 'yon," sinabi niya 'yung huling pangungusap na mas para sa kanyang sarili kaysa sa akin.
Sinulyapan ko siya at nakita 'yung ekspresyon sa mukha niya at agad kong nalaman na walang masasabi ako na makakapagpabago ng isip niya. Pwede maging matigas ang ulo ng kapatid ko kapag pinili niyang maging ganon. Walang makakakumbinsi sa kanya maliban na lang kung papayagan niya silang manalo.
"Anong party?" tanong ko nang nag-aalala, hindi sigurado na gusto ko talagang malaman kung ano 'yung sinasabi niya.
"Party ni Patrick," sagot niya.
Agad dumating 'yung sagot ko at matindi itong "Hindi."
Nakita ko 'yung ulo niya na lumingon para tignan ako mula sa peripheral vision ko.
"Bakit hindi?" alam ko sa tono niya na handa siyang suwayin ako anuman ang sabihin ko.
"Hindi lang, Case. Ayokong maiugnay ka sa kahit sino mula sa grupong 'yon," sinabi ko sa kanya nang matatag. Pwede mong isipin na nagiging malupit ako o hindi makatuwiran pero hindi naman, sa totoo lang. Hindi ako 'yung tipo ng kapatid na hindi makatuwirang protektibo. Oo, sobrang protektibo ako sa kapatid kong babae pero hindi ako aabot sa pagbabawal sa kanya na pumunta sa mga party. Teenager siya at kapatid niya ako, hindi niya mga magulang. Pwede ko lang siyang sundan sa nasabing party at manood mula sa malayo para siguruhin na masaya siya habang ligtas siya a.k.a. siguraduhin na walang susubok na lagyan ng gamot 'yung inumin niya at subukan na gawin ang anumang nakakatawa sa kanya.
Alam kong hindi ko dapat sabihin 'to tungkol sa sarili kong uri pero kung minsan ay nakakagulat na mababa ang mga lalaki. Hindi ko man lang mapagkakatiwalaan 'yung mga tao sa sarili kong kasarian.
"Sabihin mo sa akin kung bakit, o pupunta ako," pagpipilit niya.
"Hindi mo ba alam kung sino 'yung mga kasama ni Patrick? Anong uri sila ng mga tao?" itinapon ko 'yung mga kamay ko sa hangin sandali para bigyang-diin 'yung punto ko bago ko ibinalik 'yon sa manibela.
Nagpagulong 'yung mga mata ni Casey na para bang hindi ako makatuwiran.
"Party lang 'yon, Bry. Maraming ibang tao doon. Hindi niya ako kayang ipag-isa; wala siyang dahilan para gawin 'yon," nangatwiran siya sa akin.
Hinigpitan ko 'yung hawak ko sa manibela para pigilan 'yung sarili ko sa paglalantad ng mga gawain ko sa nakaraang taon para lang mapatunayan 'yung paranoia ko. Pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanya, "Oo, kaya niya, dahil sa teknikal na paraan nagtatrabaho ako ng palihim sa Mafia gang na 'to at ang kaibigan ni Patrick, si Jax, ay kasama rin doon at kung gumawa ako ng mali kahit isa, baka isumbong niya ako at ipapatay o siya mismo ang papatay sa akin - kung kaya't baka o baka hindi niya target ka dahil ikaw ang kapatid ko at hindi ka naman talaga niya gusto sa simula pa lang."
Oo, hindi ko iniisip na magiging maganda 'yon.
Sa halip, ibinalik ko 'yung atensyon sa kanya. "Bakit ka ba gustong-gusto pumunta?"
Tumahimik si Casey bago niya nilingon 'yung katawan niya para humarap sa harap at idinikit niya 'yung mga mata niya sa daan sa harap namin sa halip na sa mukha ko.
"Sinabi nila sa akin na hindi ako magkakasya sa isang party na kagaya ng kay Patrick," sabi niya nang may pag-aalala.
Umiling ako. Anong nangyayari sa mga ulo ng mga babaeng ito?
"Anong kaugnayan na dapat na umiral dito sa pagiging kasya at pagdalo sa isang party?" tanong ko para linawin at siguro maintindihan 'yung paraan ng pag-iisip ng mga babaeng ito.
Nagkibit-balikat si Casey na para bang hindi rin niya masyadong naintindihan. "Hindi ko alam, siguro ang pagtapak sa isang party ay awtomatikong nagpapakita na cool ka o ano."
'Yon lang ang naging dahilan para mas umiling pa ako. May mali talaga sa ulo ng mga babaeng ito.
Lumingon si Casey sa akin pagkaraan ng ilang sandali. "Please, Bry? Kailangan ko talaga 'to. Hindi ako pwedeng hindi sumipot sa party pagkatapos nung ginawa ko sa bahay na 'yon sa harap ng lahat ng mga babaeng 'yon. Alam mo kung paano 'yung mga bata sa edad natin ngayon. Alam mo kung gaano kalupit 'yung social food chain, 'yung mga panuntunan nito at lahat ng kalokohan na 'yon. Kakainin nila ako nang buhay."
Kinagat ko 'yung loob ng mga pisngi ko. Sa isang banda, tama siya pero sa kabilang banda, hindi ko maalis 'yung pakiramdam ko kapag iniisip ko siyang pupunta sa party ng isang taong malapit na maiugnay sa isang kagaya ni Jax. Hindi ko gusto siyang madamay sa isang bagay na hindi niya man lang alam na umiiral.
Hindi ko gusto siyang magkamali kagaya ng mga nagawa ko.
"Bukod pa do'n, hindi pa ako nakapunta sa isang party dati dahil hindi ako interesado do'n at palagi mong sinasabi na minsan ka lang mabubuhay yada yada yada, kailangang subukan lahat kahit minsan para malaman kung ano 'yung pakiramdam yada yada yada, makakuha ng karanasan yada yada yada-"
"Okay, okay, okay, naintindihan ko na. Papayagan kitang pumunta. Pero hindi ka magtatagal do'n ng higit sa ilang oras, narinig mo ba ako? 3 oras lang," sinabi ko sa kanya.
"4?" nakipag-ayos siya.
"Gawin mo nang 2," sagot ko nang hindi na kailangang mag-isip nang dalawang beses.
"3 na," sabi niya nang walang pag-aalinlangan.
Ngumiti ako nang may kasiyahan.
"Kailan 'yung party?" tanong ko sa kanya.
"Sa ilang araw."
"Pupunta ba 'yung mga kaibigan mo?" sinulyapan ko siya.
Tumango siya, "Oo, sasamahan ko lang sila."
"Matalino," tumango ako nang may pag-apruba.
"Salamat, Bry," ngumiti siya, lumingon para tignan ako.
"Mag-ingat ka lang. 'Yon 'yung paraan kung paano mo ako pasasalamatan," sinabi ko sa kanya nang hindi inaalis 'yung mga mata ko sa daan.
Tumango siya, nakangiti.
Itinikom ko 'yung panga ko, iniisip kung tama 'yung ginawa ko doon.