Kabanata 46
Ang daming bagay sa mundo na kayang magpagulo ng puso mo.
Ang kilig ng pagsakay sa roller coaster.
Ang adrenaline sa pakikipaglaban.
Ang pagkikita niyo ng crush mo.
'Yung biglang sasampalin ka ng realidad at mare-realize mo na mamamatay ka na.
'Yung hihilahin ka ng chimpanzee na nakakapit sa paa mo.
Pero sa sandaling 'yon, nakadiskubre ako ng bago at nagdagdag sa pinaka-ibaba ng listahan.
'Yung date mo na nakaharap ang kalaban mo sa away na pinagbawalan ka niyang sumali at posibleng malaman na nakikipaglaban ka para sa pera para makatulong sa gamot ng nanay niya.
FML.
"Sino. Ka. Ba. Talaga," naiiritang sabi ni Adam, nakatayo na at isang hakbang sa likod ko.
Ngumisi sa kanya 'yung lalaki. "Oh, may boyfriend ang munting fighter?"
Kinabahan akong pinanood silang nagtitinginan nang masama, palipat-lipat ang tingin ko sa kanila.
"Well, 'tong boyfriend na 'to, sasapakin ka kapag hindi ka pa umalis," mahinang ungol ni Adam para walang ibang makarinig. Nabilaukan ako nang lumabas 'yung mga salita sa bibig niya.
'Wag ka ngang Case. Hindi 'to oras para umarte na parang kinikilig na fan-girl sa crush niya. Hayop. Wala bang batas laban sa pagkilala sa dating kalaban mo sa publiko?
"Okay, lumabas na lang tayo, pwede?" mahinang suhestiyon ko at 'yung naka-simangot na mukha, binigyan ako ng babalang tingin, hinahamon akong umalis bago tumalikod at lumabas sa maliit na fast food restaurant kasunod 'yung lalaki.
Agad akong humarap kay Adam at sinubukang pakalmahin siya, binabalaan siya sa kung ano ang mangyayari.
"Ipapaliwanag ko lahat mamaya. 'Yan 'yung lalaking nakalaban ko at natalo siya sa akin. Malamang hihilingin niya ulit ng suntukan kaya kahit anong mangyari, 'wag kang makisali at 'wag kang tatanggap ng suntok," dali-dali kong sabi sa kanya.
Parang aalma pa siya pero binigyan ko siya ng tingin at inilabas siya sa restaurant.
Bakit ngayon pa, Diyos ko? Bakit ngayon pa sa lahat ng araw? Gusto ko lang umuwi, i-lock 'tong araw sa 'best memory' box at matulog na lang. Lalo kong iniisip, lalo akong nainis sa lalaking 'to dahil sa pag-istorbo sa date namin.
Motherfucker.
Nagayos ako para dito at hindi niya sisirain 'to dahil lang masyado siyang duwag para tanggapin na natalo siya sa akin. Alam kong babae ako, pero bro, kapag natumba ka ng babae sa isang kompetisyon, magpakatalino ka at tumakbo na sa kabilang direksyon kasi 'yung posibilidad na nagkataon lang o beginner's luck lang ay kasing baba ng IQ mo.
Hindi ko hahayaang makuha ng gago na 'to ang gabi ko.
Madilim sa labas habang humaharap ako, hinahanap 'yung hayop na nagsimula nito para masapak ko siya. Nakita ko siya sa bunganga ng isang iskinita at naglakad ako palapit sa kanya. Sino ba 'tong akala niya, sinusubukang sirain ang perpektong date night dahil sa siraulo niyang ego?
"Nasaan 'yung kaibigan mo?" naiiritang tanong ko, palinga-linga.
"Wala kang pakialam," sagot niya at umatras ako ng kaunti nang itaas niya 'yung kamay niya na parang sa kanya na rin gumagalaw. Parang na-realize niya 'yun kaya ibinaba niya. Kinabahan ako. May mali sa lalaking 'to; may nakakatakot.
Pinananatili kong walang emosyon ang mukha ko habang nakatingin sa kanya.
Hindi ko siya ipapakitaan ng kahinaan.
"Alam mo, girly. Nagpigil ako ng husto sa'yo. Kung hindi ka lang babae, may tsansa pa sana akong makuha 'yung 10 grand." Nagsimula na siyang magsalita at nilagay ko 'yung tenga ko sa lala mode; papasok sa kanang tenga, labas sa kaliwang tenga.
Pinanood ko siya na parang tulala at nang tumigil na siya, nakinig na ako sa sasabihin niya. Sumusumpa ako; kung sasabihin niya ulit 'yun, babasagin ko 'yung ulo niya sa pader nang hindi na naghihintay ng paliwanag.
"Ano bang gusto mo?" sigaw ko sa kanya, inis pa rin dahil sa pag-istorbo niya sa gabi ko at lumilitaw 'yung mukha niyang unggoy sa paningin ko.
Sinamaan niya ako ng tingin, walang bago do'n.
"Gusto ko ng rematch. Obviously, nandaya ka."
Sumulyap ako nang palihim kung saan nakatayo si Adam; nanonood sa amin na parang lawin pero buti na lang, hindi niya naririnig.
"Kung anong nangyari sa arena, do'n lang dapat. Ayaw na kitang makita kahit saan sa buhay ko at kahit magkasalubong tayo, hindi tayo magkakilala at estranghero tayo sa isa't isa," singhal ko sa kanya.
"At sino ka para utusan ako?"
"Hmm, tingnan natin. Oh, tama! Ako 'yung bitch na nagpatumba sa'yo, 'yung napakahina mong kalaban," sagot ko nang may sarkastikong tono, dahilan para mang-uyam siya at tingnan ako na parang ininsulto ko 'yung puppy niya.
"Sino ba 'yung tatawagin mo 'yung sarili mo na bitch, retarded ka ba?" ungol niya sa ilalim ng kanyang hininga pero narinig ko lahat ng salita, tinaasan ko siya ng kilay na parang natutuwa.
"Tinatawag ko 'yung sarili ko na bitch dahil hindi ko kailangan ng mga side-hoes na katulad mo na naglalakad at tinatawag akong gano'n at pwede mo akong tawaging retard kung gusto mo dahil alam nating lahat kung sino 'yung siraulo dito," ngumisi ako.
Siya naman, parang hindi natutuwa.
"Nandaya ka. Pinayagan kita-"
Umungol ako nang malakas, malakas na sinuntok sa tagiliran niya, at naging dahilan para yumuko siya habang hawak niya 'yung parteng 'yon.
"Naiinis na ako sa mga sinasabi mo laban sa mga babae. Dude, idilat mo 'yang mga mata mo. 'Yung babaeng 'to, isang babae, sinipa ka sa pwet mo at hindi 'yun isang circus trick kaya manahimik ka na bago ko gamitin 'yung mga takong na binili sa akin ng nanay ko at isaksak sa lalamunan mo," ungol ko, yumuyuko para marinig 'yung malakas niyang ungol.
Hindi inaasahan, itinaas niya ang ulo niya at sinunggaban ako ng ulo. Natumba ako at nagulat. Sa gitna ng pagkabigla ko, ginamit niya 'yun na isang advantage, at sinugod ako, matagumpay na pinabagsak ako. Lahat ng hangin ay natanggal sa baga ko at napahinga ako.
Nakatingin ang mga mata ko sa nagbabantang pares ng mata sa ibabaw ko. Sobrang nakakahiya ang posisyon at naramdaman ko na parang nangangati ang mga kamay ko na gusto siyang itaboy sa akin. Lumipad 'yung kanang kamay ko sa kaliwang balikat niya at hinawakan niya 'yung damit niya para hilahin siya sa gilid habang itinaas 'yung kaliwang balakang ko, matagumpay na tinapon siya.
Parang nalilito siya. Naramdaman ko 'yung mga braso, dumudulas sa ilalim ko at malumanay na hinila ako patayo, dinala ako sa dibdib nila. Sa instinct, itinaas ko ang braso ko, handang sikuhin 'yung lalaki pero agad itong ibinaba nang marinig ko ang boses ni Adam.
"Okay ka lang?"
Tango ako nang tahimik habang pinanood namin 'yung lalaki na nahihirapan na huminga. Nakatayo siya sa sarili niyang paa, bahagyang natumba pero tumayo at sa wakas ay itinutok ang nakakapasong tingin niya sa amin. Parang nanonood ng sardonic na pelikula. Pinanood ko ang isang psychopathic na ngisi na lumitaw sa mukha niya.
"Alam mo, Casey, hindi ko makita kung ano ang nagpapakilig sa boss sa'yo. Isa ka lang maarteng spoiled bitch." Nanigas ako sa kanyang mga salita. Hindi naman insulto 'yon.
Nang marinig ang palayaw ko, mabilis na inilipat ni Adam ang katawan niya para harangan ako sa tingin ng lalaki. "Sino ka ba?" naiiritang sabi niya sa ikatlong pagkakataon sa gabing 'yon at sa pagkakataong 'to, naramdaman ko na nanigas ang buong katawan ko sa pagkabigla. Sino 'tong lalaki at paano niya nalaman ang pangalan ko?
'Yung estranghero ay nagbigay ng walang katatawanan na tawa. "Walang partikular, ibig sabihin, hindi dapat tandaan ang isang lasing na truck driver, hindi ba Casey? Kahit pinatay ka ng mahal mo sa buhay na kapatid. Hindi ba 'yun ang tama, Casey?"
Naramdaman ko na lahat ng hangin ay sinipsip sa akin at isang walang laman na pakiramdam ang nanirahan sa pagkatao ko sa pagbanggit sa kapatid ko. Tinitigan ko 'yung lalaki na nakalampas sa kay Adam. Hindi niya maaaring sabihin kung ano ang akala ko, pwede ba? Hindi niya pwede.
"Ano? Hindi mo babatiin 'yung truck driver at sasampalin siya dahil sa pagpatay sa kapatid mo; 'yung Bryant mo, Cassandra? Oh wait, ginawa mo na," hingal niya nang sarkastiko habang ginagamot 'yung parteng kung saan sinuntok ko siya.
Ang konsensya ko, 'yung mahilig sa karahasan ay tuwang-tuwa sa pagkakita sa kanya na nasasaktan at nakangiti mula sa tenga hanggang tenga pero 'yung mapaghiganting bahagi ko, 'yung naghihintay para sa sandaling 'to. 'Yung naghintay nang matiyaga para alisin lahat ng galit at sakit at kalungkutan sa isang tao, 'yung gustong gumawa ng isang bagay tungkol sa pagkamatay ng kapatid ko, ay sumisigaw sa akin na bitawan ang lahat at sapakin siya para sa pagpaparusa ng lahat ng sakit sa batang inosente na dating ako.
Tinitigan ko siya nang tahimik, hinarangan ang lahat at ang tanging tumatakbo sa isip ko ay ang katotohanan na ang lalaki sa harap ko ay sinabi lang na pinatay niya ang kapatid ko.
At sa solong isiping 'yun, binitawan ko lahat, gaya ng ibinulong sa akin ng diyablo, at tumakbo patungo sa mga braso ng lalaki na naghihintay habang nakangiti siya sa aking sigaw ng galit. Inihagis ko ang sarili ko sa kanya.