Kabanata 57
"Alam ko na!" sigaw ni Sonia nang malakas. Napabuntong-hininga ako dahil talo na naman ako. Pinapanood ko siyang tumatalon, parang tuwang-tuwa sa nalaman niya. Malamang, gagamitin niya 'to laban sa akin. Si Levy naman, nag-aalalang tumingin sa akin. Sinabi niya yung iniisip niya, "May na-miss ba ako?"
Yung pagtingin ko sa kanya, kayang-kaya sunugin kahit sino sa sobrang init. Si Sonia naman, may itsura na parang nanalo. Gusto ko tuloy gawan siya ng kalokohan, yung tipong gusto ko siya pagdusahin. Yung utak ko tuloy, punung-puno ng mga ideya kung paano siya pahihirapan.
Hinawi ko agad yung mga iniisip ko. Mas malala pa 'to sa iniisip ko. Sa lahat ng tao sa mundo na pwedeng makaalam, siya pa talaga. Hindi na talaga ako makakahanap ng mas malalang sitwasyon pa dito.
Suot ni Sonia yung perpektong itsura ng isang *slut*. Hindi naman siya ganito manamit sa school, pero siguro akala niya, yung lugar ng illegal na labanan ay ang perpektong lugar para makahanap ng mga lalaking may laman.
Suot niya yung pulang *plaids*, mas maliit sa dapat niyang sukat. Yung dulo ng butones ng damit niya, tinalian niya sa may dibdib, kaya lumalabas yung parang 'laging nakabantay na dede' effect. Pinartneran niya 'yun ng *high waist shorts* na halos hindi na sakop yung kalahati ng pwet niya. Hindi pa doon natapos, nagsuot pa siya ng pulang *stilettos pumps* para lalong maging *slutty* ang itsura.
Ibig kong sabihin, sino ba sa matinong pag-iisip ang magsuot ng putanginang *stilettos* sa isang lugar ng illegal na labanan? Gets ko naman na gusto niyang makipagtalik nung gabing 'yun, pero *stilettos*, talaga? Ang dating, parang may dalawang talim. Pwede nitong tapusin ang buhay mo dahil mababali ang leeg mo o kaya naman ang paa mo, pero masasaktan ka pa rin kahit ano. Pwede ka rin nitong tulungan na ipagtanggol ang sarili mo. Pwede mong tanggalan ng kakayanan magka-anak ang isang lalaki sa isang sipa lang. Pero pag nagkamali ka ng tapak, *BAM!* Out ka.
Hindi ko na gustong tumambay pa doon. Humarap ako at umalis na. Bakit hindi na lang ibang *slut* ang pinatulan ni Levy? Bakit hindi na lang siya maging disente at maghintay hanggang magpakasal sila o ano? Bakit hindi na lang ipinikit ni Sonia ang mga binti niya? Habang naglalakad ako, bigla na lang nag-umpisang sumulpot sa isip ko 'yung mga posibleng paraan para maiwasan 'to. Sigurado ako, balang araw, magkakaroon ako ng sobrang sakit ng ulo.
"Hoy, Pixie, bakit hindi mo sinabi sa matalik mong kaibigan kung sino ka talaga, kung ganon siya kabait, ha? Baka hindi nga alam ni Adam kung sino ka talaga o kung ano ang ginagawa mo sa gitna ng gabi. Hell, baka hindi nga alam ng mapagmahal mong mga magulang kung ano ang ginagawa ng inosente mong anak sa mga oras na nagtatago siya sa gabi!"
Si Sonia talaga, walang preno. Sumigaw siya sa gabi na parang walang bukas. Ang mga salita niya ang nagpatigil sa mga hakbang na gagawin ko palayo sa lugar na 'to. Sapat na ang problema ko. Dapat manahimik na lang siya. Humarap ako na may galit sa aking mga mata. Doon pa talaga nagpakita ang konsensya ko, na para bang demonyo na naka-upo sa aking balikat. Nag-umpisa siyang bumulong sa aking tainga, gumagawa ng paraan para pakainin ako ng nakakatuwang baho ng dugo.
Ngayong alam na niya ang sikreto mo, hindi ba't dagdag na dahilan 'yun para bugbugin mo siya? Alalahanin mo ang ginawa niya kay Adam kanina lang, Case. Alalahanin mo ang ginawa niya sa iyo sa mga nagdaang taon, kung paano mo siya hinayaang tapakan ka. Ngayong alam na niya, ano pa ang pumipigil sa iyo, ha?
Naramdaman kong nawawala na yung pagpipigil ko. Sinubukan kong hulihin 'yun gamit ang mga daliri kong parang mantikilya. Kumapit ako sa pagpipigil ko ng kahit isang segundo pa. Lumapit ako kay Sonia, hinawakan ko siya sa kwelyo ng suot niyang *plaids* na dalawang sukat ang liit. Inilapit ko ang mukha namin sa isa't-isa.
"Wala kang pakialam kung ano ang ginagawa ko at hindi ginagawa, Sonia. Wala akong pakialam kung ano ang ginagawa mo. Kung iniisip mo na matatakot ako pagkatapos mo akong makitang lumaban, nagkakamali ka. Kung susubukan mong gamitin 'to laban sa akin, malamang nanood ka ng maraming pelikula. Hindi ako katulad ng mga hangin na 'yun."
Nananatili pa rin ang ngisi sa kanyang mukha. Mukhang iniisip pa rin niyang siya ang may hawak ng sitwasyon.
"Oh, pero alam ko. Alam ko lahat tungkol sa ilegal mong sikreto. Isang salita lang sa pulis, lagot ka." Sabi niya na parang mayabang tungkol sa buong pangyayari.
"At 'yun, prinsesa, ang mali ka. Magiging bentahe ko 'to dahil ngayon, wala na akong itatago. Kung sakaling tatakbo ka sa pulis tungkol dito. Ano ang sasabihin mo sa kanila? Na pumunta ka sa isang lugar ng ilegal na labanan para manood ng laban? May ebidensya ka ba? Wala, diba? Kaya kung ako sa'yo, bantayan mo kung kanino mo sinasabi ang mga bagay na 'to," sabi ko sa kanyang mukha. Binitawan ko ang pagkakahawak ko sa kanya at hinayaan ko siyang madapa.
Nawala na ang ngisi sa kanyang mukha. Nakita ko ang takot na naipinta ko sa kanyang mga mata. Sinubukan niyang itago ang itsura ng gulat, pero tapos na ang gulo.
"Isang banta ba 'yun?" Medyo nanginginig yung boses niya. Sa wakas, nakontrol ko ang galit ko. Umiling ako, at tumingin ako sa kanya.
"Isa lamang 'yun na obserbasyon at isang payo," ang nagawa kong isagot. Humarap ako at naglakad papunta sa aking bisikleta para makaalis na doon. Nagiisip kung ano kaya ang iisipin ni Levy pagkatapos niyang malaman ang katotohanan.
***
Nang makabalik ako sa bahay, dumapa ako sa aking sopa at inisip ang mga problemang naglabasan nitong mga nakaraang araw. Ang taong 'to, sumasabog ang utak ko, at hindi naman sa maganda.
Napahagikhik ako, iniisip ko lahat.
Una, meron akong malaking problema kay Dom at yung mokong na si Quentin na nagbuhos ng lahat ng sama ng loob sa akin, na sila ang nagplano ng aksidente ng kotse para patayin yung kapatid ko. Hindi ko nga alam kung paano naramdaman ni Dom yung ganung klaseng madilim na landas sa kanyang buhay. Ibig kong sabihin, dati, kung iisipin ko lang na manakit ng tao, si Dom na ang unang pipigil sa akin at sasabihin niya sa akin na hindi worth it 'yun.
Ang ideya na naisip pa ni Dom ang mga ganung bagay ay nakakagulat at kakaiba, pero ang marinig siyang umamin ay nakakagulat at hindi kapanipaniwala. Ito yung mabait na si Dom na tinutukoy natin. Hindi niya ako sasaktan sa anumang paraan, lalo na yung puntong papatayin pa niya si Bryant. Palagi silang magkasama ni Bryant. Para silang laging magkadikit. Siya talaga ang pangalawa ni Bryant. Kung nagbago lang yung mga bagay pagkatapos ng aksidente, at kung sa akin idiniretso ang kanyang galit, maiintindihan ko pa.
Ang pakikinig sa masasakit na salita ni Maddison ay sapat na para harapin ko ang anumang pang-iinsulto at pag-akusa. Pero yung isipin na ang layunin ng pagtulak kay Dom sa paggawa ng ganung krimen ay ang pagkahumaling sa akin, sa lahat ng tao ay- gago.
Napabuntong-hininga ako. Ang lahat ng 'to ay napakakomplikado.
Hindi na rin binabanggit ang kalbo at yung nakasimangot na mukha.
Tapos, kailangan ko pang harapin si Penelope at Sonia. Matagal ko nang hindi pinansin si Maddison. Manhid na ako sa mapait na pakiramdam at sa galit na naramdaman niya para sa akin. Ang sumasakit sa puso ko tuwing titingin ako sa kanyang pamilyar na mga matatalim na grey eyes ay nabawasan na sa isang mapurol na sakit. Isang malabong paalala kung ano ang iniwan sa kanya ng pagkawala ni Bryant sa mundong ito.
Tapos may Adam. Hindi siya problema, malayo pa. Alam ko na mahal ko siya ng husto at ang pagtulong sa kanyang ina ay hindi naman kasama sa listahan ko ng mga problema, pero meron din akong dapat ikabahala. Tuwing pupunta ako sa lugar na 'yun para lumaban, nagugulat ang puso ko, na ipapaalala sa akin kung ano ang mangyayari kung sakaling hindi ako manalo sa laban na 'yun. Kailangan kong umakyat pa. Kailangan kong ipaglaban ang aking sarili upang gumaling siya. Kailangan ko siyang tulungan. Kailangan kong tulungan si Adam.
Walang tanong o pagdududa dito. Ang halik na 'yun ay isa pang dahilan para lumaban ako. Hindi ko hahayaang maranasan ng batang 'yun ang sakit ng pagkawala ng isang mahal sa buhay. Hindi ko pwedeng mawala ang premyo na 'yun.
Huminga ako ng malalim. Dahan-dahan, Case, isang hakbang sa bawat oras, isang paa sunod sa isa. Kumapit sa isip ko 'yun. Hinanap ko sa isip ko ang unang problema na maiisip kong lutasin ngayon. Pinakawalan ko ang hininga ko at kinuha ko ang aking telepono. Tinawagan ko ang isang tao na alam kong may utang ako ng paumanhin. Humanda ako, tinitiyak na itatapon ko ang aking ego.
Kaya, eto na nga."