Kabanata 180
Nagmamadaling ipinarada ko 'yung bike ko, hindi man lang nag-abalang tanggalin 'yung helmet ko. Tumalon ako mula sa bike ko, diretso akong tumakbo papunta sa hagdanan at sinubukang buksan 'yung pinto. Nanghina 'yung kamay ko at bumuntong hininga ako nang maluwag nang hindi bumukas 'yung pinto.
Nakakandado pa rin.
Walang nanloob.
Ligtas si Casey.
Parang jelly 'yung mga binti ko bigla at umupo ako sa harapan ng pinto bago pa ako tuluyang bumagsak.
Yumuko ako, itinago ko 'yung ulo ko sa pagitan ng mga braso ko habang hawak ng pareho kong kamay 'yung batok ko.
Hindi nakakatulong 'yung mga pulis.
Alam ng mga nagpapahiram ng pera kung nasaan kami.
Walang sasaklolo sa akin.
Hindi ligtas si Casey.
Nanatili akong nakatayo, humihinga nang malalim at mahaba habang nirerecap ng isip ko 'yung sitwasyon ko.
"Okay, mag-isip ka, Bry." Kinausap ko 'yung sarili ko, pumikit nang mariin at pinilit kong mag-isip ng solusyon para mailigtas ko ang sarili ko sa gulo na 'to.
Alam ko na walang ibang sisisihin kundi ang sarili ko sa sitwasyon ko pero hindi ko kayang sisihin 'yung sarili ko dahil sa paggawa ng mga katangahang bagay at pagpasok sa gulo. Kailangan ko pa ring mag-isip ng solusyon para mailabas ko si Casey at ako sa gulo na 'to.
Nag-ring 'yung phone ko na may bagong mensahe at hinugot ko ito mula sa bulsa ko, tumayo ako pagkatapos kong maramdaman na bumalik na 'yung lakas ng mga binti ko.
In-unlock ko 'yung phone ko at tiningnan ko 'yung bagong mensahe mula sa isang group chat.
'Party kila Jax this Sat.'
Jax?
Hindi ako mahilig dumalo sa mga party niya. Laging puno ng droga at pakiramdam ko, makikipag-away ako sa lahat ng lalaki sa party na 'yon kung sakaling pupunta ako.
Gawa ng mga droga na ginagamit nila, laging high at horny sila na ginagawa silang desperadong horndogs na handang gawin ang lahat para makakuha ng kahit ano sa lalong madaling panahon.
Nakarinig ako ng ilan sa kanila na sinasampa ng kaso dahil sa panggagahasa ng maraming beses pero lagi silang nakakalusot sa kaso.
Pero si Jax, nakakakuha siya ng suplay ng droga mula sa isang Mafia gang. Kilala siya sa pakikipag-ugnayan sa kanila. Para siyang untouchable kasi takot ang lahat sa mga taong nasa likod niya.
Tinamnan ako ng parang truck.
Ang Mafia.
Posibleng isa sa iilang grupo ng mga tao na kayang lapitan at mas mataas sa mga nagpapahiram ng pera sa food chain.
Ang kaaway ng kaaway ko ay kaibigan.
Wala na akong ibang matatakbuhan ngayon.
Hindi ko naman talaga plano na lumapit sa kanila para humingi ng tulong pero pakiramdam ko, wala na talaga akong ibang malalapitan.
Kailangan kong panatilihing ligtas ang kapatid ko sa anumang paraan.
Kahit na mangahulugan 'yun na lumapit sa isang Mafia gang.
Ibinulsa ko ulit 'yung phone ko at nilabas ko 'yung mga susi ko sa bahay, pumasok ako sa bahay at naghanda para matulog habang nag-iisip ako ng plano kung paano makikipag-ugnayan sa Mafia at makukuha 'yung tulong na kailangan ko.
Kinabukasan, niyugyog ako ni Casey at ginising ako.
"Bry! Bilisan mo! Late na tayo!" Sabi niya nang nagmamadali, nagsusuklay pa rin ng basa niyang buhok habang nagtatakbo sa paligid ng kwarto para mas mapabilis 'yung paghahanda niya.
Kinuskos ko 'yung mga mata ko at naghikab, inilabas ko 'yung mga paa ko sa kama at nag-inat.
"Bry!" Sigaw ni Casey, pinapanood akong gumalaw nang napakabagal.
"Sige, sige. Papunta na ako, kalma ka lang." Itinaas ko 'yung mga kamay ko bilang pagsuko, umalis sa kwarto para maghanda na rin.
Pagkalipas ng kalahating oras, nasa loob na kami ng kotse at papunta na sa school.
"Tapakan mo," utos ni Casey.
"Anong ibig mong sabihin na 'tapakan mo'? Hindi mo ba nakikita 'yung mga kotse sa harap ko? Anong gusto mong gawin ko? Bumangga na lang sa lahat ng mga kotse na 'to at pilitin silang magbigay daan?" Sarkastiko kong sabi, tinuturo 'yung trapiko sa harap namin.
Umungol si Casey, itinapon niya 'yung ulo niya sa headrest at ilang beses niya itong binangga.
"May test ako ngayon. Hindi ako pwedeng ma-late. Nakakainis 'yung alarm clock na 'yon. Sumpa ko, inilagay ko 'yon kagabi bago matulog. Itatapon ko 'yon sa basurahan at bibili ako ng bago." Sunud-sunod na reklamo ni Casey habang patuloy niyang sinusumpa 'yung alarm clock.
"Malapit na tayo, kalma ka lang." Sabi ko sa kanya, lumipat ako sa lane sa tabi namin.
Natagalan kami ng konti para makarating sa school at hindi na mapakali si Casey. Nang nakita na namin 'yung gate ng school, hindi na nag-abalang maghintay pa si Casey sa kotse.
"Magkikita na lang tayo pagkatapos ng school, tatakbo na lang ako mula rito." Sabi niya sa akin habang kinukuha niya 'yung mga gamit niya at binuksan 'yung pinto ng kotse.
"Sige, mag-ingat ka!" Sigaw ko sa kanya bago pa niya maisara 'yung pinto ng kotse.
Pinanood ko siyang tumakbo papuntang school at umiling ako nang matapilok siya sa paa niya bago niya nasalo 'yung sarili niya bago pa siya bumagsak.
Ang tanga.
Pumarada ako sa isang bakanteng parking space nang makarating ako sa school at pinatay ko 'yung makina ng kotse ko. Kinuha ko 'yung bag ko mula sa likurang upuan at naglakad papuntang klase, 15 minutes na akong late.
Sa kasamaang palad, history 'yung first period ko. Na ang ibig sabihin, 'yung matandang bruha 'yung teacher ko sa first period.
Huwag mo akong maliitin, madalas akong magkasundo sa mga guro na kasing ayos ng pagkakasundo ko sa ibang mga kaklase.
Pero iba siya.
Ayaw na ayaw niya sa mga teenager.
At dahil teenager ako. Ayaw niya rin sa akin. Baka hindi niya ako gaanong kamuhian kumpara sa ibang mga teenager pero kamumuhian niya pa rin ako kahit anong mangyari.
"Mr. Johnson. Late, ulit." Pinagsabihan niya ako gamit 'yung boses niya na garalgal pero malakas nang pumasok ako sa klase pagkatapos kumatok.
Hindi masarap sa pandinig ko 'yun.
"Sorry, Gng. Hudson. Na-trapik ako."
"Mga dahilan!" Sigaw niya.
Tinignan niya ako nang ilang sandali bago niya itinuon 'yung atensyon niya at hindi ako pinansin.
Nagsalubong 'yung labi ko at sinamantala ko 'yung pagkakataon na 'yon para makapasok sa isa sa mga bakanteng upuan bago pa siya magbigay sa akin ng isa pa sa kanyang isang oras na sermon.
Hindi ako nagbibiro, malakas 'yung vocal cords ng babae kahit hindi mo maririnig.
Sa swerte ko, parang wala siya sa mood para pag-usapan kung gaano katamad ang mga teenager ngayon at kung paano nila hindi pinahahalagahan 'yung edukasyon kung ano-ano pa, kaya maayos na nagpatuloy 'yung klase.
Tumagal 'yung araw pero sobrang nahirapan akong mag-focus sa mga leksyon dahil abala 'yung isip ko sa ibang mahahalagang bagay.
Medyo mabilis natapos 'yung lunch at isa ako sa mga unang taong lumabas sa klase.
Pumunta ako sa locker ko para iwan 'yung mga gamit ko bago ako naglakad para hanapin si Jax.
Nabangga ko si Maddy sa hallway at agad niyang hinawakan 'yung braso ko na may ngiti sa mukha niya.
"Hoy, saan ka pupunta? Sa kabilang daan 'yung canteen, gaga." Biro niya.
Binigyan ko siya ng ngiti na hindi nakatuon 'yung atensyon ko habang nililibot ko 'yung hallway para makita ko kung maswerte ako na makita si Jax.
"Sorry, babe. Mauna ka na at kumuha ng lunch. May gagawin lang ako, susunod ako agad, okay?" Ngumiti ako sa kanya, sa wakas ay tiningnan ko siya.
Itinaas niya 'yung kilay niya pero tumango siya, "Okay."
Binitawan niya 'yung braso ko at sumama siya sa mga kaibigan niya habang patuloy akong lumalaban sa agos ng mga taong papunta sa cafeteria, binabantayan 'yung isang taong blonde.
"Nakuha kita," bulong ko nang sa wakas ay nakita ko siya at 'yung mga kaibigan niya na palabas ng school.
Naglakad ako kung nasaan sila, sa huli ay naabutan ko sila sa harap ng mga sasakyan nila sa parking lot.
"Jax!" Sigaw ko.
Tumigil sa paglalakad si Jax at 'yung mga kaibigan niya sa tabi ng kotse nila at lumingon para makita kung sino 'yung tumatawag.
"Nagkakamali ba 'yung mga mata ko o si Bryant Johnson talaga 'yung papalapit sa amin?" Biro ni Jax sa mga kaibigan niya habang nakangiti siya nang nang-aasar sa akin.
Pinigilan ko 'yung pag-ikot ng mata ko dahil sa pagiging isip-bata niya.
"Kailangan kitang makausap." Sabi ko sa kanya, huminto ako ilang talampakan mula sa kinatatayuan nila.
"Usap," tumango si Jax, pinagkrus niya 'yung mga braso niya.
Tiningnan ko 'yung mga kaibigan niya at itinaas ko 'yung kilay ko.
Umikot 'yung mga mata ni Jax at lumapit siya sa akin, kinawayan niya 'yung mga kaibigan niya na lumayo para makapasok muna sila sa mga kotse nila.
"Anong gusto mo, Johnson?" Tanong niya sa akin.
"Dalhin mo ako para makipagkita sa leader mo," sabi ko.
Nagulat si Jax, tumaas 'yung kilay niya na may mapanuring tingin na lumukob sa mukha niya.
"Anong leader?" Tanong niya, nagpapanggap na walang alam.
"Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin, Layman." Bumuntong hininga ako, wala ako sa mood sa mga laro niya.
"At anong gugustuhin ng makapangyarihan at makatarungang Bryant Johnson sa Mafia?" Tanong ni Jax habang inaatake niya 'yung kanyang sarili.
"Wala kang pakialam," pinabayaan ko.
"Sa tingin ko hindi 'yan 'yung ugali na dapat mong ipakita kapag humihingi ka ng pabor sa isang tao," tinukso ni Jax.
"Dalhin mo na lang ako sa kanila," sagot ko sa matigas na tono.
"Sa tingin mo ba sobrang tanga ko para dalhin ka lang sa kanila? Baka nagtatrabaho ka para sa mga pulis, sa alam ko," itinaas ni Jax 'yung kilay niya sa akin na parang ako 'yung pinakatanga-tangang tao na nabubuhay.
Umikot 'yung mata ko sa kanya. Hindi ko siya masisisi na ganon 'yung iniisip niya dahil kumilos talaga ako na parang 'yung koneksyon niya sa Mafia ay isang salot na dapat iwasan. Dati iniisip ko na isa siyang taong walang kwenta dahil nasa Mafia gang siya. Naintindihan ko kung bakit sobrang nagdududa siya sa akin pero sobrang nagpagalit ako sa sitwasyon ko.
"Hindi ako nagtatago. Gusto kong humingi ng tulong sa mga kaibigan mong Mafia," sagot ko sa kanya.
Nagsinga muna si Jax pero napagtanto niya na seryoso ako nang nanatili akong diretso 'yung mukha.
"Seryoso ka?" Tanong niya.
Tumango ako.
Lagi kong itinuturing si Jax na isang tanga dahil kinasangkutan niya 'yung sarili niya sa isang Mafia gang. Alam ng lahat na puro gulo ang Mafia.
Pero narito ako, humihingi sa kanya na isangkut 'yung sarili ko.
Umaasa lang ako na hindi mapuputol 'yung leeg ko agad.
Hindi ko alam kung paano hikayatin si Jax na tulungan akong makipagkita sa leader niya, kumakapit lang ako sa mga dayami, pero 'yung sinabi ko ay parang nakakaakit sa kanya dahil nagbago 'yung tingin niya na naging mas katanggap-tanggap.
"Ngayon, dadalhin mo ba ako sa kanila?" Tanong ko.
Tumingin sa akin si Jax ng ilang segundo, marahil sinusuri 'yung mga tsansa at peligro ng pagdadala sa akin sa kanyang Mafia gang bago niya inilabas 'yung phone niya at nagta-type ng isang bagay.
Sa sumunod na segundo, nag-ring 'yung phone ko na may bagong mensahe.
"Pumunta sa address na 'to ng 9 ngayong gabi. Magkikita tayo doon at ipakikilala kita."
Kinuha ko 'yung phone ko at binasa ko 'yung address na tinext niya sa akin bago ako tumango, "Salamat."
"Huwag mo lang akong pagsisisihin sa paggawa nito, Johnson," umiling si Jax bago lumingon at pumasok sa kanyang kotse na puno ng mga kaibigan niya.
Umalis sila sa parking space at umalis sila sa school, iniwan akong nakatayo doon habang pinapanood ko silang umalis.
Tiningnan ko 'yung text ulit at hinawakan ko 'yung phone ko.
'Makipagkita ka lang sa kanila, humingi ng proteksyon para kay Casey at sa sarili mo mula sa mga nagpapahiram ng pera at malulutas 'yung lahat. Ginawa mo ang tamang bagay, Johnson.' Sabi ko sa sarili ko habang lumingon ako para bumalik sa building.
Nangako ako kay Maddy na hahanapin ko siya sa canteen kanina.
'Mas mabuti pang bumalik ako agad bago pa siya lumabas na hinahanap ako,' naisip ko sa sarili ko.
Ibinulsa ko ulit 'yung phone ko at itinaas ko 'yung ulo ko para makita na nakatayo ang girlfriend ko sa likod ng isa sa mga kotse na nakaparada malapit, tinitingnan ako na may pagkadismaya sa mukha niya.
Sinasabi ng ekspresyon sa kanyang mukha ang lahat ng kailangan kong malaman.
Narinig niya lahat ng salita ng usapan na naganap.
"Maddy..."