Kabanata 11
Ayaw ni Case kay Monic, mas gusto pa niyang kamuhian ako. Kasi sa paningin niya, kahit sino na nakikipag-kaibigan sa'kin, murderer ng kapatid ko. Hindi naman totoo 'yon kasi si Monic, siya 'yung pinaka-mabait at mapagpatawad na babaeng makikilala mo. Nanginginig siya sa takot pag may pinatay na lamok na kumagat sa kanya. Like, bro, kung ako 'yon, pinatay ko na 'yung hayop na 'yon at tinapon ko na 'yung katawan niya nang walang maayos na libing at walang pagsisisi.
Walang mangunguha ng dugo ko ng wala akong pahintulot.
Si Maddison, kahit nakatakong, hindi man lang ako natangkaran, 'yung height kong 5'6, halos kalahating pulgada lang ata.
"'Wag mong kausapin 'yan na parang basura, bitch ka," galit kong sabi sa kanya. Walang manggugulo sa pinsan kong baby. Wala akong pakialam kung siya 'yung pinaka-mahal na girlfriend ng kapatid ko o ano pa man, at oo, sinabi ko 'yon. Hindi na siya girlfriend ni Bryant. 'Yung girlfriend niya noon, sweet, maalaga at maunawain, samantalang 'tong bitch na 'to, bitch talaga.
Para siyang nagulat bago tumayo nang maayos at binigyan ako ng masamang tingin bago lumipat sa boyfriend ni Monic na nanigas sa tingin niya.
Nakita ko kung paano hinigpitan ni Monic ang pagkakahawak sa kamay nito habang nanginginig siya.
"Ooh, at sino 'tong hot na candy?" sabi ni Maddy.
Nasuka ako sa isip ko habang sumagot 'yung lalaki, "Ako si Jake," oh, kaya pala 'yon ang pangalan niya, "at may girlfriend na ako. Kung alam mo ang ikabubuti mo, lumayo ka na lang." Mahinahon niyang sinabi, parang nagkukwentuhan lang tungkol sa panahon habang itinaas niya at ng mga daliri ni Monic na magkahawak.
Ooh, gusto ko 'tong lalaking 'to.
Tinignan siya nang masama ni Maddy bago naglakad palayo papunta kay Sonia na nakakulong ang mga labi kay Dominic. Typical Dom, palagi niyang ginagamit sila na parang tissue paper.
Tinapik niya si Sonia sa balikat at sinabi niya 'yung parang sinira ang mood nito at tinapos ang mabigat na make out session. Umalis din silang dalawa at iniwan kami para magpatuloy sa pagpunta sa kusina para kumuha ng mga inumin.
Maya-maya, kami na lang ni Adam, Jake, Monic, Dominic ang nasa kusina.
Kumuha kami ng soda, parang walang gustong umuwi na lasing.
"So..." panimula ni Adam. Tinaasan ko siya ng kilay, hudyat na patigilin niya 'yon at idiretso na niya.
Umubo siya bago itinanong 'yung tanong na iniiwasan ko. "Magkakilala kayo?"
Hindi ko siya tinignan sa mata nang sagutin ko siya ng tango at nagsimula na akong magpaliwanag.
"Si Dominic ay- dating, kaibigan namin ni Monic nung bata pa kami. Lumaki kaming magkakasama at hindi kami mapaghihiwalay hanggang dalawang taon na ang nakalipas nang may nangyaring traumatiko at naghiwalay kami. Pamilya ni Dominic at siya ang best friend ko. Lumipat siya ng ilang buwan at nawalan kami ng komunikasyon. Sa tingin ko, bumalik na siya ngayon." Sinulyapan ko siya.
Hindi ko sinabi 'yung parte kung saan iniwan kami ni Dom dahil sa sobrang lungkot sa pagkawala ng best bro niya at kung gaano siya kalapit sa'kin.
"Ngayon naman, ako ang magtatanong," sabi ni Dom, "nagdedate ba kayo? Ibig kong sabihin, nakikita ko 'yung dalawang love birds na 'yan, pero kayo, paano naman?" Nanlaki ang mata ko at nasamid ako sa iniinom ko.
"Ano? Ako? Nagdedate? Sa tingin ko, nag-e-epekto na 'yung palayaw sa utak mo, bro. Nag-iisip ka na parang asno." Gusto kong matawa sa pagka-offend niya.
"Tigilan mo ako sa mga pagmamahalan, Case."
Huminga ako nang malalim bago sumimsim ulit. Nagpatuloy sa pag-uusap 'yung mga lalaki hanggang sa biglang sinabi sa aming lahat ni Adam na dapat na kaming umuwi ngayon. Dahil sa kung anong dahilan, tila uminom ng vodka 'yung mga lalaki habang nag-uusap tungkol sa sports, sumang-ayon kami ni Monic na i-drive 'yung kotse ni Jake at hayaan silang matulog sa bahay ko ngayong gabi. Magvo-volunteer na sana akong ihatid 'yung bike ni Adam pero napigilan ko ang sarili ko nang maalala kong hindi ako si Pixie ngayong gabi.
Mahirap talagang tandaan 'yung mga bagay na 'to kasi hindi ko naman talaga kailangan. Walang nagmamalasakit o sadyang hindi lang talaga sila tumatagal sa buhay ko para komportable ako sa kanila.
Tinawag ni Adam 'yung isa sa mga bago niyang kaibigan para tulungan siyang ihatid 'yung bike niya pauwi at syempre, nagningning 'yung bata sa isiping magda-drive ng cool na bike at tumalon agad sa unang pagkakataon na meron siya. Tinulungan ko siyang hanapin 'yung jeans ni Adam para sa mga susi niya, kasi lasing na lasing siya para hawakan 'yung baso niya na nakalagay na ngayon sa kitchen counter, at sa wakas, nahanap ko 'yon sa bulsa niya sa likod. Ngayon, mga bata, huwag kayong magiging manyakis.
Nagmaneho kami pabalik sa bahay ko, nagkakasya 'yung mga lalaki sa likod na nakatulog na at pagkarating namin sa bahay ko, handa na silang umalis sa mundo at pumunta sa dream land sa sandaling tumama 'yung ulo nila sa malambot na unan sa guest room.
Siguradong gabi 'to na puno ng drama at reunion. Somehow, natutuwa ako na pumayag akong pumunta sa party ngayong gabi kung hindi ko nakilala 'yung dalawang 'yon. Naglalakad kami ng kanya-kanya naming landas simula nung isang taon pagkatapos ng aksidente. Kailangan namin ng space at oras pero masaya na makita silang muli. Dati, sobrang close kami, kami lang apat at 'yung paghihiwalay namin sa kanila ay talagang mahirap para sa'kin nung mga unang buwan na umalis sila.
sila na lang lahat ng meron ako ngayon dahil wala na si Bryant, masyadong abala ang mga magulang ko sa mga business trips, nagtatry sila pero walang nangyayari kaya 'yung pagbabalik ni Monic at Dom ay talagang nakakagaan ng pakiramdam.
Huminga ako nang malalim sa pagod bago ko hinila 'yung kumot sa mga balikat ko, tinatakpan ako mula sa balikat pababa sa mga daliri ng paa ko. Kailangan kong matulog sa kama ng kapatid ko dahil kailangan kong magbigay ng espasyo para kay Monic pero okay lang, inabot ko 'yung kupas na tela at hinawakan ko 'yon sa dibdib ko habang pumipikit 'yung mga mata ko.
Sana lang hindi ako magkaroon ng mga bangungot ngayong gabi.