Kabanata 69
"So ikaw pala 'yung naglagay ng mga sobre sa kwarto ng nanay ko sa ospital para makatulong sa bayarin niya?" Napangiwi ako nung nakita ko 'yung itsura sa mga mata niya pero dahan-dahang tumango.
"Case, ano bang iniisip mo?! Pwede ka nang mamatay! Pwede tayong naghanap ng ibang paraan para bayaran 'yung mga bill niya," hindi ko mapigilan 'yung sarili ko. Sinubukan kong kagatin 'yung dila ko ng sobra pero may lasang bakal na lumabas pero 'yun na 'yung huling patak ng dagdag.
"Tapos ano? Panoorin siyang unti-unting mamatay sa puting kama sa ospital at makita ka pang magluksa lalo dahil guilty ka sa hindi mo pag-abot na mapahaba pa ito kahit sandali lang hanggang sa nakahanap tayo ng sapat na pera para sa operasyon niya? Nakakita ako ng opportunity para kahit papaano ay subukan na tulungan na makabili ng oras si Carla at ginawa ko. 'Yung premyo na napanalunan ay pwede sanang sumagot sa buong operasyon niya kung may mas maraming oras lang tayo." 'Yung huling salita ko ay may kasamang hikbi.
Oras; 'yun 'yung totoo naming kalaban; Hindi ito titigil para lang mag-abot kami. Bawat segundo ay mahalaga.
Narinig ko si Adam na bumuntong-hininga bago ako nilamon ng mga bisig niya.
"Ayoko lang na mawala ka," bulong niya, hinahaplos 'yung buhok at likod ko. Niyakap ko siya pabalik nung nakuha ko 'yung sinasabi niya.
"Alam ko at hindi ka mawawala," paniniguro ko sa kanya, hinahaplos 'yung likod niya.
"Naiintindihan mo na kahit gusto ko nang sumuko ngayon, hindi ko kaya. Narinig mo 'yung sinabi ng lalaking 'yon. Kailangan kong bumalik at lumaban ulit," naramdaman ko 'yung paghigpit ng mga braso niya sa akin at hinawakan ako nang mahigpit.
"Nambobola lang 'yun, Case. Huwag mo siyang pakinggan. Hindi ako papayag na ilagay mo sa panganib 'yung buhay mo. Pwede ka nang isa sa pinakamagagaling na fighter na nakilala ko pero walang kasiguraduhan na makakasurvive ka sa ganitong klaseng pagsubok sa buhay mo. Narinig mo rin 'yung sinabi ng lalaking 'yon. Pwede kang mamatay bago ka pa makalaban sa kanya at kahit makasurvive ka, haharap ka sa sarili mong kamatayan."
Umiling ako. Hindi ito matatapos. Hindi talaga ito matatapos. Nakatali ako sa buhay na 'to; tumatakbo at nahuhuli sa isang hook na hihila pabalik sa simula.
Hindi na sana ako sumali sa buhay na 'to. Kung nandito lang sana si Bryant para sabihin sa akin kung ano 'yung gagawin ko. Tumingin ako sa orasan at nakita kong gabi na. Natutulog na lahat dahil sobrang nakakakaba ngayong araw at sa tingin ko, napagod sila sa ganitong klaseng sitwasyon.
Madali nilang pinamahagi 'yung mga kwarto sa kanilang sarili. May dalawa kaming guest bedroom at natutulog 'yung mga bata kay Jerry habang matutulog naman si Adam at Jake sa isang guest bedroom at matutulog naman si Monic kasama ako katulad ng dati.
Si Preston ay mananatili sa ospital ngayong gabi. Maayos naman 'yung vitals niya pero pag-iingat lang baka may hindi sila nakita. Nakilala namin 'yung matandang lalaki na kasama ni Preston nung wala siyang malay pabalik at pinasalamatan ko siya sa tulong niya. Lumabas na binugbog ng lalaki si Preston bago pa man siya naabutan ni Adam at pinahabol ni Adam. Talagang isang ligaw na araw para sa aming lahat.
Umupo si Adam at sumunod naman ako, nawala 'yung tensyon sa katawan ko. Sumandal ako sa balikat ko at hinayaan na hawakan ng upuan 'yung bigat ko.
"Bakit ka nananatili sa tabi ko?" tanong ko sa kanya dahil curious ako. Nagkibit-balikat siya bilang sagot na parang wala siyang pakialam kung bakit. Pwede sana siyang umiwas sa sobrang gulo kung nakipag-break lang siya sa akin at bumalik na sa hometown niya.
Hindi ko man lang siya susundan o pipigilan dahil ako mismo, sana hindi ko na kailangan harapin 'yung buhay na 'to. Pero pinili ko 'to at tinanggap ko na matagal na na kailangan kong harapin 'yung consequences ng mga desisyon at aksyon ko.
Pero hindi pinili ni Adam na makasama 'yung taong may dalang baggage na kasing bigat ko. Hindi niya alam 'yung sikreto ko nung nakipagkaibigan siya sa akin. Pwede niyang piliin na takasan 'yung kapalaran na 'to ngayon kung gusto niya. Pwede siyang tumigil kahit anong oras.
"Naalala mo 'yung sinabi ko sa'yo nung nag-camping trip tayo?" Naramdaman kong nag-init 'yung pisngi ko, naalala ko 'yung nangyari pero tapos na 'yung gulo at maya-maya, naglakad ako sa memory lane.
"Adam, ano ba 'yung ginagawa mo?" sigaw ko mula sa malayo habang nakapikit para makita ko siya ng maayos pero ang nakikita ko lang ay 'yung pwet niya na nakausli mula sa grupo ng mga ligaw na bulaklak.
"Sandali na lang. Susunod ako sa'yo kaagad," sigaw niya pabalik at ayoko naman talagang sirain 'yung surprise kaya umupo ako sa ilalim ng puno at namulot ng mga damo, naglalaro sa maliliit na bulaklak.
Maya-maya, nasa harapan ko na si Adam, hinihila ako patayo na may kamay sa likod niya. Sinubukan ko siyang baligtarin para makita ko kung ano 'yung tinatago niya pero ang bilis niya, na dahilan para huminga ako ng malalim sa frustration. Inalis ko 'yung malit na buhok sa mata ko, at nagdesisyon na tumayo na lang at hayaan siyang gawin kung ano man 'yung gusto niya o itago 'yung gusto niyang itago.
"Cassandra..." mahaba niyang sinabi at napatingin naman ako sa kabilang direksyon na parang bata, na may mood na lokohin siya.
"Case," sinubukan niya ulit pero nanatili ako sa kinatatayuan ko, nilalabanan 'yung bahagyang paggalaw na magbibigay ng maliit na ngiti na sinubukan kong itago.
Huli na, nagkaroon na siya ng sapat at hinawakan niya 'yung baba ko ng mahigpit pero marahan, ginawang lumingon 'yung ulo ko sa kanya. Nung nakita ko kung ano 'yung binibigay niya sa akin, narinig ko 'yung konsensya ko na aw at nag-sway. Pero mini-sway lang; bahagya lang.
Hawak niya 'yung simpleng flower crown na may iba't ibang klase at laki ng bulaklak, na ginawang maganda at bilog. Sa ganitong kaikling panahon, parang na-impress ako.
Hindi, kalimutan mo 'yung 'parang na-impress', na-impress ako na kung paanong makaka-impress 'yung isang tao dahil huwag tayong maglokohan dito; wala akong ideya kung paano gumawa ng mga 'yon. Kukunin ko na sana sa kanya pero tinanggal niya ito na may kunwaring masungit na mukha para lang ilagay sa ulo ko mismo.
"Ayan. Ngayon isa ka nang prinsesa," may nakakatawang ngiti sa mukha niya at natawa ako sa sinabi niya. Parang katawa-tawa. Ibig kong sabihin, harapin natin. Ako? Isang prinsesa? Sino ba 'yung niloloko natin ngayon?
"Alam mo naman na hindi ako isang prinsesa sa paningin ng iba, Adam. Hindi man lang ako nagku-curtsy para sa Diyos! At tsaka, hindi ko alam na kailangan lang natin ng flower crown para maging prinsesa," nagbiro ako at binigyan siya ng palaro na tulak.
Tumawa siya kasama ko pero nung huminto siya sa pagtawa, sinabi niya 'yung mga salita na hindi ko inakala na maririnig ko sa kahit kanino.
"Alam ko na hindi ka isang prinsesa sa paningin ng iba pero hindi ko kailangan na maging isa ka. Pwede ka laging maging prinsesa ko," nakakakilabot pero totoo, wala akong ideya kung ano 'yung dapat kong sabihin sa bagay na 'yon.
Baka iniisip mo kung bakit hindi ko pa siya hinalikan noon.
Hindi ko na kailangan pa - hinalikan niya na ako.