Kabanata 132
Hindi naman ako santo pagdating sa pag-aalaga sa kalikasan. Hindi ako *tree hugger*.
Hindi rin ako laging magaling mag-recycle.
May beses na nangungurot ako ng mga dahon.
Pero never pa akong nagtapon ng basura kung saan-saan kundi sa basurahan lang. Never din akong nagputol ng puno.
Never din akong nagsunog ng basura.
Kaya, hindi ko talaga maintindihan kung bakit galit na galit sa akin ang universe. Hindi naman ako gumawa ng kahit anong krimen na ikamamatay ng mundo.
I mean, grabe, nagbibiro ba kayo? Ang *irony* ng sitwasyon na 'to, hindi makatotohanan.
Siya 'yung ex ng patay kong kapatid tapos andyan pa si Preston, 'yung taong kakasabi lang sa akin na parang kapatid niya ako, nakikipag-date sa kanya.
Diyos, bakit galit na galit sa akin ang universe? Anong ginawa ko ba?
Nag-ingat ako sa paghakbang papalapit sa kanya. Totoo lang, ang dami ko nang problema ngayon. Kung gusto niyang magsimula ng gulo sa publiko, aalis na lang ako dito bago pa man siya makasabi ng kahit isang salita dahil hindi ko talaga kaya ang ganung klaseng ka-*bullshit* ngayon.
Buti na lang, pinili ni Madison na huwag pansinin ang presensya ko pansamantala at binati na lang si Preston. Hinalikan niya ito sa pisngi at niyakap saglit bago siya umupo ulit at sumiksik pa lalo sa *booth* para bigyan ng espasyo si Preston.
Pinaupo ko muna si Cali sa *booth* at humingi ako sa staff ng *high chair* para kay Pio. Huminga ako nang malalim at nagdesisyon na tingnan si Preston para sa ilang sagot na dapat ko nang malaman. Nakikipag-date siya sa *bitch* na nagdesisyon na okay lang na isisi sa akin ang pagkamatay ng kapatid ko. Kapatid ko. Hindi naman sa hindi ko na sinisisi ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng pagdagdag niya sa aking konsensya.
"So, paano kayo nagkakilala?" tanong ko matapos kaming ipakilala ni Preston, pilit akong ngumingiti para sa mga tao habang tahimik na nagwawala sa ilalim ng ngiting pinapakita ko.
"Bakit hindi muna tayo umorder ng pagkain at inumin bago tayo magsimula diyan?" suhestiyon ni Preston. Pumayag ako nang pasuray-suray at naglakad papunta sa *counter* para umorder para sa aming lahat. Pagkatapos naming maayos 'yun, huminga nang malalim si Preston at nagsimulang magsalita. Nakapatong ang kamay niya sa balikat ni Madison at napapa-*cringe* ako sa lahat ng alaala ko na nakikita ang kapatid ko na ginagawa 'yun sa kanya.
"Nagkita kami sa supermarket. Nalaglagan niya ako ng itlog at nilandi ko siya." Ngumiti nang nakakaloko si Preston. Nawala ang galit ko kay Madison saglit nang nakita ko kung gaano siya kasaya na nakaupo sa tabi niya. Nag-isip ako kung dapat ko bang sabihin sa kanya na magkakilala na kami ni Madison pero hindi ko alam kung paano sasabihin. Buti na lang, si Madison na ang gumawa nun para sa akin.
"Baby, um, may dapat kang malaman," huminto si Madison habang lumilipat-lipat ang tingin niya sa akin nang isang segundo. Sinundan ni Preston ang mga mata niya, nagtataka.
"Magkaibigan kami ni Cassandra nung high school." Humalakhak ako at umikot ang aking mga mata. *Friends*? Sobra-sobrang salita 'yun sa kung ano kami dati. Nagdesisyon ako na para bang babaklasin ko na 'yung band-aid nang bigyan ako ng masamang tingin ni Madison dahil sa paghalakhak ko.
"Naging girlfriend niya ang kapatid ko," sabi ko, sinusubukang pigilan ang paglabas ng katotohanan na sinasaktan niya ako at sinisi ako sa pagkamatay nito para mapangalagaan ang relasyon nila. Nagdududa ako na titingnan pa rin siya ni Preston na parang dati kung sasabihin ko sa kanya 'yun. Hindi ko nakalimutan 'yung oras na ipinagtanggol ako ni Madison laban kay Sonia noong minsan, noong naka-corner ako ni Sonia at nanonood ang buong estudyante. Sa tingin ko kaya kong gawin 'to para kay Madison para bayaran siya sa ginawa niyang 'yun.
Nagtaka si Preston nang tumingin siya sa pagitan ko at kay Madison.
"Well, *awkward* 'to." Bulong niya at hindi ko alam kung bakit, pero natawa ako. Siguro dahil ang *awkward* ay labis na paglalarawan sa kung ano ang nararanasan namin ngayon.
"Puwede ba kitang makausap sa labas saglit?" Tumingin sa akin si Madison. Tumango ako nang mabagal, lumabas sa *booth* at naglakad palabas ng cafe. Noong nasa labas na kaming dalawa, naglakad kami sa gilid ng cafe. Nagsimulang magsalita si Madison pagkatapos ng ilang sandali ng *awkward* na katahimikan.
"Makikinig ka, hindi ako makahingi ng sapat na tawad sa mga ginawa ko sa 'yo pagkatapos ng nangyari kay Bryant. Hindi mo 'yun deserve at dapat ako ang nasa tabi mo imbis na kumukontra sa 'yo. Mahal ka ni Bryant at mapopoot siya sa akin sa ginawa ko sa 'yo. Mahal ko si Bryant at ang pakikipag-date ko kay Preston ngayon ay hindi magbabago 'yun. Siya ay laging malaking bahagi ng buhay ko at talagang nagsisisi ako sa mga sinabi ko sa 'yo. Syempre, hindi mo kasalanan kung bakit namatay si Bryant. Hindi mo kasalanan." Naluluha na si Madison sa sarili niyang sinasabi. Ilang luha rin ang tumakas mula sa sarili kong mga mata nang marinig ang paghingi ng tawad na matagal ko nang inaasahan.
Kahit na ang isang paghingi ng tawad ay hindi naman nangangahulugan na magka- *buddy-buddy* na kami ngayon, alam kong gusto ni Bryant na bigyan ko siya ng kaunting ginhawa. Kaya, pinulupot ko ang aking braso sa kanyang nanginginig na katawan at inihampas ko nang pa- *awkward* ang kanyang likod. Nanatili kami sa ganoon hanggang sa huminahon siya.
Bumalik kami sa loob ng cafe nang dumating ang aming pagkain at inumin. Napansin ko na nakita ni Preston ang pamumula at pamamaga ng mata ni Madison pero matalinong pinili niyang huwag nang magkomento. Tinulungan kong pakainin si Pio sa gitna ng *awkward* na katahimikan. Dahil halata namang hindi na kailangan ang pagpapakilala, walang laman ang katahimikan. Alam kong nakita ni Preston na hindi masyadong magkaibigan sina Madison at ako noong high school pero nanahimik lang siya hanggang sa nasa loob na kami ng kotse at nakasuot ng *seatbelt*.
"May hindi ka sinasabi sa akin." Sabi sa akin ni Preston. Nagdesisyon akong magkunwaring mangmang para ma- *stall* ang oras. Humimig ako sa nagtatanong na tono bilang sagot sa sinabi niya. Ang mga bata ay nakasuot ng *seatbelt* sa likuran, na parang nakikinig sa aming pag-uusap habang nanahimik sila habang si Preston ay nagtatanong.
"Anong nangyari sa inyo ni Madison? Bakit siya umiyak? Tungkol saan ang pinag-usapan niyo?" Paulit-ulit na tanong ni Preston, na nagpapasigaw sa akin ng pagkasira.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya.