Kabanata 146
Nanliit ang paningin ko sa mga kamay nila. Sinubukan kong i-monitor ang tibok ng puso ko kasi alam kong kahit konting iregular na ritmo, baka ibuko ako.
Nang itaas ko ang mata ko, nakita ko ang nagniningning na mata ni Kiara. Nagpaplastik siya ng ngiti sa mukha niya. Sa tingin ko dapat maganda pero dahil alam kong napaka-ahas niya, nakita ko ang tunay niyang intensyon at nahuli ko ang sama ng loob na tinatago niya sa likod ng ngiti niya. Natutuwa siyang ganito ang itsura ko.
Narinig ko na bumilis ang monitor ng tibok ng puso ko habang humihinga ako ng malalim. Nilapit ko sa akin ang mga bata na nakaupo sa tabi ko habang nakatingin ako ng masama kay Adam. Ang kapal ng mukha niya na dalhin ang bruha na 'yan sa kwartong 'to.
Hindi man lang natinag si Adam sa pagtingin ko sa kanya at nagpatuloy siya sa paglapit kasama si Kiara sa hospital bed ko. Niyakap ko ng mas mahigpit ang mga bata sa tabi ko at nakita ko si Maddison na hawak ang braso ni Preston.
Nagsalubong ang kilay ko kay Adam nang hindi siya tumigil sa paglapit sa akin. Nang maramdaman kong naabot na niya ang limitasyon ng personal space ko, na 5 metro mula sa hospital bed, sinigawan ko siyang tumigil.
"Ilayo mo ang bruha mo sa akin o hindi ako mananagot sa gagawin ko sa kanya kapag naabot ko siya." Nagngitngit ako kay Adam. Nasa pagitan namin si Preston sa isang iglap. Namumula ang mukha niya, at nakakuyom ang mga kamay niya, kitang-kita na galit na galit siya sa nakababatang kapatid niya.
Narinig ko si Adam na nagmura, "Naka-hospital bed ka, Case, ano sa tingin mo ang kaya mong gawin?" Nang-iinsulto si Adam. Tinarayan ko siya, ang kapal ng mukha ng gago.
"Case, ayoko sa kanya," bulong sa akin ni Cali pero hindi naman sapat ang hina para hindi marinig ni Kiara. Nakita ko ang nagsalubong na kilay ni Kiara kay Cali at agad akong sumagot.
"Itigil mo ang pagtitig mo sa kanya. Kung magtatangka ka pang tumingin sa kanya ulit, huhugutin ko ang mga mata mo sa kanilang mga socket at ipakain sa piranhas ng lola at lolo ko." Agad akong binigyan ng masamang tingin ni Kiara at inikot ang mga mata niya.
"Bakit ka pa nga," bulong ni Kiara.
"Maniwala ka sa akin, lalasahan ko ang mga pangil ko para lang magkaroon ng kasiyahan na gamitin sila para punitin ka nang paisa-isa," ngumisi ako. Sinigurado ko na idiniin ko ang ulo ng mga bata sa balikat ko para takpan ang kanilang mga tainga para hindi nila marinig ang mga paglalarawan kong banta.
"Tama na 'yan, Case!" Seryosong sabi ni Adam. "Hindi ka ba nagiging isip-bata? Gets ko na nasa hospital bed ka pero hindi ka nito binibigyan ng karapatan na magsalita ng ganyan kay Kiara dahil lang seloso ka."
"Seloso?" Singhal ko sa kanya.
"Oo, seloso!" Sigaw ni Adam sa sobrang inis.
"Bakit naman ako magseselos?! May syota siyang gago!" Sigaw ko sa kanya, hindi pinapansin ang malakas na pagtunog ng heart monitor habang humihinga ako ng malalim. "Paano ka nabulag, Adam? Nakikita ng lahat na bruha siya maliban sa'yo. Paano mo siya pinagkatiwalaan kaysa sa sarili mong dugo at laman?" Tanong ko sa pagtataka.
"Kasi alam ko na sinasabi mo lang sa kanila kaya sila ganyan mag-isip tungkol sa kanya. Binulag mo sila," akusa ni Adam. Nakita ko na ngayon na nanginginig ang balikat ni Preston pero si Jerry ang nagsalita para sa akin.
"Umalis ka na Adam, dalhin mo si Kiara sa ibang lugar. Andito kami para kay Case at kailangan niya magpahinga. Kung gagawin mo lang siyang mainis, mas mabuti pang umalis ka na," bumuntong-hininga si Jerry sa pagkatalo pero nakita ko na walang pakialam si Adam.
"Paano mo siya ipinagtatanggol kaysa sa sarili mong anak?! Paano ka nabulag?!" Sigaw ni Adam sa kanyang ama. Naramdaman ko na umiinit ang mukha ko dahil sa lahat ng dugo na dumadaloy sa ulo ko. Hindi ko kayang iproseso ang dami ng kawalan ng respeto na ipinapakita niya kay Jerry. Si Preston ang humakbang.
"Nasa hospital room si Case dahil sa'yo, gago ka! Ang pinakamababa na magagawa mo ay magtiwala ka sa kanya! Isinugal niya ang buhay niya para panatilihing ligtas tayong lahat! Ang pagdududa mo ang nakapagpababa sa kanyang pokus at muntik nang ikamatay niya. Bakit hindi mo isipin 'yon sa susunod na pag-akusa mo sa kanya ng pagsisinungaling?"
Tinignan kami ni Adam, "Kung naalala ko, sinubukan kong pigilan siya sa pakikipaglaban pero matigas ang ulo niya at ginawa niya ang desisyon niya." Tinignan ng hindi makapaniwala ni Jerry ang kanyang anak at umiling si Preston sa kanyang kapatid. Parang dinagdagan ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko.
"Umalis ka na, Adam," ngumisi si Preston. Sa lahat ng 'yon, nakatingin ako kay Kiara at nakita ko ang saya at pagmamataas sa kanyang mga mata.
Bago makaalis si Adam sa kwarto pagkalabas ni Kiara, nagsalita ulit si Preston, na pinahinto ang kanyang mga galaw.
"Sana isang araw ma-realize mo kung gaano ka ka-imbesil. Kapag ginawa mo 'yon, mas mabuting may award-winning na sorry ka na handang ibigay kay Case o ako mismo ang sasapak sa'yo."
Sa huling pag-uusap na iyon, umalis si Adam sa kwarto nang hindi na muling tumitingin. Binitawan ko ang mga bata mula sa maliit na headlocks na ginawa ko sa kanila para matakpan ang laban na naganap.
Binigyan nila ako ng yakap at hinaplos ko ang kanilang buhok at hinagod ang kanilang mga likod, sinusubukang aliwin sila.
"Hindi ka nila sasaktan. Hindi ko sila hahayaang hawakan ka," bulong ko sa buhok ni Cali habang binigyan ko silang pareho ng maliliit na halik sa itaas ng kanilang mga ulo.