Kabanata 115
Bigla, narinig ko na may kumalembang sa bangko dahil may nadagdag na bigat kaya bigla akong na-tense. Sinulyapan ko 'yung sapatos na katabi ng akin at sinumpa ko 'yung sarili ko dahil hindi ako nag-focus kung anong sapatos ang suot ni Cole. Soccer shoes 'yung katabi ng akin pero hindi ko alam kung kay Cole ba o hindi.
Naramdaman kong parang tanga ako dahil hindi ako nag-focus sa mga detalye. Nag-decide ako na huwag nang i-risk na i-tilt 'yung ulo ko para tignan 'yung mukha niya kaya yumuko na lang ako, ayaw ko nang i-risk pa, at akmang tatayo na para umalis nang biglang nagsimula ng usapan 'yung lalaking katabi ko.
"Ang bilis nilang lumaki, 'no?" 'Yung malalim na baritone ng boses niya ay mas lalo akong pinatense. 'Yung memorya ng boses ni Cole no'ng huli niya akong kausap ay nag-flash sa ulo ko.
Tumango na lang ako, hindi makahanap ng boses ko. Umupo kami do'n sa awkward na katahimikan habang sinusubukan kong palihim na umalis. Sa huli, na-anxious na ako para ituloy 'yung palihim kong pagtatangka na tumakas sa sitwasyon. Tumayo ako, sinusubukang huwag magmukhang suspicious sa paggawa nito nang mabagal. Lumingon ako at nagsimulang maglakad palayo pero bumalik 'yung hangin at tinanggal nito 'yung hoodie ko sa ulo ko.
Hindi ako katangahan para lumingon at tignan kung nakita ni Cole 'yung biglang pag-reveal ng brown kong buhok. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad na parang walang nangyari habang hinihila ko 'yung hoodie ko para matakpan ulit 'yung ulo ko.
Tumitibok nang mabilis 'yung puso ko sa dibdib ko habang sinusubukan kong kontrolin 'yung mga yapak ko para magmukhang normal, na parang hindi ako nagmamadaling lumayo sa isang taong gustong kunin 'yung ulo ko. Nagdasal ako na si Cole ay masyadong busy sa panonood do'ng 3 bata na naglalaro para mapansin 'yung brown kong buhok.
I mean, technically, kahit nakita niya 'yung buhok ko, likod lang naman ng ulo ko 'yon kaya hindi naman dapat masyadong mahalaga. Hindi niya naman siguro na-memorize 'yung likod ng ulo ko kaya hindi talaga ako dapat mag-alala.
Sa kabila ng isip na 'yon, kaunti lang 'yung nagawa nito para pakalmahin 'yung tumitibok kong puso. Mas malapit pa do'n sa inaasahan ko 'yon. Pero, no'ng naalala ko 'yung 3 bata na nakakapit kay Cole na parang lifebuoy sa gitna ng bagyo sa dagat, nagkaroon ng mabigat na pakiramdam sa puso ko. Hindi ko kayang saktan 'yung 3 bata na 'yon nang higit pa sa nagawa ko na.
Paano ako lalaban kay Cole kung ang iniisip ko lang kapag nakikita ko 'yung mukha niya ay kung paanong 'yung kamay ng pinakabatang lalaki ay pumulupot sa ulo niya at sa noo niya na parang baging. Paano ako lalaban sa lalaki kung ang naalala ko lang ay kung paano siya ngumiti nang mahina sa isang bagay na sinabi sa kanya ng batang babae sa mga bisig niya. Paano ko kayang saktan 'yung lalaki na parang hawak ang mundo ng batang lalaki na mahigpit na hawak ang kamay niya kanina.
Pero 'yung lalaki ring 'yon ay nagbanta na papatayin ang pamilya ko kung hindi ako tutuloy sa kompetisyon. 'Yung lalaki ring 'yon ay nag-blackmail sa akin gamit ang kaligtasan ng mga mahal ko sa buhay. Pero ang pagsakit sa mga bata ay hindi bagay na gusto kong gawin kahit hindi ako nagbibigay ng direktang suntok.
Sa mga oras na 'yon, nag-picture ako ng mukha nina Cali at Pio. Nag-flash at nag-stay sandali 'yung ngiti nila sa isip ko. Inalis ko 'yung iniisip na 'yon sa ulo ko.
Anong ginagawa ko? Naisip ko sa sarili ko. Hindi ko pwedeng ilagay sa panganib sina Cali at Pio. Inosenteng mga kaluluwa sila na nadadamay sa isang bagay na wala silang ginagampanan. Hindi ko sila pwedeng hayaang masaktan. Kahit ayaw kong manakit ng mga bata, 'yung 3 bata na 'yon ay hindi naman nasa direktang panganib samantalang sina Cali at Pio ay nasa panganib. Ayaw kong magtunog na walang pakiramdam pero mayroon akong mga priority at nasa pinaka-itaas ng listahan na 'yon sina Cali at Pio.
Laban ko 'to dahil ako ang nagsimula at hindi sila dapat masaktan dahil dito. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari sa kanila. Hindi ko kayang harapin si Jerry o Preston, o si Adam; ang Adam ko. Anumang mga chance na meron ako dati kay Adam ay mawawala sa sandaling may gasgas na lumanding sa ulo ng kahit sinong bata.
No'ng ilang hakbang na lang ako layo sa palaruan, may boses ng bata na tumawag sa akin. "Hoy, miss! May nalaglag ka!" Nagdalawang isip 'yung mga hakbang ko hanggang sa tuluyan na silang huminto at nag-alinlangan akong lumingon. Yumuko ako at hindi nagmukhang suspicious dahil 'yung batang lalaki ay hindi man lang umabot sa baywang ko.
Nginitian ko siya at kinuha 'yung maliit na wallet mula sa mga kamay niya. Siguro nahulog 'yon sa bulsa ko no'ng nakaupo ako. Galing talaga ng swerte ko, siya pa 'yung batang lalaki na humawak sa kamay ni Cole kanina. Nagpasalamat ako sa batang lalaki, hindi umaasa ng higit pa sa tango o isang welcome mula sa kanya.
"Kapatid ko ang nakapansin na naiwan 'yung wallet mo. Inutusan niya akong ibigay 'yon sa 'yo. Siya 'yung lalaking nakaupo katabi mo kanina." Sabi ng bata na nakangiti nang malapad at sinubukan kong takpan 'yung pagkabigla ko gamit ang maliit na ngiti.
Na-realize ko na dapat na akong umalis bago malaman ng 'kapatid' niya kung sino talaga ako.
Nginitian ko ulit 'yung bata bago humiling na ipasa 'yung pasasalamat ko sa kapatid niya at umalis.
Tiningnan ko 'yung loob ng wallet ko at sa kabutihang palad, nasa ayos ang lahat. Wala akong mga bagong picture ko do'n kaya hindi naman talaga ako nakaramdam ng kailangan na mag-panic kahit binuksan niya 'yung wallet ko.
Mayroon lang larawan namin ni Bryant no'ng 8 ako. Nakakulong 'yung braso niya sa harap ko habang sinusubukan niya akong pasakayin sa likod niya. Muntik na akong matumba dahil sa bigat niya.
Sinubukan kong isipin kung anong sinabi ng bata. Kapatid niya si Cole. 'Yon ang gagawa sa lalaking sinaktan ko na kapatid rin ng mga bata. Inampon ba silang lahat? Pero hindi si Cole 'yung nag-ampon sa kanila. Kung ganon, tatawagin nila siyang tatay imbes na tunay niyang pangalan at nagre-refer sa kanya bilang kapatid nila.
Pwede kayang 'yung mga bata ang dahilan kung bakit sumali si Cole at 'yung kapatid niya sa tournament sa kabila ng masamang paa ng kapatid niya? Para sa pera? Ang pag-iisip na 'yon ay nagdulot ng sakit na nagpakontrata sa dibdib ko. Ang pag-iisip na baka nagawa kong gawing 'yung Cole na nakita ko no'ng kasama niya 'yung mga kapatid niya ang Cole na uhaw sa paghihiganti sa nasugatan niyang kapatid ay ikinagulat ko.
Nagpatuloy ako sa paglalakad na may luhang pumupuno sa mga mata ko. Hindi makatarungan na kailangang pagdaanan ng isang pamilya 'yon.
Kung matatalo ko si Cole sa tournament, maililigtas ko ang mga mahal ko sa buhay mula sa isang psycho na gustong-gustong saktan sila pero gagawin kong walang kabuluhan 'yung pinsala sa kapatid niya. Sisirain ko ang mga pag-asa ng pamilya na 'yon kung matatalo ko si Cole. Hindi sila makakakuha ng premyong pera. Pero kung hindi ko matatalo si Cole, baka ilagay ko ang mga mahal ko sa buhay sa posibleng kamatayan nila.
Sinimulan kong kwestyunin 'yung abilidad ni Cole na saktan ang mga taong mahal ko. Ang panonood sa kanya na maging sobrang bait sa tatlong bata na kasama niya ay nagtanim ng mga binhi ng pag-aalinlangan sa akin. Gayunpaman, 'yung memorya mula sa libing ni Carla no'ng nagbanta siyang sasaktan ang pamilya ko at tinumba si Preston ay tinapon 'yung mga pag-aalinlangan ko palabas ng bintana. Kaya niyang saktan ang mga tao at hindi ko dapat minamaliit ang malamig niyang puso kung gusto kong iligtas ang pamilya ko.
Kahit sinubukan kong tandaan ang lahat ng 'to para ituloy ako at pigilan akong yumuko sa panig ko na nakikiramay kay Cole, may boses sa likod ng ulo ko na nagsasabi na hindi 'to tama; na ang pagiging walang puso at hindi pagpapakita kay Cole ng kaunting awa ay mali.