Kabanata 23
Nung Huwebes, nagkaroon ng laro ng basketbol ang school namin laban sa kabilang school, at pagdating ng tanghali, puno na ang gym ng mga estudyante.
Nagdatingan na rin yung mga titser kasama yung mga janitor na tumutulong magdala ng mga upuan para sa mga bisita, na karamihan ay mga estudyante mula sa kabilang school at ilang magulang; pumunta para suportahan yung mga manlalaro.
Umupo ako kasama ng ibang estudyante mula sa school namin. Inunat ko yung leeg ko para makita yung mga manlalarong papasok.
Yung dami ng tao sa harap ko ay nakaharang sa paningin ko at ilang minuto na akong naghahanap ng maliit na butas sa pagitan nila para makita ko kung anong nangyayari.
Hindi darating si Adam ngayon. Nag-text siya sa akin kaninang umaga na hindi daw okay yung pakiramdam ng nanay niya at kailangan niyang alagaan ito.
Nag-offer ako na tulungan siya pero tinanggihan niya yung offer at sinabi niya na okay lang siya kaya hinayaan ko na lang siya.
Pagkatapos nung punta namin sa parang damuhan at yung kwentuhan, naghintay pa kami na sumikat yung araw bago kami nagdesisyon na bumalik. Dumaan kami sa McD's drive thru at bumili ng pagkain.
Antok na silang lahat nun at hindi na nga nagtanong kung saan kami galing o bakit ang aga naming lumabas nung nakita nila yung brown paper bag na dala ni Adam.
Pagkatapos kumain ng almusal, naghiwa-hiwalay na kami para maghanda sa school. Oo, school. Kailangan ko yung mga scholarship na ino-offer ng mga unibersidad kasi kahit kaya naman ng parents ko na pag-aralin ako, ayoko naman maging pabigat sa kanila. Ang pagbaba ng gastusin para sa Unibersidad ay parang magandang simula.
Mabilis lumipas yung linggo at magkakaroon ulit ng party ngayong Biyernes para parangalan yung ika-27 Anibersaryo ng school na inayos ng student council. Rave party daw sana yun na walang alak na iinumin. Magsu-supervise yung titser sa party at 'obligado' daw ang lahat na pumunta.
Ayoko ng mga party.
Nagising ako sa pag-iisip ko nung nagsimula yung laro, malakas na kalampag ng bola na dinadribble sa buong court ang narinig at yung kiskisan ng mga bagong basketbol shoes sa makinis na sahig ang pumuno sa kwarto.
Mga isang minuto pa lang nung nagsimula yung laro, yung mga taong nakaupo sa harap namin ay tumayo mula sa kanilang upuan; nagche-cheer, nagpapalakpakan at sumisigaw ng pag-e-encourage.
Nakashot ata sila.
Walang hiya.
Pagkatapos ng ilang minuto ng paghihirap na maghanap ng butas para makita yung nangyayari, sumalampak ako sa upuan ko at sumuko.
"Hoy, gusto mong magpalit ng upuan?" Isang hindi pamilyar na babaeng boses ang malakas na nagtanong sa kabila ng sigawan.
Huminto yung ulo ko sa bilis, parang may pilay sa muscle ko. Tumingin ako sa katabi ko na gulat na gulat.
"Talaga?" Tanong ko sa kanya na nanlalaki yung mata na nag-aabang, nagmamakaawa na sana oo yung sagot niya.
Uy, wag kang humusga. Gustong gusto ko manood ng laro ng basketbol, nakakabighani minsan at nakakatawa.
"Oo, wala naman akong pakialam sa mga ganitong bagay," nagkibit balikat siya at tumayo, handa na magpalit ng upuan sa akin. Tumingin ako sa kanya na nagpapasalamat at umusog para sumiksik at umupo sa upuan niya habang siya naman ay umupo sa akin.
Pagkatapos maging komportable, inabot niya yung kamay niya. "Ako si Penelope."
Ngumiti ako sa kanya kahit na nag-aalala yung isip ko.
Bakit naman kaya gugustuhin ng kahit sino na maging kaibigan mo? Hindi ba huli na ang lahat para magbago ang kanilang puso? Isang kalokohan yan, tangang babae.
Tinaboy ko yung boses at kinuha yung kamay niya, hinawakan ito ng mahigpit.
"Cassandra," sagot ko bago ko binitawan yung kamay ko. Ngumiti siya sa akin at nakita ko yung sinseridad sa likod nito. Napangiti ako sa loob.
Mali ka, bitchy na konsensya. Naisip ko na panalo.
Umupo ako doon at ibinaling ko yung atensyon ko sa laro na nakikita ko na halos perpekto na.
Lumipad yung mata ko sa scoreboard at napansin ko na lamang kami ng dalawang puntos at yung mga daliri ko ay nanginginig sa aking kandungan. Hinawakan ko yung ibaba ng damit ko habang pinipilipit, hinihila at itinutuwid ulit, inuulit ito ng maraming beses habang kinakagat yung ibabang labi ko.
Tuwing may nakashoot yung kalaban, sasabog yung school nila sa isang serye ng "Ooh" nang malakas at mahuhuli ko yung sarili ko na binibigyan sila ng masamang tingin.
Lalong tumindi yung iritasyon ko nung bumangga yung isa sa kanila sa isa sa amin at pinalaki yung pagbagsak.
Ang referee ay isang tanga at binigyan ng foul yung manlalaro namin.
Gusto kong sumigaw sa referee dahil isa siyang unggoy. Dafuq anong problema sa paningin mo?! Sumpa ko, kapag nakita ko yung lalaking yun kahit saan na walang uniporme, hihilahin ko siya sa isang tindahan ng salamin at bibilihan ko siya ng makapal na lente.
Nakuha nung hayop yung dalawang free shot at muntik na akong murahin nung pumasok yung bola sa unang tira.
Sa pangalawang tira, hindi ko na napigilan yung sarili ko at nagpanggap na bumahing sa isang nakatutusok na sigaw, inilagay ko lahat ng galit ko dito. Yung manlalaro, nagulat, itinapon yung bola at hindi man lang tumama sa ring.
Lahat ng nasa kabilang school ay bumaling ng atensyon sa crowd namin na nakakunot yung mga mata habang kaming lahat ay pumapalakpak na walang gana, sinusubukang huwag pansinin yung masamang tingin nila.
Narealize ko yung ginawa ko pagkatapos nung tira na yun at namula. Hindi ako makapaniwalang nagawa ko yun.
Tanga.
Sa tabi ko, si Penelope ay parang may atake sa puso, tawa ng tawa na walang pakialam sa mundo.
"H-hindi mo ginawa. Oh my Diyos--" humahalakhak siya. Lalo akong namula, tinakpan ko yung mukha ko. Sa tingin ko sapat na yung kahihiyang iyon para sa isang siglo.
Pinatahimik ko siya habang lumalakas yung tawa niya, natatakot na yung mga taong hindi nakapansin na ginawa ko yun ay magsisimula ng tumingin sa amin at mag-stare.
Nananatili pa rin siyang nakahawak sa kanyang tiyan, nakayuko sa kanyang upuan habang sinusubukang huminga para lang mapunta ulit sa pagtawa.
"Oh, walang presyo, walang presyo." Pilit niyang sinabi at tinukso ko yung masamang tingin.
"Tumahimik ka," sabi ko ng mahina na may halong nagbibiro at tumawa siya ng mahina.
Pinunasan niya yung luha na tumulo sa kanyang pisngi sa kalagitnaan ng pagtawa at pinunasan ito sa kanyang jeans.
"Okay, okay. Hindi na ako tatawa," itinaas niya yung mga kamay niya sa isang paggaya ng pagsuko at tumingin sa akin, kinagat niya yung labi niya. Para siyang nagpipigil ng umuusbong na tawa at napunta sa pagiging constipated habang sinusubukang gawin yun. Ngayon, ako na yung tatawa at siya na yung mapupula.
"Ano?" Tanong niya na naguguluhan at parang medyo defensive tungkol dito. Iwinagayway ko yung tanong niya at nagkibit-balikat siya.
"Anyways, pupunta ka ba sa party bukas?" Itinaas ko yung dalawang kilay ko.
"Oo...?" Lumabas ito na isang tanong pero ngumiti siya sa akin.
"Sige, gusto mo bang sunduin kita? Pwede tayong maghanda sa bahay ko at isasama yung kotse ko dito."
Tinitigan ko siya na parang tumubo yung dalawang ulo.
Gusto niya akong makasama? Tiningnan ko siya ng kakaiba pero nagdesisyon akong sumang-ayon. Hindi naman kasi ako pupunta kasama ng kahit sino.
"Err, sure..? Kahit ano, sa palagay ko," nagkibit balikat ako at lumaki at luminaw yung ngiti niya.
Sa pagkakataong iyon, tumunog yung kampana na senyales na tapos na yung laro at tumayo kaming lahat para pumalakpak sa parehong partido at nagsimula ng lumabas yung mga tao mula sa gym, naghahanda na lumabas sa gusali at umuwi.
Bumaling sa akin si Penelope bago naglakad papuntang labasan.
"Magaling! Ito yung number ko, i-text mo sa akin yung address mo at susunduin kita ng 4."
Tumango ako na walang imik, yung utak ko ay hindi nagpoproseso ng kahit ano.
Tinitigan niya ako na natatawa.
"Cassandra, sa palagay ko magkakasundo tayo."
Tiningnan ko siya na may ngiti at lumaki ito nung narealize ko ang isang bagay.
'Nakahanap na ako ng kaibigan,' naisip ko habang tinitingnan siya hanggang sa hindi na siya makita, nawala sa dagat ng mga tao.