Kabanata 104
Ang goal ngayong araw ay habulin 'yung training na na-postpone dahil sa pagbisita ni Klovski. Akala ni G. Huang, magandang distraksyon 'yun para sa'kin kasi nga daw sobrang lungkot ko at sabi niya, “walang mas nakakaganda ng mood kaysa sa paghahalaman.”
Kung ano man ang ibig sabihin nun, sigurado ako na makakalayo ako sa realidad kahit sandali lang. Hindi naman pala masama ang paghahalaman.
Ang nakakainis lang, na-realize ko agad na wala pala siyang garden. Hindi na ako nagtanong pa sa kanya, alam ko kasi na may binabalak 'yun. Kaya sinundan ko siya papasok sa grupo ng mga puno na matatangkad, 'yung mga sanga nila umaabot para gumawa ng mataas na canopy sa ibabaw ng mga ulo namin.
May mga puno na may mga nahulog na prutas sa ilalim, 'yung iba mukhang hinog na at 'yung iba mukhang bulok na. 'Yung ugat ng mga puno lumabas mula sa ilalim ng lupa. Napapansin mo 'yun kasi bumubulwak sila sa lupa sa ilang lugar, kaya hindi pantay 'yung lupa at pinabantayan pa kami ni G. Huang para hindi kami matapilok.
Hindi naman kalayuan pero 'yung supposed na “garden” malayo sa bahay-kubo. Parang gusto ni G. Huang na pinapahirapan pa 'yung sarili niya sa mga hindi naman kailangang lakad sa loob ng gubat.
Nung nakarating na kami sa bukana, nagtrabaho na agad kami. Nag-umpisa si G. Huang mag-drawing ng mga sketch kung paano niya gusto 'yung itsura ng garden sa mabuhanging lupa gamit ang isang patpat na pinulot niya.
Nagtrabaho na agad ako pagkatapos nun; inaayos 'yung pwesto ng mga paso at kung saan sila dapat nakatayo.
Iisipin mo na aabutin lang ako ng isang oras para ayusin ang isang garden pero ginugol ko 'yung buong araw para tapusin 'yun dahil sa dalawang dahilan.
1) Sobrang laki ng garden.
2) Sobrang indecisive ni G. Huang.
Isang minuto gusto niya sa gitna 'yung rosas, tapos gusto niya sa kanan niya. Hindi nagtagal, lumubog na 'yung araw at lumitaw na 'yung mga bituin. Nung oras na 'yun lang niya ako pinayagan magpahinga at ano pa? Mukhang hindi man lang nagalaw 'yung garden.
Binigyan ko si G. Huang ng isang maliit na ‘what the fuck’ look. Naninigas na 'yung likod ko sa lahat ng trabahong pinagawa niya. Buong araw ako nagbubuhat ng mga paso at inililipat sila mula sa isang dulo ng field papunta sa kabilang dulo para ibalik sila kung saan sila nakalagay bago ko man lang galawin 'yung kahit ano sa garden.
Magaling.
Nagdesisyon na ako maglakad-lakad at napunta ako sa pag-iisip habang pinagmamasdan 'yung kalikasan sa paligid ko. Ayoko ng mga ganitong oras, 'yung mga iniisip ko gumagala mag-isa kasi iniisip ko 'yung mga kaibigan at kung gaano karami na 'yung nawala sa'kin. Nagiisip ako kung may katapusan pa 'yung mga pagtataksil na nararanasan ko. Habang bumabalik ako sa pag-aayos ng mga flower pots, nalulunod pa rin sa sarili kong mga iniisip, hindi ko na namamalayan na tumigil na ako sa ginagawa ko. Ilang segundo pa bago ko narealize na nakaupo ako sa lupa na may mga luha sa mata.
Dahan-dahang lumakad si G. Huang papunta sa'kin at tinry niya ako patayuin ulit.
“Come on Xiăo Fú. Kaya mo 'to.” Umiling ako nang mahina. Pagod na pagod na ako; sobrang pagod na. Ubos na ubos na ako sa mga nangyari. 'Yung disappointment naipon sa'kin at nag-develop 'yung reverse psychology na 'yung mga taong akala ko kaibigan ko baka may misyon na pahirapan ako sa pinakamasamang paraan. Naramdaman ko 'yung panic na nabubuo sa'kin; 'yung anxiety ng hindi na naman magtiwala at 'yung hindi mapakali sa pag-iisip na wala akong mapagkakatiwalaan. Lumuwag 'yung baga ko at nagsimula akong mag-hyperventilate habang 'yung mga luha tumutulo.
Narinig ko na may nagsabi sa'kin na buksan ko 'yung mata ko at huminga. Pero ayaw ko. Dito sa panic bubble ko,
Naramdaman ko 'yung kakaibang pakiramdam ng katahimikan na hindi ko pa nararamdaman dati.
Naintindihan ko nun, kung ano ang gusto nila sa'kin. Gusto nila ako sirain sa pinakamasamang paraan; pagtatanim ng bagong takot na sobrang laki na ayaw ko man lang buksan 'yung mata ko sa takot na makakita ng iba na aalis din balang araw; sa takot na mag-alala sa susunod na tao para masaktan na naman kapag sinaktan nila ako.
Kung ang gusto lang nila ay sirain ako, nagtagumpay sila nung araw na kinuha nila ang nag-iisang kapatid ko sa'kin. 'Yung Bryant ko. 'Yung panangga ko, 'yung bato ko at 'yung buong mundo ko at kinuha nila siya sa'kin. Hinila siya palabas ng buhay ko sa mabilis na tapak sa gas pedal at isang mahigpit na hawak sa manibela.
Kinuha nila siya sa'kin at hindi pa rin sapat. Hindi pa sila nasiyahan kaya sinimulan na nila kunin 'yung mga kaibigan ko at sinimulang pagdudahan ko 'yung sarili kong katinuan.
Nagdesisyon ako na magkuripot sa sarili ko, ginugugol 'yung maliit na oras na 'yun para sa sarili ko at hindi para sa iba. Humiga ako sa lupa, 'yung pisngi dumikit sa mainit na damo, 'yung tuhod nakatukod sa dibdib ko at 'yung mata nakapikit pa rin.
Ano ang nagluwal sa ganitong kalupitan?
Kasakiman? Galit? Pagkasira?
Magiging katulad ba nila ako kung tatamaan ko 'yung isang punto sa buhay ko na magiging desperado ako para mawala 'yung lahat ng sakit na 'to? Magiging isa ba ako sa kanila kung magdesisyon ako na hindi ko kayang harapin 'yung takot na mawalan ng tiwala sa isang tao? Ako na ba 'yung susunod na sisira ng buhay ng iba? Magiging katulad ba nila ako kapag hinayaan ko na lamunin ako ng kapaitan? 'Yun na ba 'yung kahahantungan ko? Isang tao na sobrang makasarili, gusto nilang maramdaman ng iba 'yung sakit na pinagdaanan nila.
'Yun ba 'yung nagtulak kay Dom? 'Yung sakit? 'Yun ba 'yung iniisip niya?
Sa tingin ko, ito siguro 'yung iniisip ng lalaking nagbanta sa'kin na bumalik sa kompetisyon.
Binasag ko 'yung binti at pag-iisip ng kapatid niya. Kinuha ko 'yung kaligayahan ng kapatid niya at sa paggawa nun, malamang kinuha ko rin 'yung sa kanya.
'Yung banta ay isang aksyon na hinimok ng totoong sakit at pagkasira. May nagawa na ba akong ganun kay Dom? Isang bagay na nakakasira ng puso na nagpasuko sa kanya sa sakit at nilamon siya nito.
Kung pwede lang ako humingi ng tawad sa isang bagay sa kanya, 'yun ay para sa sakit na 'yun. Kasi hindi ko 'yun nanaisin sa kahit sino; kahit na 'yung pumatay kay Bryant.