Kabanata 29
Luminga ako sa paligid, hinahanap si Levy sa dami ng tao. Ang hirap kasi karamihan dito matatangkad at matitipunin pero dahil desidido akong hanapin 'yung loko-lokong tawag kong kaibigan, nakisiksik ako sa kanila. Nakatanggap ako ng inis na ngunguslo, mga tinging kasing talim ng mga punyal at ilang tulakan pabalik.
Sa wakas, pagkatapos ng mga oras na halos dumugo na sa paghahanap sa gunggong na 'yon, nakita ko siyang nakasandal sa pader, nakikipaglandian sa isang may pulang buhok. Sigurado akong kaparehas na ng kulay ng buhok nung babae 'yung mukha ko ngayon.
Bwisit na pokpok. Ano tingin niya sa sarili niya, pinaghahanap niya ako habang nakikipagharutan sa isang puta? Lumakad ako papalapit sa kanya at hinawakan ko 'yung tenga niya.
'Yung babae, nang makita 'yung nakamamatay na tingin sa mukha ko, nagmadaling umalis.
Oh matakot ka, pokpok, matakot na matakot ka. Naisip ko ng masama bago ko ibinalik 'yung tingin ko kay Levy na parang maiihi na sa pantalon.
"Nasaan ka galing?!" Sigaw ko at umatras siya para lang mapangiwi, naalala 'yung pagkakahawak ko sa tenga niya.
"Err... Hi?"
Lalo lang akong nainis. "Oh ikaw na bata ka-" bulong ko, pinaplano na 'yung kaso ng pagpatay sa kanya. Plano ko 'to ng perpekto, sobrang galing na kahit si Sherlock iisipin niyang suicide 'to.
Hinila ako ng isang malakas na tunog ng kampana na nagpatinig sa tenga ko. Lumuwag ang pagkakahawak ko sa tenga ni Levy at hinayaan kong malaglag ang kamay ko sa tabi ko. Kailangan kong sumigaw sa tenga ni Levy para marinig niya ako sa gitna ng ingay.
"Anong nangyayari?!" Sigaw ko at umiling siya, pinapatahimik ako at pinapanood.
Bumuntong hininga ako sa inis pero sumunod din.
Pumasok ang dalawang tao sa ring mula sa dalawang magkaibang direksyon at agad kong kinwestyon 'yung pag-iisip ko sa pagdesisyon na pumunta dito.
Pumunta ako sa pag-asang mapre-prepare 'yung sarili ko sa kung ano 'yung papasukin ko bago magdesisyon na lumaban. Nabanggit ni Levy na delikado pero gusto kong maging hukom kung gaano ito kadeliks.
Sa tingin ko malapit na akong makakuha ng mga sagot.
Naglagay ng pwesto 'yung dalawa habang nag-blare 'yung mga speaker para i-introduce 'yung dalawang lalaban.
Walang kwenta. Kahit sino sa kanila pwedeng mamatay anumang minuto pagkatapos mamatay 'yung mga speaker. Hindi mahalaga kung sino sila. Ang mahalaga ay isa sa kanila ang magtatapos ng araw na 'to ng masama.
Pinanood ko habang nagyakapan sila sa gitna, naghahanda na suntukan ang isa't isa hanggang sa mapagod.
Isa ay may kayumangging buhok habang 'yung isa ay may maduming blonde at katulad ng ibang lalaki na nakikipag-away sa kalye, naka-short na pantalon na isang pulgada sa itaas ng tuhod nila na nakahubad ang dibdib.
Nakatuon din ang atensyon ni Levy sa dalawa. Nag-blare ang mga speaker, hudyat ng simula ng laban. Ang mga mata ko ay nakatutok sa mga galaw nila at kailangan kong aminin na parehas silang sobrang galing na mga fighter.
'Well of course they are, ikaw na gago. Ano ang aasahan mo? Isang baguhan na itatapon ang buhay nila sa isang kompetisyon na pwedeng magdala sa kanila sa libingan?' ang katotohanan at hindi mapagtatalunang punto na sinabi ng isip ko.
Rinig ko na nanlaki 'yung mga mata ko kung gaano sila kalupit dito. 'Yung kayumangging buhok ay nakaupo na, sinusubukang protektahan 'yung mukha niya na walang saysay mula sa mga suntok na ginagawa ng kalaban niya.
Masyadong madugo kaysa sa Underground Place. Kahit doon, mayroon kaming ilang patakaran at kahit hindi sila masyadong pinapansin, 'yung kakaunti na nakakaalam sa kanila ay rumerespeto sa mga patakarang iyon.
Rinig ko na bumibilis ng bumibilis 'yung puso ko habang pinapanood ko kung paano talagang pinagbabaril 'yung lalaki hanggang sa mapagod. Nagkalat ang dugo sa lahat ng lugar sa tuwing may natatamaan siya na dahilan kung bakit umuubo at sumusuka ng pula 'yung kayumanggi.
Parehas na nakatayo ang mga paa ko sa lugar nila kahit sinubukan kong alisin ang mga mata ko sa dugo.
"Sabi ko sa'yo delikado, Pix. Pag-isipan mo 'to at huwag kang gumawa ng padalos-dalos na desisyon." Sabi ni Levy ng malakas, sinusubukan na daigin ang sigawan ng mga tao.
Pinag-isipan ko ulit 'yung isipan. Nagiging padalos-dalos ba ako sa pagdedesisyon na gawin 'to?
Isang sulyap kay Carla na nakahiga sa kanyang kama, kaputi ng kanyang mga kumot ang pumasok sa isip ko at naalala ko kung paano sinabi ni Pio sa akin 'yung mga bagay na itinuro sa kanya ni Carla tungkol sa mga taong lumilipas.
Matalino 'yung bata at lahat ng 'yon ay dahil sa babae na nagpalaki sa kanya kung sino siya ngayon. Kung magiging matagumpay siya, na sigurado akong magiging ganun siya; magiging tagumpay 'yon ni Carla, hindi sa kanya. Magiging tagumpay niya 'yon sa pagpapalaki ng bata ng tama at ginawa siyang kung sino siya.
Hindi ko hahayaan na tiisin ni Pio 'yung sakit ng pagkawala ng minamahal. Hindi ko hahayaang maramdaman niya 'yung naramdaman ko noong namatay si Bryant. Hindi ko siya bibigyan ng dahilan na magluksa. Hindi ko siya hahayaang lamunin ng kalungkutan.
Siguradong hindi ko siya hahayaang tumitig sa parehong lugar sa kisame para sa mga oras, bawat putang ina na araw, ginugugol 'yung buhay niya na nag-iisip kung ano kung.
Hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Hindi ko hahayaang umalis si Carla ng ganun kadali.
Lalaban ako.
Nakatutok pa rin ang tingin ko sa suntukan nang ginawa ng kayumangging buhok 'yung mga 'yon at nagsimulang lumaban pabalik. Para bang ipinapahayag nila 'yung mga iniisip ko. Inalis ko sa isip ko 'yung konsensya ko at lumaban ako.
Palibhasa'y walang pakialam sa takot. Lalaban ako.
"Hindi ako gumagawa ng walang katwirang desisyon, Lev. Gagawin ko 'to at gagawin ko 'to para sa sarili kong mga layunin." Upang manalo ng premyo na 'yon at tulungan si Carla na makabangon para patuloy niyang mapagalitan 'yung mga anak niya kapag gumagawa sila ng pagkakamali na pangtao.
Upang magawa niyang hawakan si Preston sa tenga kung magsasalita siya ng masama tungkol sa mga babae.
Upang andoon siya kapag nakahanap si Pio ng isang babae at gabayan siya sa nakalilitong maze na pag-ibig.
Nakita kong lumingon si Levy sa akin, 'yung mukha niya ay gumugulo sa isa sa mga pagtataka. Pinili kong huwag pansinin ang itsura na ibinigay niya sa akin. Hindi ako magpapakita ng kahinaan. Kilala niya si Pixie, hindi si Casey.
Tumambay kami nang isang oras pa, pinapanood 'yung mga suntukan at mga taong dinadala na duguan at bugbog, halos hindi makabuo ng mahuhusay na pangungusap.
'Yun ang pwedeng maging tao na susuntukin ko isa sa mga araw na 'to, naisip ko.
O ikaw, putol ng madilim na kaisipan ko at agad kong tinanggal 'yung boses. 'Yung mga pesimista na kaisipan ay hindi makakatulong sa kaso ko ngayon.
Nang nagpasya na kaming lumabas ng lugar, suot ko 'yung walang emosyong maskara ko, hindi pinapayagan na makita ng sinuman kung ano 'yung nasa ilalim ng matigas na panlabas.
Tinusok ng malamig na hangin 'yung balat ko at tumayo 'yung buhok sa braso ko, dahilan para isuksok ko 'yung mga kamay ko sa mga bulsa ng jeans ko. Tapos na 'yung isip ko at walang sinuman ang makakapagpabago niyon.
"Inilista na kita kanina at nakaset na 'yung iskedyul. Ipapaalam nila sa atin 'yung iskedyul ng laban natin sa Martes."
Dalawang araw mula ngayon. Bumuntong hininga ako at tumango ng matigas. Binagyan ko ng presyon 'yung mga kamay ko dahil sa pagkabalisa.
"Lalaban ka?" Tanong ko sa kanya ng biglaan at ngumiti siya.
"Paano hindi," napangiti ako doon, umiling.
"Magkita tayo, Lev," nagbigay ako ng maliit na wave sa aking balikat, papunta na sa aking bisikleta na natatakpan sa paningin ng sinuman sa ilalim ng lumang puno ng oak sa paligid ng kanto.
Hinipan ko 'yung maluwag na hibla sa mukha ko at isinuot 'yung helmet. Malapit na akong isaksak ang susi sa ignition, isang binti na nakalaylay na sa bisikleta ko. Nakaramdam na ako ng komportable nang may malakas na boses na tumawag sa akin.
At ang ibig kong sabihin ay ako bilang si Casey.
Nilingon ko 'yung pinagmulan at napahinto ako sa paghinga. 'Yung mga salita na sasabihin ko ay namatay sa lalamunan ko at ang tanging magagawa ko lang ay tumitig sa pamilyar na mga mata na kulay asul ng lalaki na minsan kong tinawag na matalik na kaibigan.
"Dom."