Kabanata 67
Bigla, yung feeling na may nanonood sakin, tumama sakin tapos yung kutob ko sinasabi na dapat kong sundin yung mga instinct ko na parang baliw na. Parehas na parehas yung feeling na nakuha ko nung pumunta kami sa Underground Place nung gabing yun at ang iniisip ko lang ay iligtas yung iba.
Sa gilid ng paningin ko, nakita ko yung maitim na silhouette ng sapatos na may halatang nakaumbok, parang itinutulak yung tela ng pantalon nung estranghero. Yung ibang parte ng estranghero ay natatago sa likod ng puno at bigla kong naramdaman na may mali. Anong pwede umumbok sa sapatos ng ganun? Ang hula ko, kutsilyo. Naramdaman ko yung pangingilabot sa katawan ko at sigurado ako na hindi dahil sa mga frostbites na nakukuha ko dahil nakadalawa ako ng damit.
Dahan-dahan akong tumayo sa mga daliri ko at dahan-dahang hinatak pababa si Adam sa pagyakap sa leeg niya. Iniisip ko kung paano ko sasabihin yung sitwasyon. Hindi naman pwede na basta ko na lang sasabihin lahat at hindi siya matataranta.
Nararamdaman ko na bumibilis yung tibok ng puso ko kada minuto. Sinubukan kong kumbinsihin yung sinuman na tumitingin sa direksyon namin na walang mali.
"Adam, may nanonood sa likod ng puno, bandang alas-onse ko. May kutsilyo sila."
Nanigas yung katawan niya sa isang segundo at agad akong nagpahid ng bilog at pinilit na i-relax yung balikat niya para hindi makahinala yung iba. Naririnig ko na bumibigat yung paghinga niya, kaya nilagay ko yung kamay ko sa dibdib niya. "Uy, okay lang. Hindi nila tayo kayang saktan. Lumalaban tayo. Okay lang tayo," sabi ko sa kanya ng mahina habang yung kabilang kamay ko ay hinahaplos yung mukha niya.
Ginunita ako ng konsensya ko tungkol sa posibilidad na yung nakaumbok ay holster ng baril at agad kong itinulak yung isip na yun sa pinakamalalim na hukay ng isip ko.
Huwag muna nating isipin yun.
"Case, kunin mo yung mga bata at yung mga magulang natin dito. Sabihan mo si Preston, alam niya kung anong gagawin. Isama mo si Jake at dalhin mo sila sa ligtas na lugar. Tumabi ka sa kanila," gusto kong tumutol pero pinakawalan na niya ako at inutusan ako ng utak ko na ilayo yung mga bata sa kapahamakan.
Pinilit kong gumalaw yung mga paa ko papunta sa mga bata sa normal na lakad kahit ang gusto ko lang ay magmadali at kunin sila kasama yung mga magulang ko at si Jerry. Kailangan kong magmukhang walang pakialam para hindi makahinala yung espiya namin.
Bumulong ako ng "Follow me" sa mga bata, hinawakan ko yung kamay nila at pumunta kung saan nakatayo yung mga magulang namin. Naalala ko nung naglalaro kami ng codes ni papa habang nanonood ng ‘Supernatural reference' na magkasama.
Sa seryosong ekspresyon, pinilit kong tumulo yung luha ko at niyakap ko siya ng mahigpit, sinusubukang paliitin yung galaw ng labi ko at manatiling tahimik sa aming mini-ebakwasyon. Kahit sino na makakita sa amin ay iisipin na isa itong ama na nag-cocomfort sa nagluluksa niyang anak.
"Poughkeepsie," naramdaman ko na nag-tense yung mga kalamnan ni papa bago niya kinuha yung kamay ni mama at tumingin kay Jerry sa tahimik na 'Takbo!' na tingin. Pinagsama ko silang lahat sa kotse, papunta kung saan nakatayo sina Jake at Monic na may lungkot na ngiti. Sa pagngisi at sa pinilit na ngiti na sana nakakakumbinsi, sinabi ko kay Jake na pumunta sa bodega at siya ang magdadala sa pamilya nina Adam at ako.
"Siguraduhin niyong walang sumusunod sa inyo," sabi ko sa seryosong boses na nagpapahiwatig ng pagkabalisa ko sa likod ng ngiting pinapakita ko. Buti na lang, gumagana yung utak niya at hindi na nagtanong. Hinila niya si Monic papalayo nang walang ibang salita. Lumingon si Monic sa akin na may nag-aalalang ekspresyon. Nginitian ko siya, sinusubukang itago yung takot ko. "Go," sabi ko nang hindi nagsasalita at pumunta para siguraduhin na okay na ang lahat.
Nakita ko si Preston papunta sa kotse. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya, mas mahigpit pa sa pagyakap ko sa kanila.
"Kailangan ni Adam yung tulong mo, grabe," bumulong ako ng mahinang boses, sinusubukang iparating yung pagkaapurahan ng sitwasyon. Sino ang nakakaalam kung anong armas meron yung lalaking yun at sigurado akong hindi ako magtatangkang sumugal.
Nagmadaling tumulong si Preston sa kapatid niya habang patuloy kong inilalagay yung parehong pamilya namin sa kotse at sinabi ko sa kanila na dapat nilang sundan si Jake na nasa motor na kasama si Monic sa likod niya, nakabihis na para umalis. Bago ako makatakbo pabalik kay Adam, nahawakan ako ni mama sa kamay. Sinubukan kong tanggalin yung mga daliri niya, iniisip na pagbabawalan niya akong bumalik, dahil sa kung gaano kaming hindi mapakali ni papa.
Pero imbes na sabihin sa akin na sumakay sa kotse, tiningnan niya ako ng diretso sa mata at sinabi sa akin yung isang bagay na hindi ko na naririnig na sinasabi niya sa akin simula pa noon.
"Anuman ang mangyari, alamin mo na ipinagmamalaki kong tawagin kang anak ko. Laging naging ipinagmamalaki," yung pahayag na yun ay nagpaiyak sa akin. Tumango ako at hinalikan siya sa pisngi.
Naging mabigat yung puso ko pero kumirot sa simpleng pahayag. Mga salita lang yun pero yung marinig yun sa unang pagkakataon simula nung mga buwan ay nagkaroon ng malaking pagbabago. Alam kong ipinagmamalaki niya ako pero yung marinig talaga na sinabi niya yun ay nagdulot ng malaking bukol na sumiksik sa lalamunan ko.
"Mahal kita, mama."
"Mahal din kita, sweetie. Mag-ingat ka," nagtanim siya ng mabilis na halik sa pisngi ko bago umalis yung kotse, dala-dala yung halos lahat ng mahal ko.
Hindi ako nagtagal para bumalik at hanapin si Adam at Preston. Mag-iinit ang impyerno bago ko iwanan si Adam sa kapahamakan na wala ako. Alam ko na kaya niyang labanan yung mga taong gustong saktan siya pero hindi ako makakaupo nang tahimik sa kotse, alam na maaari siyang masaktan.
Ang iniisip ko lang habang tumatakbo ako sa mga flats at sa itim na damit na suot ko ay kung anong uri ng panganib ang maaari nilang harapin. Yung katotohanan na wala ako sa tabi niya ay nagiging sanhi ng pagbigat ng puso ko nang paulit-ulit at hindi yun yung magandang klase.
Diyos, kung nakikinig ka man ngayon, pakiusap, protektahan mo yung dalawa sa panganib. Ikaw lang ang nakakaalam kung ano ang magiging resulta ko kung sakaling mawala pa ako ng isa pang mahal sa buhay.
Pero sa pag-iisip ko nun, nakita ko yung isang anyo sa lupa, hindi gumagalaw na may pamilyar na buhok at naramdaman ko na inaalis yung dugo sa mukha ko.