Kabanata 83
Mga ilang metro pa, nakita ko 'yung maliit na park at natigilan ako sa nakita ko. Dahan-dahan akong naglakad, tapos natigil na talaga 'yung mga paa ko sa lupa.
Nakita ko 'yung lalaking nagbanta sa pamilya ko na nakatayo sa likod ng isang bata na nakaupo sa swing. Tinulungan niya itong itulak nang marahan at 'yung batang babae tumili sa tuwa, 'yung maitim niyang buhok nalalaglag sa likod niya tuwing itutulak siya ng matandang lalaki. 'Yung maliliit niyang kamay nakahawak sa mga kadena na humahawak sa swing at 'yung mga mata niya nakapikit habang 'yung dalawang lalaki naglalaro sa slide na mga isang metro ang layo.
'Di ko namamalayan, nagsimula akong gumapang palapit at nagtago sa likod ng isang puno. Malapit na ako para marinig 'yung sinasabi nila at ang naririnig ko lang ay tawanan at ang tili ng batang babae.
"Colton, ako naman pagkatapos ni Ollie?" Tanong sa kanya ng isa sa mga lalaki. May blonde na buhok siya at may suot siyang asul na damit at mas madilim na asul na pantalon. Nakatayo siya sa tabi ng slide habang 'yung isang lalaki umaakyat na sa hagdan para maglaro ulit.
'Yung isang lalaki kayumanggi at mukhang mas matanda nang kaunti sa batang babae pero mas bata talaga sa batang blonde. Walang kahit isa sa mga bata ang parang nagpansin sa pagkakaiba ng kulay ng balat nila o pinagmulan. Napangiti ako sa nakita ko at sa isang minuto, nakalimutan ko na sinusundan ko 'yung lalaking nagbanta sa kaligtasan ng pamilya ko.
At least hindi sila mukhang kinidnap kasi lahat sila mukhang gusto nila itong si ‘Colton' na 'to. Hindi naman siya mukhang masama sa mga batang 'to pero hindi ko siya mabibigyan ng kahit ano pa man dahil nag-blackmail siya sa akin.
Ginamit ko 'yung susunod na 10 minuto sa paglilibot at sinusubukang magtago sa paningin nila. Ilang beses na siguro naramdaman ni Colton na may nanonood sa kanya at, mula sa kinaroroonan ko, nakita ko na nililingon niya 'yung paligid na nakakunot 'yung noo. Sa huli, umabot sa puntong inutusan niya 'yung mga bata na manatili at magbantayan habang siya lumayo at naglakad-lakad. 'Yun na 'yung huling kailangan para tumakbo ako palabas ng pinagtataguan ko bago niya pa ako mahanap.
Hinila ko 'yung hoodie sa ulo ko at hinigpitan para hindi mahulog bago tumakbo palayo, naririnig 'yung galit na sigaw ni Colton sa likod ko.
'Yung tunog ng mga bota na tumatama sa lupa na mas mabilis pa sa takbo ng mga sapatos ko nagpadala ng takot sa akin. Binilisan ko 'yung pagtakbo ng mga paa ko at lumiko sa isang tagong eskinita, tumatakbo palampas sa mga gusali, pasok at labas sa mga pangunahing kalsada na may mga kotse na bumubusina sa akin.
Isang kotse bumusina nang malakas na ikinagulat ako sa isang sandali bago ko nalaman na mababangga ako kung hindi ako iisip ng isang bagay agad. Hindi ako pwedeng huminto ngayon; mahahabol ako ni Colton at malalaman niya kung sino ako at tapos malalaman niya na sinusundan ko sila sa park. Tapos malamang papatayin niya lahat ng mahal ko.
Isang malayong alaala kung paano ako tinuruan ng kapatid ko tumalon sa hood ng kotse noong bata ako ang pumasok sa isip ko at umakto na 'yung mga kamay at paa ko, umaasa sa memorya para gabayan 'yung mga galaw nila, ang kaya ko lang gawin ay ipagdasal na hindi ko babaliin ang leeg ko habang ginagawa 'to na parang muntik ko nang ginawa noon.
'Yung kotse paparating sa akin at pinaghandaan ko 'yung sarili ko, tumakbo nang palapit at kinakanta 'yung ‘Just do it!' sa isip ko sa pang-ilang beses na habang itinutulak ang lahat ng alalahanin ko.
Noong 'yung kotse nasa harap ko na, sinugod ko 'yung sarili ko papunta dito at inabot ko, ipinatong ko 'yung palad ko sa ibabaw ng mainit na takip ng makina at tumalon pasulong, sinasabay ko 'yung pag-indayog ng mga paa ko at itinuwid ko 'yung katawan ko gamit ang kamay ko bilang pivot. Hindi ako tumigil kahit tumama 'yung mga paa ko sa semento; tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa malayo na ako para makaramdam ng ligtas.
Sa wakas tumingin ako sa likod at noong wala akong nakitang bakas ng humahabol sa akin, nagsimula akong maglakad pabalik sa kotse ko at binigyan ko 'yung sarili ko ng kaunting oras para huminga. Hindi madaling kalokohan 'yun. Sa tingin ko nasunog ko lahat ng kaloriya na nilagay ko noong nakaraang buwan. Lalo na 'yung pagtalon sa kotse na 'yun; himala na hindi ako inatake sa puso kung gaano kabilis 'yung tibok ng puso ko.
Tanghali na noong sa wakas naabot ko 'yung kotse ko at nagpatuloy sa paglalakbay ko pauwi.
Sa buong biyahe pauwi, nagtataka ako kung ano ba talaga 'yung ginagawa niya sa maliit na bayan na 'yun. Nandoon ba 'yung pamilya niya? Nilalabas lang ba niya 'yung mga bata para sa isang mini-getaway? Dumadalaw ba siya sa isang tao? Dumadalaw ba siya sa mga bata?
Kahit noong nakarating ako sa bahay at pumasok sa walang laman na bahay, hindi ko mapigilang kwestyunin 'yung negosyo niya sa bayan na 'yun.