Kabanata 84
"Sa susunod, ako naman ang magda-drive."
"Wala nang susunod," ngumunguso kong sagot sa inis. Hindi naman ako ang may kasalanan kung bakit ako pinipikon ni Jake. Nagpakita na lang bigla, e. At 'di pa nag-isip, isinama pa si Monic.
"Hala ka, Case. 'Wag ka naman magalit sa kanya, binayaran ko 'yan para samahan ako at 'di mo naman ako masisisi kung mag-alala ako. Ang huli naming kita ay no'ng libing ni Carla. Tapos 'yung insidente na 'yon, tapos tinaboy mo pa lahat ng tao. Masama bang gusto kong makasama 'yung pinsan ko?" rant ni Monic tapos nagbuntong-hininga ako, binaba 'yung kamay ko sa manibela.
"Hindi 'yun ang problema, Mo. Halos hindi nga maituturing na quality time 'to kasi nasa isang street-fighting competition tayo, ilegal pa, ah." Alam naming dalawa na malayo 'to sa normal na quality time ng magpinsan.
Alam ng Diyos kung gaano ako na-freak out no'ng nakita ko silang naghihintay sa sala ko at sinabi na magiging loyal companions ko raw sila ngayong gabi.
Rinig ko 'yung paghinga ni Monic dahil sa mga sinasabi ko, pagod na sa walang kwentang argumento dahil nakarating na rin naman kami. Wala nang bawian unless tawagan ko sila ng taxi at ipilit silang sumakay.
Unang bumukas 'yung pinto ni Monic, tapos 'yung kay Jake naman ang huli. Nagmadali akong sumunod kay Monic, sinusubukang takpan siya mula sa mga mata ng mga estranghero na napatingin sa amin. Magsisinungaling ako kung wala akong natatanggap na tingin dahil sa reputasyon ko sa Underground Place pero 'di mo naman ako maaasahan na hayaan silang kabisaduhin 'yung mga features ni Monic para sundan siya sa kuwarto niya at titigan siya habang natutulog.
Hindi ako paranoid o negatibo mag-isip, nag-iingat lang ako at nag-aalala sa baby kong pinsan. Halika, isa kang ilegal na street fighter na may mga gang na humahabol sa 'yo. Tingnan mo ako sa mata at sabihin mong hindi mo rin gagawin 'yan para sa mahal mo.
Akala ko na nga.
Masikip 'yung lugar katulad ng dati at dahil hindi ko maiwan si Monic at Jake hangga't 'di ko alam na nasa safe corner sila, ginabayan ko sila sa likod ng mga pawisang katawan ng mga tao na nagche-cheer at nag-iingay para sa fighter na pinagpustahan nila.
Pinaupo ko sila sa isang madilim at halos walang tao na sulok kung saan hindi sila makikita at makakapanood pa rin kung ano ang nangyayari sa ring.
Bago ako umalis, sinigurado ko na naiintindihan ni Jake kung gaano ka-delikado 'yung lugar at kung gaano siya dapat mag-ingat para protektahan si Monic mula sa mga manyakis.
Pinisil ko ng konti 'yung kamay ni Monic bago ako umalis para hanapin si Levy, hawak ko 'yung burner ko sa isang kamay, dinayal 'yung number niya, habang nililibot ng mata ko 'yung maraming tao. No'ng sumuko na ako at nagpasya na dumaan na lang sa backdoor mag-isa, bigla niya akong nilapitan mula sa likod.
Nagulat ako at agad akong naghanda para manakit sa umatake sa akin bago ko napagtanto na si Lev lang pala.
"Yo, pandak?" bulong ko sa mahinang tono niya matapos niya akong gulatin at nagpatuloy sa paglakad, hinayaan ko siyang sumunod.
"Dahil lang sobrang tangkad mo, Lev, hindi ibig sabihin na pandak ako. Matangkad ako para sa edad ko, matanda ka na." sagot ko, at nakakuha ako ng malakas na tawa mula sa kanya.
"Ang agwat ng 5 taon sa edad ay hindi ginagawang matanda, pandak." Ngumiti siya ng paliko.
Nakarating na kami sa backdoor kung saan, katulad ng dati, isang malaking lalaki ang nagbabantay sa pinto na may matigas na mukha. Ipinakita namin 'yung passes namin at binuksan niya 'yung mabigat na pinto para sa amin. Pumasok kami at pumunta sa changing room, sinimulan namin 'yung warm up routine.
"Lalaban ka ngayong gabi?" tumango si Levy sa tanong ko habang nag-uunat ng kanyang mga binti.
"Pagkatapos mong manalo," ngumiti ako sa kanyang mga salita; napaka-positive. Komportableng katahimikan ang bumalot sa amin habang patuloy kami sa pag-uunat hanggang sa magpasya si Lev na kailangan ko ng isang huling paalala sa laban ko ngayong gabi.
"Pix, tandaan mo na 'yung laban ngayong gabi ay mas brutal at walang awa kaysa sa mga nauna mong laban kaya kailangan mong ibigay lahat do'n." Tumango ako sa kanyang mga salita. Paano ko makakalimutan, 'yung huling laban ko no'ng competition na 'to ay napilitan akong masaktan 'yung paa ng isang lalaki na nagresulta sa isang nagagalit na big brother bear.
Kinilabutan ako sa alaala, sa kakaibang pakiramdam ng takot na naramdaman ko no'ng gabing 'yon no'ng pwede na sana akong talunin ng kalaban ko kung hindi ko inatake 'yung paa niya. Malapit na 'yon at isipin na warm up pa lang 'yon ay nagdulot ng anxiety sa akin.
Hindi nakatulong na si Levy, sa lahat ng tao, ay tila talagang kinakabahan para sa akin. Si Levy na Dakila ay hindi basta nagiging 'nerbiyoso'. Nagiging mayabang o nag-aalala siya; wala nang iba pa. Kaya 'yung makita siyang kinakabahan para sa akin ay naglalagay ng malakas na alarma sa ulo ko.
Hindi naman araw-araw mong nakikita 'yung dakilang Lev na halos takot para sa ibang tao. Hindi man lang siya natatakot kung may kinalaman sa kanya. Hindi ko alam kung matatakot ako para sa buhay ko o dapat akong magpasalamat.
Nag-focus ulit ako para makita siyang nakatingin sa akin na may inis.
"Pwede ba, 'wag ka na mag-space out? Seryoso 'to. Wala akong sakit na pagnanais na ipasok ang libing mo sa sobrang siksik ko nang schedule, Pix."
Nagbuntong-hininga ako, nakakuha ng pagkakataon na tumango sa kanyang mga salita. Akala niya hindi ako nakinig sa kanya dahil hinahayaan ko lang 'yung bagay-bagay, kabaligtaran 'yon ng nangyayari sa isip ko.
Isang tingin mo lang malalaman mo na hindi ako okay na bumalik sa kompetisyon na 'to. Ang tanging motivasyon ko ay nawala na at ang kakulangan sa motivasyon at pagbaba ng adrenaline ay magdadala lang sa 'yo ng kamatayan sa arena na 'yon.
Huminga ako ng pagilid, sinusubukan na 'wag hayaan 'yung kawalan ng lakas ng loob ko na makita sa maskara na ginawa ko para sa sarili ko.
No'ng nakaya ko nang bawasan 'yung pag-aalala ko, isang katok sa pinto ang nagpabalik nito nang sampung beses. Napahiyaw ako ng malakas at siguro naintindihan ng nasa kabilang pinto na hudyat na buksan ang pinto.
"Sunod ka na, tara na." Sabi ng babae. Nakasuksok 'yung earpiece niya sa tainga niya katulad ng dati at nagbuntong-hininga ako, pinatong ko 'yung hita ko bago tumayo sa dalawa kong paa, itinulak ko palayo 'yung mga pag-aalala ko.
Ang pag-amin sa mga damdamin sa sarili mo ay gagawing mas totoo kaysa sa pagtanggi kaya 'yon 'yung ginawa ko.
Binigkas ko 'yung maliit na mantra sa isip ko at natagalan pa ako para talagang pakinggan 'yon at sumuko sa mga salita.
"Malakas ka, kaya mo 'to. Kaya mo 'to. Malakas ka."