Kabanata 9
Nagkataon naman, pupunta sa business trip ang mga magulang ko sa Biyernes na 'yon. Tanggal na 'yon sa listahan, sunod na problema ay paano naman ako mabubuhay sa party na 'to?
Si Adam susunduin ako ng 6 at ihahatid ako pauwi kung anong oras na. Kaya heto ako, naka-oversized t-shirt at baggy jeans, naghihintay sa may pintuan na sunduin ako ni Adam.
Lumakas ang tunog ng makina palapit at tumayo ako mula sa pagkakaupo ko papunta sa gate at binuksan 'yon ng konti para makalusot ako. Pagkatapos siguraduhin na naka-lock, humarap ako kay Adam na nakaupo sa motor niya na, aaminin ko, astig tingnan, mas astig ng konti sa baby ko.
Ay naku, nagbibiro lang ako, walang mas maganda sa baby ko.
"So, sasakay ka na o dadaan muna tayo sa 'Walang paraan sa mundo na sasakay ako sa bangkang de-kamatayan' phase?" Pang-aasar niya sa akin gamit ang boses na parang chipmunk. Inirapan ko siya at kinuha ang helmet na inaalok niya sa akin bago isinuot 'yon.
Sumakay ako sa motor sa likod niya ng walang pag-aalinlangan. Pinanood niya ako na may semi-amused, semi-impressed na ngiti
"Baka gusto mong kumapit, sweetheart." Sabi niya sa akin habang tinadyakan ng paa niya ang stand at binuhay ulit ang makina. Nang hindi ako gumalaw, tumawa ulit siya bago ginawa ng kamay niya na umikot sa likod niya at hinawakan ang kamay ko, ginagabayan 'yon na umikot sa bewang niya at nagpasya akong hayaan siya na magsaya saglit.
Pagkaalis niya sa mga kamay niya at nag-umpisa na siyang mag-speed up, inalis ko ang kamay ko sa bewang niya at kumapit sa balikat niya sa halip. Ang huling taong ginawa kong yakapin ng mga kamay ko ay ang lolo ko nung 10 taong gulang pa ako at siguradong hindi ko ibibigay ang pribilehiyong 'yon sa nakakainis na lintik na 'to.
Nang dumating kami, nag-o-overtime ang party at sobrang siksikan. May magkasintahan na naglalandian sa hagdanan kaya nang makababa na kami sa motor at papunta sa entrance, wala kaming choice kundi makialam sa paglalandian nila.
Hinawakan ni Adam ang likod ng damit ng lalaki, pinilit silang maghiwalay at nang humarap ang lalaki kay Adam, nawala ang masamang tingin niya at isang malaking ngiti ang sumilay. Ginaya ni Adam ang ekspresyon niya bago ginawa ang handshake na tinuro sa akin ng kapatid ko ilang taon na ang nakalipas.
Humarap ako sa babae na nakatulala sa akin. Parang pamilyar siya sa kung saan. Bago pa man mag-click ang lahat, inatake niya ako at niyakap ako na parang nakasalalay ang buhay niya dito, habang nagugulat ako at nagiging dahilan ng pagkadapa ko ng konti pero sa wakas ay nakahawak ako sa kanya at nakuha ko ulit ang balanse ko
"Case!" Tili niya at hindi ko mapigilang ngumiti sa boses niya.
"Monic, anong ginagawa mo rito?" Sigaw ko. Humagikhik siya at mukhang nahihiya bago tinuro ang lalaki sa tabi ni Adam na nakatingin sa eksena na nagaganap sa harap niya na parang pelikula.
"So, magkakilala kayo?" Tanong ng kaibigan ni Adam.
"At ikaw naman?" Tanong ko sa kanya pabalik habang nanliliit ang mga mata ko.
"Boyfriend niya ako." Sagot niya.
"Ate niya ako." Singhal ko, ayaw ko kung paano niya kilala si Adam at nililigawan si Monic.
"Pinsan," pag-correct ni Monic.
"Parehas lang 'yon!" Argumento ko.
"Anyways, sino 'tong lalaki?" Tinuro ni Monic si Adam.
"Best friend ko 'yan mula pa sa diaper. Monic, Adam. Adam, Monic." Pagpapakilala niya sa kanila at biglang nagtinginan silang dalawa kay Adam at sa akin na may pag-asa.
"Ano?" Tanong ko.
"Kayo na ba?" Binoses ni Monic ang kanyang iniisip na may nakataas na kilay.
"Oo."
"Hindi."
Sinamaan ko ng tingin si Adam. "Walang kwenta na mahuhuling patay ako na girlfriend mo."
Tinignan ako ni Adam na may paghamon at hinarap ko 'yon ng diretso. "At bakit hindi?"
Nakita ko na pinipigilan niya ang ngiti sa paraang bahagyang gumilid ang mga gilid ng labi niya sa isang natatawang paraan na naging dahilan ng pagliit ng mga mata ko sa kanya.
Humakbang ako papunta sa kanya bago siya sinuntok sa dibdib gamit ang daliri ko. "Kasi," suntok, "ikaw," suntok, "ay," suntok, "isang" suntok "dollop- head (galing sa Merlin, TV Show)", suntok. "At saka hindi mo naman ako niligawan." Humakbang ako paatras na may kibit-balikat.
"Pwedeng ayusin 'yon," sabi niya ng kaswal, naglalakad papunta sa akin, tumingin siya sa mga mata ko at nagtanong ng mahinahon, "Cassandra, pwede ba kita maging girlfriend?"
Nagkunwari akong tumili at tumalon-talon bago tumahimik at hinayaan kong tumigas ang mukha ko bago sumagot ng maikli, "Hindi."
Humagikhik si Monic at ang boyfriend niya. "Gusto ko siya." Sabi niya.
Tumama ang tingin ko sa kanya, sa wakas ay naalala na may hindi pa ako natatapos na negosyo sa kanya at naglakad ako patungo sa kanya habang napalunok siya, nawawalan ng kulay ang mukha niya. Hinawakan ko ang damit niya bago inilagay ang mukha ko na delikadong malapit sa kanya.
"At ikaw. Sinasabi ko na sa'yo ngayon. Saktan mo ang kapatid ko at ang itlog mo ang nakataya. Kaya siguraduhin mo na hindi siya pupunta sa akin na umiiyak tungkol sa kung paano mo siya niloko o pinaglaruan ang nararamdaman niya o hahabulin kita at papatayin kita habang natutulog ka. Tandaan mo ang mga salita ko." Mahina pero matatag ang boses ko kaya siya lang ang makakarinig. Pagkatapos ay inalis ko ang pagkakahawak ko sa kanya at humakbang paatras, naglagay ng matamis na ngiti sa mukha ko at nagtanong muli sa kanya, "Capiché?"
Tumango siya ng matindi na may malalaking mata, na tila natatakot sa mabilis na pagbabago ng mood ko bago humakbang palapit kay Monic at hinalikan ng sunud-sunod ang tuktok ng ulo niya. Humagikhik si Monic sa kanya at itinulak siya palayo. Kinindatan ko siya at ngumiti habang siya naman ay ngumiti lang sa akin.
Hinawakan ni Adam ang kamay ko, sinamaan ko ng tingin 'yon pero parang hindi niya 'yon bibitawan sa anumang oras kaya hinayaan ko siyang gabayan ako sa malaking bahay. May mga taong nakatingin sa akin, malamang dahil sa damit ko pero hindi ko sila pinansin na parang salot at nagpatuloy na naglalakad sa gitna ng mga tao na parang hindi alam.
Sumunod sa amin si Monic at ang boyfriend niya habang naglalakad kami papunta sa kusina para kumuha ng mga inumin.
Nakatuon lang ako sa pagtingin sa dance floor sa pagkasuklam, nararamdaman ang tiyan ko na kumukulo sa pagkasuya, kung saan halos nagda-dry humping ang mga tao na hindi ko tiningnan kung saan ako pupunta hanggang sa nakabangga ako ng isang tao at natalsikan ng likido ang damit ko. Umungol ako sa pagkainis.
"Tignan mo ang ginawa mo!" Sumigaw ang isang boses. Aw hell naw. Bakit ba kailangan ako kamuhian ng realidad?