Kabanata 103
Wala na siya.
Wala na si Levy.
Hindi, hindi ko sinasabi sa metapora. Literal na wala na siya.
Naputol na 'yung tali at 'yung pwesto niya kanina, malamig na. Umalis na siya bago ko pa man siya macheck.
Dapat chineck ko 'yung mga gamit niya. Ugh. Kaya ayoko maging mafia o pulis. Ang dali ko kasing maloko.
Sumpa ko, pag nahuli ko ulit siya, patay na patay siya. Sawa na 'ko na pinupunit 'yung tiwala ko kada buo ko ulit. Hindi ko na ata kaya na maulit 'to. Sobrang sakit; magtiwala tapos malalaman mong mga walang kwenta lang pala sila.
Bumalik ako sa bahay pagkatapos kong makita na wala na siya. Natulala ako sa gulat at parang hindi totoo lahat ng nangyayari. Hindi ko na pinilit na alisin 'yung pamamanhid, ayoko harapin 'yung realidad at ayoko isipin kung saan na siya pumunta at ano ginagawa niya.
Ang dapat ko lang problemahin ngayon ay kung paano ako makakakuha ng mga fighting schedule ko. Alam ko kung kailan 'yung next fight ko pero si Levy dapat 'yung magsasabi sa'kin tungkol sa ibang fights. Ibig sabihin, malamang may nagte-text o tumatawag sa kanya para sabihin kung kailan.
Kailangan kong makipag-ugnayan sa isang tao na nasa loob. Sa pag-iisip tungkol sa kompetisyon, nagtataka ako kung bakit inalok ako ni Levy ng kompetisyon na 'to bilang paraan para makaalis ako sa sitwasyon ko. Parang may mali rin sa kompetisyon na 'to. 'Yung nangyari sa lalaking may sugat sa paa at sa kapatid niya, parang planado. O baka swerte lang nila.
Pero hindi ba sobrang malaking coincidence na 'yung lalaking nakabangga kay Adam at nagpaka-amnesiac, kapatid ng lalaking sinugatan ko at ang ginawa lang ni Dom ay inutusan si Adam na saktan ako?
Nakita siguro ni Dom 'yung pagkakataon at sinunggaban niya, 'yun lang ang alam ko sa ngayon. 'Yung iba, puro tanong at posibilidad. Pinlano man nila o hindi, nagtagumpay sila na mapasali ulit ako sa kompetisyon.
Pagkatapos nung huling insidente, baka pinusta na nila na papasok ulit ako sa walang kwentang kompetisyon na 'yun. Sana lang, hindi talaga kontrolado ng gang ni Quentin 'yung kompetisyon dahil siguradong hindi ako magtatapos ng maayos.
Hindi talaga ako makakaalis ng buhay sa kompetisyon na 'yun.
'Yung isiping 'yun nagdulot ng isa pang tanong tungkol kay Levy. Matagal na ba siyang walang puso? Wala ba talaga siyang pakialam sa kapakanan ko; pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan natin? Nabilaukan ba siya sa mga salita niya nung sinabi niya na sumali ako sa kompetisyon na 'to? Pinatay ba siya nung alam niyang pinapasali niya ako sa kompetisyon na pwedeng magpadugo sa'kin? Nagkaroon ba talaga siya ng pakialam sa'kin?
Hindi ako sigurado kung gusto kong malaman 'yung mga sagot. Ang alam ko lang, hindi na siya kaibigan at kailangan ko nang masanay sa mga pagtataksil na ginagawa ng mga taong nagsasabing kaibigan ko sila, at posibleng pamilya; dahil duda ako na may katapusan 'to hanggang sa mamatay ako. Ang alam ko lang, hindi ko dapat itinutulak palayo ang pamilya ko. Pero kailangan kong pigilan ang sarili ko na masyadong kumapit.
Mahirap pero kailangan kong mabuhay sa gulo na 'to hanggang sa matapos ko ang ###Kabanata ng buhay ko. 'Yun ang pinangako ko sa sarili ko. Sinabi ko sa sarili ko na lalabas ako sa gulo na 'to at mabubuhay ako bilang isang normal at disenteng tao. Magkakaroon ng pamilya, magkakaroon ng legal na trabaho, wala nang street fighting.
Lalampasan ko 'to at lalampasan ko 'to nang walang mga walang kwentang tao na bumubuhos sa'kin.
Buong panahon na naglalaro sa utak ko 'yung mga isiping 'to, nakaupo ako nang hindi ko namamalayan sa upuan sa likod ng counter sa kusina. Pumasok si G. Huang sa pinto ng kusina at nakita ako pero hindi nagtanong. Gumalaw siya sa kusina nang tahimik, kinuha niya 'yung kailangan niya at umalis para bigyan ako ng espasyo.
Pero hindi nagtagal 'yun tulad ng iniisip ko, eh.