Kabanata 125
Tumaas ang kilay ko, inangat ang sarili ko mula sa upuan at itinama ang likod ko. Ginawa ko 'yon para hindi ako masyadong maliit dahil nakatingin siya sa akin. Pero sa tingin ko, walang gaanong nagbago nang tumayo ako. Alam ko naman na mas matangkad ako sa karamihan ng mga babae pero ang lalaki ng lalaking 'to. Mahihirapan akong hindi makaramdam ng liit sa tabi niya.
"Ano'ng gusto mo?" tanong ko sa kanya. Nakatingin pa rin sa kanya sina Preston at Adam. Si Adam mas naguguluhan at nagtataka na parang sinusubukan niyang alamin kung magkakilala sila at si Preston naman, nakabantay.
Alam ko na pareho silang hindi nakilala si Cole bilang 'yung lalaking nag-blackmail sa akin na manatili sa kompetisyon na pwedeng ikamatay ko dahil hindi naaalala ni Adam at sa tingin ko, tulog na tulog si Preston no'ng mga oras na 'yon. Kahit na hindi ako sigurado kung nakita ni Preston nang maayos ang mukha niya bago siya mawalan ng malay, wala rin namang silbi kung nakita niya man.
"Tandaan mo 'yung deal natin. Siguraduhin mong mabuhay ka hanggang magkita tayo sa ring," 'yon lang ang sinabi niya bago siya tumalikod at umalis ng restaurant. Siguro naisip niya na hindi magandang ideya na kumain sa lugar na kasama ko.
Anong akala niya gagawin ko kung nagdesisyon siyang kumain dito? Lalasunin ang pagkain niya? Kung natatandaan ko, hindi naman ako 'yung psychopath na naghahanap ng paghihiganti. Kahit na hindi ko masabi na hindi ko susubukan ang kahit ano kung sakaling mag-stay siya. Siguro, ginawa niya 'yung pinakamatalinong desisyon sa paglabas niya ng pintuan.
Pangalawang magsara ang pintuan sa likod niya, umupo ulit kaming lahat at sinamaan ko ng tingin 'yung lahat ng natitirang titig na nakatuon pa rin sa amin.
Tinatanong ni Adam si Preston, si Preston nagkibit-balikat at lumingon sa akin.
"Kung handa ka nang magpaliwanag kung tungkol saan 'yon, Case," naputol si Preston. Siguro kailangan ko nang magpalit ng trabaho, maging storyteller na lang.
Bumuntonghininga ako habang kinukusot ko 'yung mata ko. "Si Cole 'yon, sa tingin ko. Hindi ako sigurado pero sa tingin ko, 'yon ang pangalan niya. Ipaliwanag ko kung paano ako nakarating sa konklusyong 'yon mamaya. Ang unang kailangan niyong malaman ay siya 'yung lalaking nag-blackmail sa akin na manatili sa kompetisyon sa kalye." Tumingin ako kay Adam at nagpaliwanag pa. "Pumunta siya sa burol ng nanay mo para takutin ako at pinatulog niya si Preston habang ginagawa niya 'yon. Galit siya dahil nasugatan ko ng husto 'yung kapatid niya sa isa sa mga laban na ginawa ko para sa kompetisyon hanggang sa maapektuhan 'yung pag-iisip ng kapatid niya. Binantaan niya na sasaktan niya 'yung mga taong mahal ko kung hindi ako mananatili sa kompetisyon. Kung hindi aksidente 'yung nangyari sa 'yo, taya ko siya ang may gawa."
Huminga ako sandali bago ko itama ang sarili ko. "Teka, hindi. Taya ko muna si Dom bago ko siya tayaan. Pero gets mo na 'yung point."
"At tungkol sa pangalan niya?" tanong ni Preston.
"Ay, oo nga pala. So, nakita ko siya dalawang beses kasama 'yung mga batang sa tingin ko ay mga pamangkin niya o kung ano man 'yon at narinig ko silang tinatawag siyang Cole kaya ayun," nagkibit-balikat ako.
Umupo ulit si Preston sa upuan niya, hinahayaan na pumasok 'yung lahat ng sinabi ko. Si Adam, nakatingin lang sa wala sa balikat ko. Binigyan ko sila ng oras para matunaw 'yung sinabi ko habang dumating na 'yung pagkain at nagsimula na akong kumain.
"'Yung kompetisyon ba 'yon 'yung pinag-uusapan mo kagabi?" tanong sa akin ni Adam. Tumango lang ako, ngumunguya ng pagkain at siguro mukha na akong chipmunk sa dami ng pagkain na sinasaksak ko sa bibig ko.
"Legal ba 'yon?" Tanong niya ulit. Uminom ako ng soda ko para matulungan akong lunukin 'yung pagkain sa bibig ko.
"Sa tingin mo?" sagot ko, sinubo ulit 'yung isang buong bunganga ng malambot at malambot na pancake na nalulunod sa maple syrup. Gustung-gusto ko ang pancake.
"Bakit ka pa sumasali sa kompetisyong 'yon? Hindi ka ba nag-iisip na mapanganib? I mean, nawala na nga 'yung memorya ko pero hindi naman ako nagiging tanga, alam ko na ang ilegal na kompetisyon ay kadalasang may namamatay," tanong ni Adam at tinuro ni Preston si Adam na parang sinusuportahan 'yung sinabi ng kapatid niya. Gusto kong irapan silang dalawa. Si Preston, pinoproblema ako tungkol sa pagtigil sa kompetisyon simula nang malaman niya kung gaano ito kapanganib at ngayon, ganun din si Adam.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganun din si Adam. I mean, oo, siya ang boyfriend ko; pero nawala na nga 'yung alaala niya. Yung nararamdaman niya, parang na-reset at kinasusuklaman niya 'ko sa bawat hibla ng pagkatao ko. Parang na-whiplash ako sa bilis ng paglaki ng pakiramdam niya para sa akin sa napakaikling panahon. I mean, seryoso, gusto akong patayin ng lalaking 'yan gamit ang sarili niyang mga kamay at ngayon, nagmamalasakit siya sa kaligtasan ko.
"Well to be fair, wala pa akong nakikitang namamatay na kalahok..." naputol ako at pareho silang nakatingin sa akin na parang isa akong kumpletong tanga.
"Hindi niyo ba narinig 'yung sinabi ko at/o sinabi ko kagabi? Hindi ako pwedeng tumigil sa kompetisyon o masasangkot ang kaligtasan ng lahat! I mean Adam, naiintindihan ko kung hindi mo 'yan gets pero Pres? Sinusubukan kong ipasok 'yung katotohanang 'to sa makapal mong ulo simula pa no'ng nilikha ng Diyos ang buong mundo!"
Hindi ko na namamalayan na winawagayway ko na 'yung tinidor ko. Si Adam, binabantayan 'yon nang may pag-iingat habang dumaraan 'yung mga tao sa mesa namin at muntik nang matusok ng kutsara't tinidor.
"Oops," binaba ko 'yung tinidor na nahihiya. "Anyways, gets niyo na 'yung point ko. Paano kung puntiryahin niya sina Cali at Pio? Kailangan niyong sumang-ayon na hindi dapat mangyari 'yon. Sinisigurado ko lang na hindi mangyayari 'yon sa pamamagitan ng pagsisikap na mabuhay sa kompetisyon hanggang sa makilala ko 'yung lalaking 'yon. Tatalunin ko siya bago niya ako mapatay at titigil ako pagkatapos ng laban namin. Simple." Kumagat ako sa hash brown ko bago ako kumain ulit ng pancake.
"Bakit hindi ka na lang maging normal na tao at pumunta sa mga pulis sa halip na hayaan silang harapin 'yon mula doon?" nagreklamo si Preston sa pagkabigo, iniling niya 'yung ulo niya. "Mahalaga rin ang buhay mo, tanga."
Tumaas ang kilay ko sa pinili niyang salita. Hindi ko akalaing matalino 'yung lalaking 'yon para gumamit ng ganitong sopistikadong insulto.
"Ilegal na kompetisyon sa kalye na may pangalan ko bilang kalahok ay katumbas ng selda, sa tingin mo? At paano kung utusan niya 'yung ibang kaibigan niya na saktan sina Cali at Pio pagkatapos kong ireport siya? Napanood ko na ang sapat na pelikula para malaman na hindi basta-basta nagtatapos ang lahat kapag nasa likod ng rehas 'yung masasamang tao," argumento ko sa mungkahi niya. Itinuro niya ako gamit ang tinidor niya at sinabi niya na imposible ako.
Sabi sa akin ni Adam noon na ang pagtatalo sa akin ay parang pagtatalo sa isang pader kaya walang bago doon.
"Ayoko lang sa konsepto na nilalagay mo ang sarili mo sa alanganin para sa 'paano kung's'," bumuntonghininga si Preston sa pagkatalo, tinutulak 'yung fries niya sa paligid ng plato niya. Ninakaw ko 'yung fries at sinubo sa bibig ko.
"Mababawi mo 'yan sa pamamagitan ng pag-treat sa akin ng ice cream," suhestiyon ko at tiningnan ako ni Adam nang kakaiba. "Ice cream lang ang gusto mo, 'di ba? Mayroon ka bang malaking backstory sa adiksyon mo rin na 'yon?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Kailangan mo ba ng dahilan para magustuhan ang ice cream?" tanong ko sa kanya na may diin.
"Okay, touché. May punto ka," pag-amin niya at tumango ako doon. Oo naman, may punto ako.
Tinapos ko 'yung natitira kong pagkain, iniisip 'yung pinag-usapan namin. Sa kaibuturan ng puso ko, alam ko na natatakot ako sa kung ano ang darating para sa akin. Kailangan ko ng estratehiya para hindi matalo sa anumang laban at hindi mapatay ni Cole. Hindi mo 'to pwedeng iasa sa tsamba.
Kailangan ko ng plano.
Problema: Hindi ko alam kung sino ang makakapagbigay sa akin ng plano.