Kabanata 18
“Eto na ang mga rules,” panimula niya, tinitignan yung tatlong lalaki na sigurado akong natatakot sa kanya pero umiling ako, tumatawa ng mahina.
“Wala na tayo sa loob ng building, ibig sabihin walang rules, pretty boy.” Hiniling mo ‘yan, makukuha mo ‘yan. “Ang mangyayari lang na ‘to ay deal. Kung manalo ako, ikaw at sinumang kasama mo ay lalayuan ako at ang mga kaibigan ko.” Sabi ko sa kanya ng matatag, iniisip si Monic. Sana na-safe na siya ni Jake o kakastratan ko ‘tong lalaking ‘to.
“Paano kung ako ang manalo?” Pang-aasar niya at nagkibit-balikat ako, umaasang walang pakialam tungkol dito.
May 50/50 na chance na mananalo ‘tong lalaking ‘to base sa katawan niya at kung paano nakatutok ang mga mata niya sa bawat kilos ko. Mahirap na laban ‘to.
Kumikinang ang mga mata niya na may kalokohan at kung ano pa na nagpatayo ng mga balahibo ko sa batok at nagkaroon ng goosebumps sa braso ko. Ang presensya niya palang, gulo na. Hindi ko ineexpect na sasama siya sa deal pero worth it naman itry.
Baka magbago isip niya.
Pshh… Oo nga pala.
Kinuyom ko ang kamao ko habang inilalabas niya ang dulo ng deal. “Kung manalo ako, sasama ka sa akin at makikipagkita sa mga ‘kasamahan’ ko.”
Naramdaman kong kumikirot ang kalamnan sa panga ko habang nagngingitngit ako. Alam kong masyadong maganda para maging totoo. Nakarinig ako ng protesta sa likod ko pero wala akong pakialam.
“Sige na nga, tapusin na natin ‘to.” Mahinahong sabi ko bago tinigas ang mukha ko at hinayaan ang adrenaline na nakakulong sa loob ko na umiral. Pinatigas ko ang ekspresyon ko at hinayaang maglaho lahat ng emosyon.
Nakita kong nakakunot ang kilay ng lalaki at ibinuka ang mga paa niya, niluluhuran ang mga tuhod niya, halatang handa na sa suntok.
Kung suntok ang gusto niya, ang tanga ko naman kung ibibigay ko sa kanya. Lumapit ako at tiningnan kung aatake siya. Nakita kong may gumalaw sa gilid ng mga mata ko at lumundag ako palayo nang lumipad ang kamao niya isang pulgada lang ang layo sa gilid ng mukha ko.
Lumukot ako at sinipa ang mga paa niya, sinagasaan ang mga paa niya sa ilalim niya. Hindi pa ako natalo sa ganitong kilos sa kahit anong laban ko kaya siguro naiimagine niyo ang mukha ko nang lumundag siya sa huling segundo, hinayaang dumaan lang ang mga paa ko sa ilalim niya.
Nakitid ang mga mata ko at ginawa ang pinakatanga na nagawa ko sa buong buhay ko. Sa segundo na tumapak ang mga paa niya sa lupa nang maayos, sinugod ko siya at ginamit ang buong katawan ko bilang tulong para matumba siya sa lupa.
Nawalan siya ng balanse at natumba sa lupa, nagdaing at pumilipit ang likod niya bago gumulong palayo, nakakunot ang mukha niya sa sakit habang tumapak ako isang paa ang layo sa kanya, gumugulong sa lupa para mabawasan ang impact.
Hindi ako nagtagal ng isang segundo para tumayo at lumingon at sinamantala ang pagkakataon na binigay sa akin, hinawakan ang kamay niya at pinilipit sa likod niya, sinigurado kong ikinulong ito gamit ang dalawa kong kamay.
Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at mahinang bumulong sa kanyang tainga, humihingi ng sagot. Gusto akong saktan ng lalaking ‘to at ang mga kaibigan ko at gusto kong malaman kung bakit.
“Anong gusto mo?” Tanong ko.
Tumawa siya pero natigil dahil sa kanyang ubo, hingal na hingal pero hindi nakasira sa kanyang moment dahil mahina siyang tumawa ulit.
“Isang taong nagbayad ng malaking halaga para sa ulo mo, prinsesa.” Umungol ako, ayaw ko ang palayaw na lumabas sa kanyang bibig.
“Bigyan mo ako ng pangalan.” Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kanyang braso sa likod niya at pinilipit ito ng isang pulgada pa sa napakahirap na paraan, pinaparamdam sa kanya ang bawat pulgada ng kanyang braso na siguro nagsisigaw na pakawalan siya.
Napangiwi siya, nakapikit ang mga mata niya at kumikirot ang buong mukha niya sa sakit.
“Sino. Ang. Nagpadala. Sayo?” Sa bawat salita, hinigpitan ko ang hawak ko nang paulit-ulit hanggang sa sumigaw siya sa sakit. Lumunok siya, sinusubukang huminga ng maraming hangin para matagalan ang sakit habang manipis na patak ng pawis ang tumulo sa kanyang noo, pinapabasa ito.
Umungol siya at itinulak ako palayo sa kanya sa paggulong palayo na naging dahilan para maipit ako sa ilalim ng kanyang katawan.
Nawalan ako ng hininga at nag-atubiling huminga para makuha ulit ito.
“Hindi na madali ngayon, ‘di ba?” Ngumisi siya sa akin habang tumayo siya sa kanyang kinahihigaan.
Inihanda ko ang sarili ko at sinipa ang lupa, tumayo nang madali, nakatingin sa kanya ng masama at inasahang susuntukin siya pero binago ko ang katawan ko at itinaas ang paa ko para bigyan siya ng malakas na sipa sa kanyang tiyan, hindi nakakalimutan na isama ang katawan ko para magdagdag ng lakas.
Natumba siya ng ilang hakbang paatras at nakahawak sa kanyang tiyan, umuubo at parang nahihirapan huminga.
Sinamantala ko ang pagkakataong ‘yun para bigyan siya ng right hook pero mas mabilis siya dahil nag-umpisa na ang kanyang instincts at hinila niya ang kamay ko para ang katawan ko ay tumagilid paabante sa kanya.
Sinampal niya ako, nagpalanaw ang mga mata ko at naglabasan, saka hinawakan ang leeg ko gamit ang kanyang mga kamay at hinarangan ang sirkulasyon ng hangin ko. Lumipad ang mga kamay ko nang walang pag-aalinlangan, naaalala ang mga galaw ng laban na itinuro sa akin ni Bryant noong bata pa ako. Nagbigay ako ng suntok sa ilalim ng kanyang siko, pinilit na tanggalin ang kanyang kamay sa leeg ko at itinaas ang siko ko at ginamit ito para makapagbigay ng malakas na suntok sa kanyang mukha.
Nagbigay ito ng nakakatuwang crack na umaalingawngaw sa gabi pero hindi pa ako tapos at hinawakan ang likod ng kanyang leeg, kinulong ang mga daliri ko bago hilahin pababa, at nakatagpo ang tuhod ko sa kanyang mukha sa gitna.
Naramdaman ko ito bago ko narinig, habang basag ang ilong niya dahil sa impact. Sumigaw siya sa sakit at hinawakan ang ilong niya at tumagilid paatras sa segundo na pinakawalan ko ang mga daliri ko.
Naglakad ako palapit sa kanya ulit, pinagmamasdan siya na parang mandarambong at nakitid ang mga mata ko sa kanya. “Para kanino ka nagtatrabaho?” Tanong ko ulit na may malinaw at matatag na boses.
Tumawa siya sa gabi at nagbigay ng masungit na sagot.
“Mag-ingat ka, prinsesa. Ang pinakamalapit sa iyo ang may pinakamatulis na kutsilyo.”