Kabanata 185
Dumating ako sa pier pag-aaga at may naghihintay na para sa pagdating ng trak. Nagwa-wave pa siya para ituro kung saan ko ipaparada.
Pagkapark ko ng trak at pagbaba ko, lumapit yung lalaki sa akin at inabutan ako ng susi.
Wala siyang sinabi, tumango lang dun sa bike na nakaparada sa di kalayuan, sa likod ng trak.
Tiningnan ko yung susi sa kamay ko at bumalik tingin dun sa lalaki na naglalakad papunta sa likod ng trak, sa pagbubukas ng container.
Naglakad ako palayo ng dahan-dahan, nakikinig sa tunog ng pagbubukas ng container.
Di naman ako basta basta aalis na lang nang hindi man lang alam kung ano yung nasa loob ng container. Kahit feeling ko walang maganda, dapat alam ko kung ano yung idiniliver ko at anong klaseng gulo yung kinasangkutan ko.
Pero yung ungol ng pagbubukas ng pinto ng container ay hindi dumating, kaya napalingon ako at tinignan kung ano nangyayari. Yung lalaking nagbigay sa akin ng susi ng bike ay nanonood sa akin na parang agila, nakacross arms.
Tumango siya, parang sinasabi na umalis na ako sa kanyang titig.
Tumalikod ako at naglakad papunta sa bike.
Tiningnan ko yung lalaki sa huling pagkakataon bago ako sumakay sa bike at nag-fasten ng helmet ko.
Nakatayo pa rin siya dun, walang kibo, tinitingnan ako ng matalim.
Nagbuntong hininga ako, alam kong mas mabuti na wag na lang ako umarte.
'Tapos na yung trabaho. Wag na tayo gumawa ng gulo, Bry.' Sabi ko sa sarili ko habang umaalis.
Huminto ako sa isang bakanteng bodega at nagpalit ng bike bago umuwi.
Nung sa wakas nakauwi na ako, lumabas si Casey sa may porch, hawak yung phone niya.
"Saan ka galing?" Tanong niya.
Nalaki yung mata ko at tumaas yung kilay ko.
"Gising ka na?" Tanong ko sa kanya.
Sinubukan kong palitawin na hindi ako nagulat habang binigyan ako ni Casey ng poker face.
"Bakit di ka sumasagot sa phone mo?" Tanong niya, tinitignan yung bike ko.
Pinat ko yung phone ko sa bulsa ko at binuka yung labi ko. "Ah, talaga? Halos wala na ngang battery nung umalis ako eh, siguro na-lowbat."
Nginitian ko siya ng parang nahihiya habang si Casey ay napapitik ng dila.
"Saan ka galing?" Tanong niya.
Kinuha ko yung bag sa maliit na compartment sa ilalim ng upuan ng bike at pinakita sa kanya.
"Bumili ako ng almusal natin."
"Ganitong kaaga?" Tiningnan ni Casey yung bag ng may pagdududa.
Buti na lang huminto ako sa McDonald's pauwi para kung sakaling magising si Casey bago pa ako makabalik. Yun yung perfect na alibi. Walang mas nakakaagaw ng atensyon kay Casey kundi pagkain.
Inabot ko yung gilid ng labi ko para bumuo ng ngiti. Wag ka na kaya magduda, bunso?
"Oo, ganitong kaaga. Nagising ako ng maaga for some reason at nagutom. Kalimutan mo na, kung ayaw mo. Gutom na ako na kaya kong ubusin lahat ng binili ko." Kinibit balikat ko, kinuha yung bag habang naglalakad sa kanya papunta sa bahay.
Sa wakas tumigil na si Casey sa pangungulit nang naamoy niya yung pagkain at sinundan ako papasok sa bahay na parang asong nawawala.
Umupo kami sa dining table at kumuha ako ng mga plato sa kitchen cabinet habang naghahalungkat si Casey sa bag para ilabas yung pagkain.
Nung nakaupo na kami sa lamesa at nag-umpisa ng kumain, tinitigan ni Casey yung itsura ko at kinunot yung kilay niya.
"Bakit ang haggard mo?"
Tinaas ko yung kilay ko sa tanong niya. Hinimas ko yung mukha ko at naramdaman yung tumutubong bigote ko.
"Ah, siguro kasi di pa ako nakapag-ahit." Kinawayan ko, kumagat sa burger ko.
"Hindi, hindi yung bigote. Yung mata mo mukhang... paano ko ba sasabihin 'to –" Natigilan si Casey, sinubukang hanapin yung tamang salita, "lumubog? Hindi, mas madilim yung eyebags mo kaysa dati."
Kinuha ko yung phone ko at tinignan yung sarili ko sa itim na screen na nagpapakita ng reflection ko.
"Talaga? Siguro di ako nakatulog kagabi," Sabi ko bago sumimsim sa inumin ko.
"Anong problema? Nag-away ba kayo ni Maddy?" Tanong niya, hinahanap yung clue sa mukha ko.
Ang kulit talaga ng kapatid ko minsan.
Umiling ako.
"Eh? Saan ka nagkulang sa tulog kagabi?" Kinalkal ni Casey.
"Wala naman, hirap lang makatulog." Sagot ko na lang, bago ako kumain para di na magsalita ng marami at magpahalata.
Tiningnan ako ni Casey na nakakunot ang noo. "Hindi ka naman ganyan eh."
Sa pagkain ko lang nakatingin kahit ngumuya pa rin ako.
Binaba at tinagilid ni Casey yung ulo niya para mas makita niya yung mukha ko.
"May tinatago ka sa akin," Sabi niya.
Nagtagpo yung mata namin, malaki yung mata ko sa gulat sa sinabi niya at yung sa kanya ay sinusuri yung reaksyon ko.
Nung nakita niya kung paano ako nag-react sa sinabi niya, may nagliwanag sa ulo niya.
"Aha! Ano yang mukha mo? May tinatago ka! Di ka pwede magsinungaling sa akin, Bry. Ang galing mong magsinungaling. Sobrang klaro mo para magtago." Sinampal niya yung lamesa, kalahati ng katawan niya nakahilig sa akin para mas makita ako.
Minura ko yung sarili ko sa isip ko. Dapat talaga matuto ako ng magaling na poker face.
"Wala akong alam sa pinagsasabi mo," Deny ko, sinusubukan na ayusin yung poker face ko habang nakatitig sa kanya.
Akala ko maganda na yung ginagawa ko pero nagkamali ako.
Umupo uli si Casey sa upuan niya, nakalagay yung kamay niya.
"哥,你把我当什么?我还是你妹妹吗? (Kuya, ano ako sayo? Kapatid pa rin ba kita?)"
Ako naman yung nagbuntong hininga. "什么废话呀?你当然是我的妹妹 (Ano ba yung pinagsasabi mo? Syempre, ikaw yung kapatid ko.)
"那不然你为什么不想告诉我你的情况呢? (Kung ganun bakit ayaw mong sabihin sa akin yung tungkol sa sitwasyon mo?)"
Nilagay ko yung pagkain ko sa plato at pinunasan yung mga daliri ko.
"Okay, tama ka. Si Maddy," Sumuko na ako.
Di naman talaga ako nagsisinungaling. Yung relasyon ko kay Maddy ay isa sa mga inaalala ko – pero hindi naman siya nangunguna sa listahan ko.
Sa wakas umupo na uli si Casey sa upuan niya, kinakawayan ako na magpatuloy at nakacross arms siya.
Pinigilan ko yung sarili ko na umikot yung mata at sinubukan na i-filter kung ano lang yung pwede kong sabihin at hindi tungkol sa sitwasyon.
Pumasok ako sa mapanganib na tubig. Isang maling salita lang pwede akong madulas at malaman ni Casey yung tungkol sa mga panganib na nagtatago sa paligid namin. Ayaw kong mag-alala siya tungkol dun. Sigurado akong kaya ko siyang protektahan. Ayaw kong mag-alala siya nang wala namang dahilan.
Nung wala akong sinabi para sumunod sa sinabi ko, si Casey na yung nagkusang magtanong.
"我想要跟她分手 (Palagay ko makikipag-hiwalay na ako sa kanya.)"
Malaking mata ni Casey sa sinabi ko.
Umubo siya, nagtagal bago sumagot.
"你心里还有她妈? (May nararamdaman ka pa rin ba sa kanya?)"
Tumango ako dun.
"那你们为什么要分手呢? (Bakit kayo maghihiwalay?)" Tumagilid yung ulo niya sa pagkalito, sinusubukang isipin kung ano yung iniisip ko.
Ngumiti ako ng konti sa kanya. Pinipilit niya talaga na intindihin yung sitwasyon para sa akin. Pero yung sagot ay isang bagay na hindi niya iisipin. Ako lagi yung perpektong kuya at anak sa paningin ni Casey. Magugulat siya na patay sa pagkakaalam na parte na ako ng gang at napapaligiran ng mga taong mapanganib.
"小孩子不会理解 (Hindi maiintindihan ng mga bata)" Sabi ko na lang, sinusubukan na ilayo yung kalungkutan sa boses at ekspresyon ko.
Buti na lang, alam kong nagtagumpay ako nung umikot yung mata ni Casey dahil sa pagkairita. "哥! 我是认真的! (Kuya! Seryoso ako!)"
Tumayo ako at kinuha yung plato ko, ginulo yung buhok ni Casey habang naglalakad ako sa kanya papunta sa lababo.
"我也是认真的 (Seryoso rin ako.)"
Humagikhik si Casey sa iritasyon, sumusunod sa akin sa lababo. "那你给我认真的解释吧 (Bigyan mo ako ng seryosong paliwanag.)"
Hindi ko akalaing titigilan niya pa ako at naubusan na ako ng ideya para maiwasan yung mga tanong niya.
Ginamit ko yung huli kong paraan, nilagyan ng nakakalarong ngiti at binigyan niya ako ng mapanghamong tingin. "我们的关系和你有什么关系呢? (Anong kinalaman ng relasyon namin sa'yo?)"
Binigyan ako ni Casey ng masamang tingin at magsasalita na sana siya nung pinutol ko siya.
"Tulad ng sinabi mo, haggard ako at kulang sa tulog kaya matutulog na ako. Ako na bumili ng pagkain kaya ikaw na maghugas ng pinggan," Ngumiti ako ng may kalokohan bago tumakbo palabas ng kusina at umakyat sa hagdan papunta sa kwarto ko.
Naligo ako agad at pumunta sa kwarto ni Casey para tumalon sa kama ko.
Malapit na akong makatulog nung narinig ko yung pagbukas ng pinto at yung maliliit na paa ni Casey na naglalakad sa buong kwarto.
Naramdaman ko yung parte ng kama ko sa tabi ng paa ko na lumubog dahil sa bigat niya.
"Manatili ka lang na totoo sa nararamdaman mo at gagana lahat Bry," Bulong ni Casey.
Pinikit ko yung mata ko at hindi sumagot.
Sa likod ng takip ng mata ko, naramdaman ko yung mata ko na tumulo ng luha.
Kung sana ganun lang kadali, bunso.
Dumating yung tulog para kunin ako sandali pa at nawala na ako sa madilim.
Gising ako makalipas ang ilang oras sa gabi mula sa walang panaginip.
Gabi na sa labas at yung liwanag lang sa kwarto ay galing sa laptop ni Casey sa tabi niya.
Nakadapa siya, nakapikit yung mata habang natutulog.
Yung liwanag galing sa screen ay nag-iilaw sa mukha niya.
Tinanggal ko yung kumot sa katawan ko at pinatong ko yung paa ko sa kama.
Nilakad ko yung maliit na distansya sa pagitan ng kama namin at sinara yung laptop niya, nilinis yung mga gamit niya sa kama at nilagay sa bedside table sa pagitan ng kama namin.
Kinuha ko yung phone ko sa maliit na lamesa para tignan yung oras.
Isang oras na nakalipas ng hatinggabi.
May text galing kay Jax.
Nagsimula nang lumakas yung puso ko habang gumalaw yung daliri ko sa screen para i-unlock yung phone ko at buksan yung text.
Isa na namang oras at ibang address.
Bumuntong hininga ako ng mahina, sinusubukang tanggalin yung mabigat na pakiramdam na tumira sa dibdib ko.
Lumakas yung paghinga ko. Bawat hininga ko ay parang hirap.
Bigla, nakaramdam ako ng pagkakasakal.
Yung dingding ng kwarto nagsimulang gumalaw sa akin.
Ang hangin sa paligid ko biglang nawala.
O yung baga ko na yung bumabagsak; tumatangging gumana pa?
Pumailanlang yung panic sa bawat hibla ng pagkatao ko habang nanghina yung paa ko at natisod yung mga paa ko. Ang likod ng mga binti ko halos hindi nakahawak sa kama bago ako bumagsak na parang tambak ng sako sa sahig.
Nanginginig yung kamay ko habang nagsisimula itong kumamot sa leeg at dibdib ko; para bang mabubuksan nito yung windpipe ko.
Nagsimulang maging panatiko, mabilis, mababaw yung paghinga ko.
Bawat hinga na sinusubukan kong sipsipin ay susundan ng ingay habang hinihingal ako. Ang tunog ng paghinga ko ay tila nag-echo sa tahimik na kwarto. Pinikit ko yung mata ko habang lumabo yung paningin ko, gustong mawala.
Nagsimulang umikot ang mundo pagkatapos nag-init yung baga ko.
Nagtagal yung hyperventilating session ko bago ko napigil yung sarili ko.
Nag-focus ako sa silweta ni Casey na natutulog habang kumalma ako.
Nung sa wakas nakahinga ako ng normal ulit, yung kamay ko sa tuhod ko, yung paa ko nakatupi at nakasiksik sa dibdib ko.
Hinatak ko pababa yung kamay ko sa mukha ko pero nag-pause nung naramdaman kong may basa sa pisngi ko.
Oh, luha.
Di ko man lang namalayan na tumulo yung luha sa mukha ko nung nag-hyperventilate ako.
Dun ko narealize kung gaano ako natatakot sa isip ko.
Hindi ko pa nahaharap yung sitwasyon na 'to, napapaligiran ng mga taong kaduda-duda at mapanganib.
Sinadya kong iwasan na maging ka-kilala sa kanila sa nakaraan at hindi ko aakalaing mapupunta ako sa sitwasyon na 'to.
Tiningnan ko yung natutulog na mukha ng kapatid ko habang nakaupo ako sa malamig na sahig ng kwarto namin.
"Natatakot ako, Case. Anong gagawin ko?" Bulong ko sa mahinang boses sa katahimikan.
"Anong pwede kong gawin?" Tanong ko sa wala habang pumipikit yung mata ko at sumandal ako.
Di ko alam kung ano yung ginagawa ko.
Ang alam ko lang ay hindi ako pwedeng tumigil ngayon.
Kailangan ko lang magpatuloy.
Nalampasan ko na yung punto na walang balik.
Pinanood ko yung maliit na ilong ni Casey na pumapayat habang humihinga siya sa kanyang tulog habang nagpapatuloy yung iniisip ko.
'Darating ba yung araw na ikaw, yung taong pinakamalapit sa akin sa mundo, hindi na ako makikilala?' Iniisip ko sa sarili ko. 'Kasi hindi ko na rin nakikilala yung sarili ko pag tinitignan ko yung salamin.'