Kabanata 94
Kinukot ko 'yung mga daliri ko habang kinukwento ko sa kanya lahat ng nangyari. Hindi ko naman talaga 'to naging problema dati pero siguro dahil tinatakot niya 'yung lahat ng lumalapit sa akin. Hindi ko naman siya masisisi kung hindi niya nakita 'to at tinakot din. Nagulat din ako, eh. Hindi ko talaga iisipin na magkakaroon ng ganitong kalokong nararamdaman 'yung taong itinuturing nating pamilya para sa akin.
Pwedeng init lang ng ulo pero hindi tayo pwedeng 100% sigurado.
"Sinabi niya sa akin na mahal niya ako at nilinaw niya na may gusto siya na higit pa sa pagmamahal ng magkapatid," stress kong sabi. Napasimangot si Bryant. Sobrang dikit ng pamilya namin dati pa. Kaya 'yung umamin si Dom na ganun na lang na parang walang babala, sobra-sobra 'yung nagulat ako. Alam niya na wala akong gusto kahit kanino at hindi pa ako nagkakagusto kahit kanino dati.
"'Wag kang mag-alala, ako nang bahala sa kanya," paniniguro sa akin ni Bryant. Naramdaman ko na nawala 'yung kulay sa mukha ko no'ng lumabas 'yung mga salitang 'yon sa bibig niya at agad akong lumingon sa kanya. Sinumang nakakakilala kay Bryant nang husto, alam nila na hindi niya inaalis 'yung karahasan tuwing nararamdaman niyang kailangan niya 'yon. Hindi ko talaga gusto 'yung ideya na mawalan ng kaibigan dahil sa walang kwentang crush na meron daw sila sa akin. Ito 'yung pinaka-tanga na paraan para mawalan ng kaibigan na sobrang malapit na para bang pamilya na lang.
"Bry, pangako mo sa akin na hindi ka gagawa ng kahit anong katangahan. Kahit ano pang gawin niya, pamilya siya," pagmamakaawa ko sa kapatid ko. Ayoko siyang may saktan. Kahit gaano man ako nandidiri sa ideya na maging boyfriend ko si Dom, ayoko na may masaktan sa mga kaibigan ko kahit na sobrang tanga nila kumilos.
Umiling siya sa akin. "Hindi ko siya sasaktan, sis. Kakausapin ko lang siya, pangako." Tinignan ko siya at bumuntong hininga. Siguro kailangan kong magtiwala sa kanya; ngayon. Wala akong magawa para pigilan siya kung gusto niyang bugbugin si Dom. Doble, pwede pang triple, 'yung laki niya kumpara sa akin.
"Hindi ko nga alam kung bakit niya ako magugustuhan ng ganun. Wala naman akong espesyal, simpleng Casey lang. Wala akong ganda na gaya ng mga babae sa school at wala rin akong dating, so bakit ako?" bulong ko. Hindi ko naman sinasadya na lumakas 'yung boses ko pero halata namang hindi ako gaanong nagtago dahil pagkatapos no'n, nakaluhod na sa harapan ko si Bryant na may nakasimangot na ekspresyon. Naki-cram siya sa maliit na space sa pagitan ng coffee table at sofa.
"Hoy, ano 'yung sinabi ko sa'yo tungkol sa ganda at mga tao?" seryoso niyang tanong, siguro sawa na siyang naririnig 'yung parehong rant paulit-ulit. Iniiwas ko 'yung tingin ko, iniiwasan siya. Nahihiya ako dahil pinapakinggan niya 'yung parehong rant ko at pinaparami ko 'yung oras na sinasabi niya sa akin 'yung parehong speech na sinabi niya na sa akin ng milyon-milyong beses na.
"Ang ganda ay nasa loob," panimula ko, nagsisimula bago pa siya magkaroon ng tyansa na magsalita.
"-kung saan 'yung puso," tapos niya para sa akin at ngumiti nang mahina habang nilalagay niya 'yung daliri niya sa may bandang puso ko. Sinasabi niya 'to sa akin araw-araw sa nakalipas na taon at nagsisimula na akong maghinala na gusto niya akong i-brainwash o kung ano.
Pero kung magiging tapat tayo, alam nating lahat na sa kaibuturan natin, tao tayo at nakatali tayo na nakakalimutan na 'yung inner beauty na 'yon na nakakaapekto sa itsura ng mga tao. Kailangan natin 'yung isang tao para ipaalala sa atin na 'yung kagandahan ay hindi lang sa panlabas at si Bryant 'yung taong 'yon para sa akin. Hindi ko maiisip kung ano 'yung gagawin ko kung wala siya. Siya 'yung bato ko.
"Pero meron din ba talaga ako 'non? Ibig kong sabihin, seryoso. May pagpatay at mga ganung paghihiganting naiisip ako tungkol sa mga babae sa school. Meron pa ba akong inner beauty?" Tumulo na 'yung luha sa mata ko no'n at handa na akong pakawalan 'yon. Hindi ako 'yung tipo na nagpipigil ng emosyon kapag kasama ko si Bryant.
Alam kong pinipili niya nang maingat 'yung mga salita niya. Alam niya na hindi ako stable no'n. "Patunay lang 'yan na tao ka dahil ganyan talaga tayo. Lahat tayo may demonyo pero tayo 'yung may desisyon kung pakikinggan natin sila o lalabanan. At ikaw, little sis, ikaw 'yung pinakamalakas na fighter at pinakamagandang babae na nakilala ko," sabi niya na may sobrang sinseridad na tumulo din 'yung luha sa mata ko no'ng natamaan ako ng mga salita niya. Inabot ko siya at niyakap.
Diyos, anong magandang nagawa ko para bigyan mo ako ng ganyang kamanghang-manghang kuya? Paki-sabi sa akin para kung sakaling bumalik 'yung oras, ito 'yung una kong gagawin. Dinikit niya 'yung labi niya sa noo ko bago magpatuloy na bumulong ng mga salitang nakaka-comfort.
"Kahit araw-araw kang nag-eenjoy na may ngiti sa mukha mo kahit na binabagsak ka ng mundo at 'yung ngiti na 'yon ay nagpapakita ng ganda sa loob mo. May kakayahan kang tumulong sa mga tao kahit na pwede silang kriminal na tumatakas," napakunot 'yung noo ko. "Hoy, hindi ako ganun ka-tanga!" Hinampas ko siya nang pa-biru.
"Hindi ko alam kung kasing-linis ng puso mo, sis, pero ang alam ko lang, malaki 'yan sa loob. Kapag tumanda na tayo, tatakbo-takbo ako na parang baliw, na tinuturo-turo 'yung mga billboard na may mukha mo na sumisigaw ng 'yan 'yung kapatid ko' nang may pagmamalaki sa mga dumadaan." Nagpatuloy si Bryant sa speech niya at sa dulo no'n, tumulo na naman 'yung luha sa mata ko. 'Tanga Case. Hindi ako iiyak. Hindi ako iiyak.' paulit-ulit kong sinasabi sa loob habang sumisinghot.
Tumawa si Bryant, umiling habang niyayakap ako. Inimagine ko 'yung ginagawa niya na katatapos niya lang isulat at tumawa ako nang mahina. Alam kong gagawin niya 'yon talaga kung mapapasaya ako. Sa kaibuturan ko, alam kong gagawin niya 'yung lahat para sa akin. Siya 'yung kuya na mawawala ako kung wala siya.
Tumalon ako mula sa kumot nang mabilis na narinig ko 'yung mga kalembang ng likod ko. Basang-basa na 'yung mukha ko sa luha at nakatitig lang ako sa mga kamay ko. Hindi ko inisip na mapapanaginipan ko 'yung araw na 'yon. Palagi na lang umiikot 'yung panaginip ko sa pag-crash at nagigising ako na pakiramdam ko ay dapat nasa loob ng rehas. Pero hindi mas maganda 'yung panaginip na meron ako.
'Yung pagpapaalala kung gaano ako kamahal ng kapatid ko ay nagbalik ng alon ng nostalgia at naramdaman ko na may bagong talon ng luha na darating. May isang tao na sobrang nagmamahal sa akin at nawala ko sila dahil masyado akong matigas ang ulo, dahil sobrang gusto kong pumunta sa isang tangang party na hindi naman worth it puntahan. Hindi ko man lang siya nayakap nang huling beses na gaya ng pagkakayakap ko sa kanya no'ng araw na 'yon. Hindi ko man lang nasabi sa kanya kung gaano siya kahalaga sa akin.
Umupo sa tabi ko si G. Huang habang umiiyak ako dahil sa alaala. "Okay lang 'yan Xiăo Fú, ilabas mo lang." Sinubsob ko 'yung mukha ko sa kumot habang hawak niya ako.
Malinaw na malinaw 'yung panaginip; parang nangyari lang kahapon. Naaalala ko 'yung lasa ng ice cream na binili niya sa akin pagkatapos no'n para pasayahin ako. Alam ko kung gaano sinubukan ni Bryant na tuparin 'yung pangako niya no'ng araw na 'yon. Alam ko kung paano niya sinubukan na kausapin si Dom tungkol sa crush niya sa akin para hindi ako ma-il.
Pero hindi talaga matutupad ni Bryant 'yung salita niya kung paano niya ipagmamalaki na sinasabi sa mga tao na kapatid ko siya sa hinaharap. 'Yan 'yung kailangan kong mabuhay na wala at 'yung realisasyon na 'yon ay nagpabasag sa akin. 'Yung pag-iisip pa lang no'n ay sumasakit na 'yung puso ko. Bakit kailangan maging ganito ka-malupit ang mundo, Diyos?
Sa lahat ng oras na 'yon, nakaluhod si G. Huang sa tabi ko, sinusubukan niya 'yung lahat para ma-comfort ako.
"Miss ko rin siya, Case. Mahusay siyang bata at itinuring ko siyang sarili kong anak pero nasa mas magandang lugar na siya ngayon; malayo sa ganitong sira-sirang mundo. Gusto niyang sumuko ka na ngayon." Umiling ako, walang paraan na bibitawan ko si Bryant. Siya 'yung lahat sa akin at kahit sa espirito man ngayon, siya pa rin 'yon. Bahala na sila sa mga iniisip nila. Siya 'yung bato ko at hindi ko siya bibitawan. Kailanman.
Bigla, may kumatok sa pinto. Sumigasik si G. Huang at tumingin sa akin. "May tinawagan ka ba?"
Nagsimulang bumilis 'yung tibok ng puso ko. Kung wala siyang inimbitahan, sino kaya 'yon? No'ng umiling ako, sinenyasan niya akong manatili – pero siyempre walang gumagawa no'n. Tumayo si G. Huang mula sa posisyon niya na nakayuko at umalis. Pinunasan ko 'yung pisngi ko. Tumigil agad 'yung pagtulo ng luha.
Sinundan ko siya sa pintuan at pinanood ko siya habang dumideretso siya sa kusina, bumabalik na may kawali at kutsilyo. 'Alam ng lalaki 'yung ginagawa niya,' nagbiro 'yung konsensya ko habang tinitingnan ko 'yung kawali.
Inabot niya sa akin 'yon at pinaikot 'yung kutsilyo. Itinaas niya 'yung hintuturo niya at idinikit niya sa labi niya. Tumango ako bilang sagot, tinaas ko 'yung kawali at naghanda na sumugod anumang oras. Inilagay niya 'yung kamay niya sa hawakan at inikot. Sinubukan kong pigilan 'yung sigaw ko dahil alam nating lahat na 'yon 'yung mali nilang ginagawa sa bawat pelikula. Naghanda akong isugod 'yung kawali pero tumigil sa gitna no'ng isang pamilyar na mukha at boses 'yung bumati sa amin.
"Uy, uy! Wait. Pix, ako 'to!" Agad kong hinarangan 'yung kutsilyong inihahagis sa akin sa pamamagitan ng kawali ko. Umalingawngaw 'yung tunog sa tahimik na gubat. Tumingin sa akin si G. Huang, sobrang naguguluhan pero ang nagawa ko lang ay titigan 'yung lalaki sa harapan ko nang nagtataka.
"Lev? Anong klaseng sh-t ang ginagawa mo dito?!"