Kabanata 133
Kahit gaano pa kasama si Maddison sa akin nung namatay si Kuya, si Preston naman dapat ang maging masaya. Kahit pa kung paano niya hinarap ang pagkamatay ng kapatid ko, disente naman siyang girlfriend. Pero pag may nangyari kay Preston tapos ginawa niya kay Cali yung ginawa niya sa akin, pupugutan ko talaga siya ng ulo.
"Hindi naman tayo super close na magkaibigan. Pero pangako, 'wag mong hahayaan na makasira 'to sa relasyon niyo, Pres. 'Yung nangyari sa 'min, 'wag mong i-affect 'yung sa inyo. Karapat-dapat kang sumaya." Naguguluhan si Preston pero tumango siya para magpatuloy ako sa pagpapaliwanag.
"Nung namatay si Bryant, sobrang nahirapan si Maddison, at siguro iba 'yung paraan niya ng pagluluksa. Hindi naman siya naging masamang girlfriend, pinapasaya niya si Bryant, at mabait siya sa akin, alam mo 'yun?" Parang naiinip si Preston habang tinitingnan niya 'yung rearview mirror at inalis niya 'yung kamay niya sa manibela para magsenyas na magsalita pa ako. Inirapan ko siya pero nagpatuloy ako.
"Sinisi ako ni Maddison sa pagkamatay ng kapatid ko. Namatay si Bryant sa car crash pagkatapos niya akong sunduin sa party na hindi niya ako pinayagan na pumunta." Sinubukan kong bilisan pero sa tingin ko hindi talaga pwede 'yun kasi huminto si Preston sa red light at lumingon sa akin nang sobrang bilis na parang na-whiplash siya.
"Ano?" Tanong niya nang masungit, at nagkibit-balikat lang ako.
"Nag-sorry siya sa akin sa labas ng restaurant. Hindi tama na sinisi niya ako, at na-realize niya 'yun at —" Inirapan ko 'yung nanliliit niyang mata habang nakatitig siya sa akin. "Uy, 'wag mo 'kong tingnan ng ganyan, hindi naman big deal. Sinasabi ko na sa sarili ko na ako may kasalanan, kaya halos walang epekto 'yung mga sinabi niya."
Yung kotse sa likod namin nagbe-beep na, at 'yung kotse namin umandar ulit.
"Anong ibig mong sabihin hindi big deal?! Hindi okay 'yun, hindi man lang malapit sa okay!" Humalakhak ako doon. Oo alam ko na hindi okay 'yun. Pero wala naman akong magagawa. Lunod na siya sa galit, kalungkutan, at kung ano-ano pa. Wala siyang lakas para huminto at mag-isip nang maayos.
"Tapos na 'yun. Okay na ako, Pres, past na 'yun. Kalimutan mo na rin 'to. Ayokong maging problema 'to sa inyo. Gusto kong maging masaya ka, dude. 'Wag mong hayaan na may sirang galing sa nakaraan ang pumigil sa 'yo na maging masaya." Tinapik ko nang mahina 'yung braso niya, lumingon sa bintana habang siya ay umungol lang. Inisip ko na narinig niya ako. Hindi ko mapipilit 'yung lalaki na makinig sa akin kaya ipinagdarasal ko na lang na sundin niya 'yung sinabi ko imbis na sundin 'yung mga naiisip niya.
Lumingon ako sa likod para tignan 'yung mga bata, at tulog na silang dalawa. Kaya pala ang tahimik nila.
Pagkarating namin sa bahay nila Jones, tinulungan ko si Preston na buhatin si Pio papunta sa kwarto niya at tinakluban siya ng kumot. Kiniss ko siya sa noo niya habang humarap siya at sumiksik pa sa ilalim ng kumot.
Pabulong akong nag-coo sa kanya bago umalis, sinara ko 'yung pinto nang mahina para hindi siya magising. Maghahanap na sana ako kay Preston at aalis na pauwi nang mabangga ako sa matigas na dibdib.
Humakbang ako paatras para lumayo sa kung sino man ang nasa harap ko, idinikit ko 'yung katawan ko sa pintuan ng kwarto ni Pio. Dahan-dahan akong tumingala at nakita ko 'yung mga mata ni Adam. Natigilan ako.
Parang hindi napansin ni Adam 'yung nangyari dahil nanatili siya sa kinatatayuan niya habang sinubukan kong dumulas palayo sa maliit na espasyo sa pagitan ni Adam at ng pinto.
Nung hindi na ako nakakulong, hinayaan ko na huminga ako at sinubukang huminga nang maayos ulit.
"Um, hi. May maitutulong ba ako?" Tanong ko nang awkward dahil wala siyang ni isang salita. Mukhang araw na 'to ng "pagpaparamdam kay Cassandra Johnson na awkward". Dahan-dahang umiling si Adam at sinubukang sumagot nang maayos.
"Um, sorry — I," Umiling siya ulit, mas mabilis ngayon, parang nahihirapan siyang tipunin 'yung mga iniisip niya. "Paulit-ulit akong nagkakaroon ng mga flash, panaginip, whatever you want to call it, at nananaginip ako tungkol dito at ngayon hindi ko na alam kung alin ang totoo at alin ang hindi. Kailangan ko 'yung tulong mo para piliin 'yung mga alaala mula sa mga panaginip."
Nagbara 'yung lalamunan ko at nahirapan akong huminga ulit. Naaalala na niya.
"P-pero —" Tumikhim ako at sinubukang huwag mautal, "paano si Kiara? Alam mo naman na hindi platonic 'yung mga nararamdaman natin noon." Mukhang naguguluhan ang ekspresyon ni Adam.
"Kailangan kong maalala, Case. Hindi ako pwedeng maging vulnerable sa mga brainwashing tricks. Tulungan mo ako, please." Nilalabanan ko 'yung sarili kong emosyon. Ang nagawa ko lang ay tumango sa kahilingan niya.
Lumaki 'yung ngiti sa mukha niya at bigla, nakayakap na ang mga braso niya sa akin. Napayakap ako sa pamilyar niyang katawan at napalibutan ng pamilyar niyang init.
Sinasabi ko sa sarili ko na lumalagpas ako sa linya ngayon. Dapat akong lumayo. Hindi na siya akin. Dapat akong lumayo. Pero ang katawan ko, kabaliktaran ang ginawa at nagdesisyon na magkaroon ng sariling isip habang natutunaw ako sa ginhawang nahanap ko sa yakap niya. Minsan, okay ang lahat. Minsan, lahat ng gumugulo sa 'kin ay natatakpan ng bula na nalilikha kapag kasama ko si Adam.
Minsan, okay ang lahat.