Kabanata 32
Kinuha ko 'yung tasang seramika at binuhat, nilapit sa labi ko para hipan. Usok na umaakyat sa itim na likido. Sumimsim ako doon at 'yung mapait na lasa ay pinuno ang pandama ko, binaha ang panlasa ko at in-enjoy ko 'yun, hinayaan 'yung likido na dumausdos sa lalamunan ko, at nag-iwan ng mainit na bakas sa likod.
Hindi ako mahilig sa kape pero ngayon, iba. 'Yung sakit ng ulo na 'to, papatayin ako.
Hinintay ko 'yung buong gabi para sabihin sa kanila, tinawagan sila para sunduin ako sa bahay papunta sa school at ngayon, bingi na ako. 'Yung tuloy-tuloy na pag-ring sa tenga ko habang pinagmamasdan 'yung isang maliit na babae na naglalaro pataas-baba ay nakakahilo.
Tumama 'yung kamay ko para pigilan 'yung susunod niyang hakbang habang inaalagaan ko 'yung nagtithrob na ulo ko.
"Monic, please tumigil ka sa pagsigaw," pagmamakaawa ko sa baby sister ko. Maliit man siya pero grabe, malakas ang vocal chords niya.
Si Jake, tapos na sa pagmamakaawa at nakaupo lang doon ng tahimik, sumisipsip ng tsaa na para bang 'yung girlfriend niya ay hindi susugod para kagatin 'yung ulo ko dahil sinasabihan ko siya.
"Ano'ng ine-expect mo na gawin ko, Case? Umupo lang ng kalmado habang inilalantad mo na si Dom, 'yung childhood best friend natin na si Dom, ay may kinalaman sa pagkamatay ng kapatid natin?! Well, shits ka, pwede mong itapon 'yung isiping 'yun dahil hindi ko kaya. Hindi ko talaga kaya," sabi niya.
Mahirap 'yung paghinga niya, nag-iinit 'yung ilong niya at umaangat-baba 'yung dibdib niya. May parang mabangis sa mata niya na nakita ko lang no'ng may kumuha ng kendi niya no'ng 10 years old siya.
Maaga pa para dito. Lunes ngayon at wala akong balak na lumiban sa school. Humarap ako sa counter, binigay 'yung likod ko para pagtinginan imbes na siya at bumalik sa pagbe-butter ng toast ko, at pag-inom ng kape ko.
"Akala mo hindi ako natataranta dito? 'Yung katotohanan na involved siya ay nakakasuklam." Nagalit ako at may konting panginginig sa boses ko na mahirap palampasin.
"Hindi pa kasama na malamang pinadala niya 'yung tangang duwag na mukhang aso para i-kidnap ako. Anong biro. Naiinis ako. Akala niya pwede niya ako i-kidnap ng ganun kadali, ha," bulong ko dahil inis.
Sana 'yun ay 'yung mga baliw-usap-sa-sarili na mga moment pero siyempre pinili ni Monic 'yung particular na oras na 'yun para magkaroon ng sobrang pandinig.
"Ginawa niya 'yun?!" Sigaw niya sa akin dahil sa takot. Oops.
Nagkibit-balikat ako sa kanya, "Nakalimutan kong sabihin sa'yo. Halos bugbugin ako ng ilang gago na nagtetake ng steroids at 'yung mga tauhan niya pagkatapos ng party na inimbita ako ni Penelope," paliwanag ko sa mapagpanggap na mapagpaumanhin na tono.
"Oh, 'yung girl na 'yun," sinabi ni Monic ng madilim at sa tahimik, panandaliang oras, natakot ako para sa kaligtasan ni Penelope; ngayon, galing sa sarili kong pinsan.
Sinabi ko kay Monic ang tungkol kay Penelope sa telepono no'ng araw na nagsimula siyang kausapin ako.
'Yung second na inilarawan ko 'yung bubbly na personalidad na meron si Penny, si Monic ay parang determinado na si Penny ay peke, two timing, walang kwentang bitch. Na, siyempre, nakuha 'yung sobrang pagtutol ko.
Si Penelope ang pinaka-sweet na babae na nakuha kong makilala at hindi ko maintindihan kung paano nahinala ni Monic na ginagamit niya ako.
Nagdesisyon ako na hindi pansinin 'yung mga akusasyon ni Monic laban sa kanya at binuhay lang 'yung bingi kong tainga sa mga sigaw niya.
Pinagtinginan ko 'yung toast habang si Monic ay patuloy na sinisita ako kung paano ako nagtitiwala, nawala 'yung gana ko at parang hindi na babalik anumang oras.
Narinig ko 'yung malambot na tunog ng yapak na lumapit at tumama 'yung kamay sa balikat ko. Napakurap ako, na naging dahilan para mahulog 'yung kamay sa shoulder blade ko at sa sobrang takot ko; naramdaman ko 'yung konting dismaya no'ng nalaman ko kung kaninong kamay 'yun.
Lumingon ako para harapin 'yung lalaking may berdeng mata na ang mukha ay ilang pulgada lang ang layo sa akin.
Giniling ko 'yung mga paa ko, sinusubukang gumawa ng maraming espasyo hangga't kaya ko sa pagitan namin at kumapit ako sa gilid ng counter.
"T-tayo na sa school. Late na tayo," nauutal ko, iniiwas 'yung mata ko sa iba.
Hindi ba narinig ng taong 'to 'yung personal space? Well, nilalabag niya 'yung akin.
Tumango siya ng matigas bago gumalaw ng ilang hakbang paatras, nakatingin sa akin ng ilang sandali at lumabas ng kusina. Binitawan ko 'yung hininga na hindi ko man lang alam na hawak ko at humina 'yung hawak ko sa mesa bago bumagsak 'yung katawan ko.
Kumapit ka sa sarili mo, moron.
No'ng oras na 'yun ko lang nalaman na si Jake at Monic ay wala na. Dahil si Zac ay lumabas na ng bayan dalawang araw na ang nakalipas para bumalik sa kung saan man siya galing, apat na lang kaming natira. Sumunod si Adam pagkatapos ng dalawa, iniwan ako sa mga iniisip ko sa kusina.
Umiling ako bago isiniksik 'yung toast sa bibig ko at nginuya ito. Hindi ko pinansin 'yung lasa na nagising 'yung gag reflexes ko at ininom ko 'yun kasama 'yung natira kong kape.
Pinunasan ko 'yung bibig ko gamit 'yung likod ng kamay ko. 'Papapatayin ako ni 'Nay kung nakita niya 'yung ginawa ko sa toast na 'yun,' 'yun lang 'yung iniisip ko habang nagmamadali palabas ng kusina at kinuha 'yung backpack ko sa paglabas ko. Isinabit ko ito sa balikat ko at nagmadaling habulin 'yung iba.
Pagkatapos i-lock 'yung bahay, hinabol ko si Adam at sumakay sa bike niya ng mabilis habang ikinakabit 'yung helmet ko at sinisipa 'yung footrest, isinasabit 'yung paa ko pagkatapos noon.
Hinintay ako ni Adam na maging komportable pero hindi niya sinubukan na ipulupot ako 'yung kamay ko sa bewang niya ngayon, hinintay niya ako na humawak sa balikat niya tulad ng tuwing gagawin bago 'yung bike ay umusad sa mga kalye.
Tahimik kami sa pagpunta sa school. Hindi naman parang may maririnig ka pa rin, 'yung makina ng bike ay lulunurin 'yung anumang ingay na lalabas sa alinman sa bibig namin kaya bakit pa.
Habang lumilitaw 'yung building ng school, isang kinatatakutang isip ang pinuno ang isipan ko; paano ko ie-explain kahit ano kay Penny?
"Oh hi Penny, naalala mo 'yung lalaki na may mga bodyguard na sinusubukang i-kidnap tayo at posibleng gahasain ka sa proseso? Yeah? Hinahabol nila ako dahil may gusto na patayin ako."
Mas tunog na tanga sa isip ko.
Sana hindi ako magmukhang tanga.
'Yung takot na parang angkla na nakatali sa puso ko ay dahan-dahang pero sigurado na hinihila 'yung puso ko kasama nito, dumudulas pababa sa tiyan ko no'ng second na nagsimula kaming lumapit sa double doors na papunta sa school sa bawat hakbang.
May mangyayari at halos positibo ako na hindi ko 'yun magugustuhan.