Kabanata 95
"Lev? Ano sa mundo, ginagawa mo dito?"
Ibaba ni Lev 'yung mga kamay niya na parang sinusubukan niyang takpan 'yung ulo niya, sa tingin ko.
"Kilala mo 'tong lalaki?" tanong ni G. Huang.
"Oo," sagot ko.
"Kaibigan mo siya?" Tumango ako habang si Lev naman parang walang maintindihan sa sinasabi ni G. Huang.
"Sana naman hindi niya ako ininsulto sa ibang lenggwahe," sabi niya nang malakas at natawa lang ako nang mahina.
"Hindi, hindi kita ininsulto sa ibang lenggwahe." Sumabat si G. Huang. Binigyan niya ng masamang tingin si Lev.
"Parang nakita na kita dati," pagmumuni-muni niya nang mahina. "Sino bang sabi mo kasama mo dito?" Sumiklab 'yung braso ni G. Huang at handa na akong harangan 'yung suntok niya kung saka-sakaling susuntukin niya ulit si Lev.
'Di ko alam kung anong problema nila pero kaibigan ko si Lev at hindi ko siya hahayaang masaktan. Alam ko kung ano'ng mangyayari sa kanya dahil tinuruan siya ni G. Huang ng ilang araw. Hindi magiging maganda ang experience na 'yon.
"Oh, kaibigan. Kakausapin ko sana si Pixie pero hindi siya sumasagot. Nalaman ko na kilala ng pinsan ko 'yung lola niya kaya tinawagan ko siya at sinabi niya sa akin kung nasaan ka. Kaya nandito ako." Sumimangot ako sa paliwanag niya.
Parang may mali.
Alam ni Nana na 'wag magbigay ng ganung impormasyon sa mga estranghero. Lalo na sa ginagawa ko. Baka naman may napatunayan siya na naniwalang kaibigan niya ito?
Kung ano man 'yon, siguro mabuti na nandito siya. May makakasama si G. Huang para matutunan ko kung paano lumaban nang maayos imbis na sumuntok sa hangin at kung anu-ano pa. Parang tanga na ako.
"Xiăo Fú, hindi mo pa ba sinabi sa kanya ang pangalan mo?"
"Hindi."
"Dapat ba akong mag-alala?" Medyo nakakunot 'yung noo ni G. Huang; ibig sabihin, hindi siya nagtitiwala kay Lev. "Hindi."
Alam kong gusto pa niyang magtanong tungkol sa sagot na 'yon. Siguro gusto niyang malaman kung talagang nagtitiwala ako kay Lev o hindi pero sa totoo lang, hindi ko pa nga alam sa sarili ko. Karamihan sa mga duda ko ay dahil sa pagiging maingat at maraming itinuro sa akin si Bryant pero hindi kasama sa listahan 'yung maging padalos-dalos sa kung sino ang pagtitiwalaan mo.
Sa buong usapan namin ni Shī Fu, parang gusto ni Lev na ihampas ang ulo niya sa pader at hindi ko siya masisisi. Ang Mandarin ay parang tinidor na kumakamot sa itim na board sa pandinig ng isang taong hindi nakakaintindi nito. Mahirap intindihin at mas mahirap pang aralin. Kung hindi ako tinuruan ng kapitbahay namin noong bata pa ako ng lenggwaheng 'yon, sisampalin ko 'yung mga bibig ng kahit sino na magsasabi ng isang salita sa mandarin.
Maganda ang lenggwahe kung ayaw mong maintindihan ng kahit sino 'yung sinasabi mo. Sina Bryant at ako, nag-uusap kami palagi sa Mandarin para lang inisin 'yung mga magulang namin. Nakakatawa tuwing kukunin nila 'yung mga gamit nila at aalis ng kwarto tuwing magsisimula kaming magsalita sa isa't isa sa Mandarin.
"Nasaan 'yung kaibigan mo?" Lumapot 'yung accent ni G. Huang at agad akong naging alerto. Walang magandang nangyayari kapag lumalabas 'yung accent niya.
Naalala ko 'yung minsan na sinundan ko si Bryant sa lugar ni G. Huang at nag-stay ako doon.
May bastos na hiker na naligaw at napadpad sa bahay ni G. Huang. Noong una, naghahanap lang siya ng direksyon pero nagsimula siyang maging mayabang at inasar niya si Bryant nang walang dahilan.
Tumalon ako sa harap ni Bryant at sinamaan ko ng tingin 'yung lalaki nang sinimulan niyang pagtawanan ang kapatid ko. Tumayo sa harap ko 'yung hiker at siguradong nakakatawa 'yung itsura ko. Sa sandaling pinanliitan niya ako ng mata at gumawa ng kilos para hawakan ako, hinawakan ako ni Bryant sa baywang at itinago ako sa likod niya, hindi abot ng lalaki. 'Yung accent ni G. Huang nang inutusan niya 'yung lalaki na umalis sa kanyang lupain ay sobrang kapal na walang mag-aakala na lokal siya. Mula noon, nagiging alerto at tensyonado 'yung katawan ko kapag lumalapot 'yung accent ni G. Huang.
Natakot na sana ako kung ako 'yung nasa kabilang dulo at talagang naawa ako sa hiker. Sa kabutihang palad, nakatakas siya na may kaunting pasa lang sa braso kung saan hinawakan siya ni G. Huang.
"Oh, nasa malapit lang siya, siguro nagtatayo ng tent o kung ano pa man." Sagot ni Lev na parang walang pakialam habang nililibot 'yung tingin niya sa paligid. Napataas 'yung kilay ko.
"Plano kayong mag-camp dito?"
'Di ko alam kung ano'ng nararamdaman ko tungkol doon pero kaibigan ko si Lev kaya okay lang siguro, 'di ba? Si G. Huang naman, parang hindi naniniwala. Walang katapusan 'yung mga tanong na binabato niya kay Lev.
"Kailan kayo babalik sa pinanggalingan niyo?" Sinampal ko nang mahina 'yung braso ni G. Huang na hindi nakakagulat na matigas dahil sa mga muscles. Sa edad niya, ubod siya ng fit.
"Huwag kang bastos, Shī Fu." Sinaway ko siya nang mahina. Hindi niya narinig 'yung sinabi ko o nagpasya siyang balewalain na lang.
"Kung ano man 'yan, hindi ko nakikita 'yung dahilan kung bakit ka kakatok sa ganitong oras." Sumimangot ako sa kanya. Hindi naman siya ganito kabastos sa mga tao. Huling naalala ko, medyo sibilisado siya.
"Tama, sorry. Gusto ko lang siguraduhin na nandito talaga si Pixie at hindi ako nagkamali ng bahay."
"Ngayon alam mo na kaya good night." 'Yon na 'yung katapusan ng usapan nang itulak ako ni G. Huang sa loob at muntik nang isara 'yung pinto sa mukha ni Lev.