Kabanata 126
Nakatitig ako sa mga matang mapagbantay, puro galit at poot lang ang nakikita ko. Nakakuyom yung panga niya, kitang-kita kung gaano siya ka-desidido na talunin ako, na ipaghiganti yung kapatid niya. Parang natunaw yung lakas ng loob ko at yung determinasyon na nagkukumahog sa loob ko for a split second nang maalala ko kung bakit niya 'to ginagawa.
Hindi ba ako dapat mamatay? Hindi ba gagawin ko rin yung ganito kay Bryant? Yung ginawa ko kay Bryant, yung pagpatay sa kanya, hindi ba sapat na kasalanan yun sa parte ko? Karapat-dapat ba talaga ako ng kahit anong pagbabago? May karapatan pa ba akong tumapak sa mundong 'to dahil sa mga nagawa ko?
Nag-alinlangan ako kahit saglit lang, pero yun na yung pagkakataon na kailangan ni Cole para ihampas ako sa lupa. Nakakapit siya sa akin gamit yung kamay niya.
"Kinuha mo lahat sa kapatid ko. Wala ka bang konsensya?! Wala ka bang pagsisisi?!" Sigaw niya sa mukha ko at nararamdaman ko yung laway niya na tumatama sa gilid ng mukha ko dahil sa lapit niya.
Gusto ko siyang sigawan, sabihin sa kanya na oo, may pagsisisi ako; na oo, may konsensya ako na sumisigaw sa akin na tumigil sa pakikipaglaban sa kanya. Na wala akong ibang gusto kundi ang tumigil sa pakikipaglaban sa kanya. Na ayokong lumaban sa kanya para patayin niya ako kasi baka yun ang nararapat sa akin. Na baka kamatayan lang yung nararapat sa akin; dahil sa pagpapatay sa kapatid ko, dahil sa pagsira ng buhay ng dalawang lalaki, dahil sa paglalagay sa buhay ng mga mahal ko sa panganib. Lahat ng ito dahil makasarili at sarili ko lang yung iniisip ko. Ako mismo ang nagdala ng lahat ng 'to sa sarili ko. Walang ibang dapat magdusa dahil sa mga pagkakamali na nagawa ko.
Pero imbes na lahat ng iniisip ko, lahat ng salitang gusto kong isigaw sa kanya, ang lumabas lang ay isang pigil pero matigas na "hindi."
Para bang hindi ako ang nagsasalita, parang may ibang kumuha sa katawan at boses ko at ginawa akong walang kalaban-laban; walang kapangyarihan.
Sa sagot ko, lalong humigpit yung hawak ni Cole sa leeg ko at nakita ko ang mga itim na mantsa na bumabalot sa paningin ko. Naramdaman ko na nawawalan ng timbang yung ulo ko at naramdaman ko yung baga ko na humihingal, nagmamakaawa para sa hangin. Hinila ako ni Cole patayo sa pamamagitan ng leeg ko. Ang kaya ko lang gawin ay kumamot sa kamay niya sa mahinang pagtatangka na alisin yung nakaharang sa daanan ng hangin ko.
May parte sa akin na natatakot sa kung anong naghihintay sa kabilang buhay. Nandoon kaya si Bryant kasama ko? Madidismaya kaya siya sa naging ako, sa mga nagawa ko? May parte sa akin na nagmamakaawa sa sarili ko na bumitaw na, na tumigil na sa pakikipaglaban at sumuko na. Yung parte na yun ay pagod na sa buhay na 'to, sa pananakit sa mga tao nang sunod-sunod. Yung parte sa akin ay nasusuka sa pagiging dahilan ng paghihirap ng mga tao.
Kaya lang naman, papatayin na ako ng lalaking 'to. Gusto ko man o hindi. Hindi ko siya kayang talunin. Malakas siya, at kahit galit siya at puno ng paghihiganti, hindi niya hinayaang malabo ng mga emosyon na 'yon yung paghuhusga niya at gawin siyang padalos-dalos. Matalino siya at malakas. Sa tingin ko hindi ko siya kayang talunin.
Mamamatay ako, sisira pa lalo sa buhay ng isang tao kaysa sa ginawa ko na. Gagawin ko siyang mamamatay-tao kung hindi ko siya pipigilan.
Kailangan kong sumubok, kailangan kong subukan na pigilan yun na mangyari. Hindi ako pwedeng mamatay na alam kong nagpasan ako sa isang tao ng pagiging isang mamamatay-tao para ihatid ako sa kabilang buhay.
Naisip ko yung mga bata na nakita kong naglalakad kasama ni Cole sa park at yung imahe sa isip ko ay nagbigay sa akin ng dagdag na adrenaline. Gawin mo 'to para sa kanila, Casey. Kailangan mong gawin 'to para sa kanila.
Nakita mo na ba yung mga eksena sa pelikula kung saan naaalala ng bida yung isang alaala na biglang nagbibigay sa kanila ng mas matingkad na apoy ng determinasyon, sobrang lakas at imortalidad bigla? Oo, hindi nangyari yun. Sinigurado ko na yung huling hinga ko ay mahalaga habang nagpupumiglas ako sa walang awang hawak ni Cole. Nagdidilim na yung paningin ko at nagulat ako na hindi pa ako namamatay. Pero nung naramdaman ko na nagsisimula ng gumuho yung baga ko, alam kong malapit na akong mawala.
Naisip ko yung lahat ng taong pinabayaan ko; yung mga magulang ko, si Bryant, si Jerry, si Preston, si Adam, yung mga bata, si G. Huang, kapatid ni Cole, si Cole mismo, yung mga bata na kasama niya, at lahat ng iba na mapapahamak dahil sa akin. At sa huling iniisip ko, humingi ako ng tawad sa bawat isa sa kanila. Lalo na sa mga batang nakita kong kasama ni Cole. Humingi ako ng tawad sa kanila dahil ginawa kong mamamatay-tao si Cole at humingi ako ng tawad dahil sinira ko yung buhay nila sa murang edad. Diyos na lang ang nakakaalam kung anong relasyon nila kay Cole at sa kapatid niya.
Umaasa sila kay Cole at sa kapatid niya at kapag nalaman nila na pumatay si Cole ng isang tao; na ako yung nagpapatay kay Cole sa akin, hindi ko ma-imagine kung ano yung nararamdaman nila. Nauubusan na ako ng hangin at nanlalabo na yung paningin ko.
'Hindi talaga magandang senyales 'yan,' ang huli kong naisip bago ako nagising sa bangungot. Napamulat yung mata ko at nakatagpo lang ng buong kadiliman. Hinawakan ko yung paligid ko at natunaw ako sa pamilyar na kama ko. Hindi nagtagal ay naabot ng mga daliri ko yung matigas na surface ng telepono ko. Pinindot ko yung home button para sindihan yung screen nito.
Ang oras ay 2 a.m. at pinikit ko ulit yung mata ko, pinatay ko yung telepono para hindi na lalong masaktan yung mata ko ng liwanag nito. Nakakatakot na panaginip yun. Hindi ako tumitigil sa pag-iisip ng 'paano kung' naging higit pa ito sa isang panaginip. Paano kung nag-alinlangan ako at binigyan ko siya ng pagkakataon na patayin ako.
Ang panaginip ay isang totoong tawag sa akin. Na hindi ako pwedeng magpakalunod sa pagkakasala na 'to. Hindi ko siya pwedeng hayaan na patayin ako. Hindi ko siya pwedeng hayaang maging isang mamamatay-tao. Hindi ko pwedeng biguin yung mga umaasa sa akin para panatilihin silang ligtas. Ito yung unang desisyon ko; na magsimula ng street fighting. Pinili ko ang buhay na 'to at patuloy akong mabubuhay kasama ng mga kahihinatnan na dinala ko sa sarili ko. Pero ayoko na sumuko nang hindi lumalaban. Pinili ko ang sumali sa kompetisyon na 'to. Kahit hindi ko alam na magiging dahilan yung desisyon na 'yon sa isang napakapanganib na sitwasyon sa lahat ng mahal ko, ang tanging kaya kong gawin ay protektahan sila sa abot ng aking makakaya.
Hindi pwedeng pulis. Kung aarestuhin lang nila ako, hindi ko mapoprotektahan yung pamilya ko. Kahit subukan pa nilang tumulong, pagkakita pa lang ng mga badge nila ng iba pang street fighters, may patong na sa ulo ko.
Walang ibang paraan.